Boracay escapade (Un expected)

0 14

Hi po share ko lang yung di inaasahang pag punta sa Boracay...

Nangyari ito nung 3rd Year College ako Year 2001 yun first semester pa lang,Ang kurso ko ay BS Marine Engineering..

Shipboard Familliarization namin nun kaya kami ay sasakay sa barko ng aming paaralan (PMI) para pag aralan ang mga makina habang ito ay naglalayag sa dagat... ang ganda ng dagat kulay asul pag nasa open sea kana talagang wala ka makikita kahit isang isla....

Habang Bumabyahe kami sa laot at unti unti na naming nakikita muli ang mga isla ang gaganda pagmasdan,,, Hanggang sa yung Kapitan ng Barko namin tinanong kami kung gusto ba namin bumaba at maligo sa beach,, Syempre Oo kami lahat..

Ganun nga ang nangyari huminto ang barko sa di kalayuan sa isang isla na maraming mga turista at Doon na sinabi na kapitan na nasa Boracay kami hahaha,napahiyaw kami lahat haha... maya maya ay may lumalapit na sa aming maliliit na banka na sya naming sasakyan papunta sa Isla ng Boracay,,,

Wala ako masabi sa ganda ng Boracay kung gaano kaputi ang mga buhangin doon ang daming mga turista mga sexy hehe yung iba nagsusun bathing ng topless woaahhh hahaha. ang daming mga artista,,

Hindi namin sinayang ang mga sandali na iyon talagang inikot namin ang Boracay maghapon kami doon... Yun nga lang di kami nakabili masyado ng mga souveneir dahil mag estudyante palang kami noon at limited lang ang allowance na dala namin isa pa di namin ini expect na magpupunta kami ng Boracay...

Gusto ko ipasyal ang pamilya ko sa Boracay pag okay na ang lahat....

2
$ 0.00
Sponsors of luffytaro
empty
empty
empty

Comments

Goal ko po talaga ang maka punta sa boracay hehe ang ganda po talaga dyan. Lalo na daw po ngayon hehe Ganda po ng article niyo

$ 0.00
4 years ago

hehe unexpected pa ang pagpunta namin dyan sinorpresa lang kami ng kapitan ng barko namin nung college tagal na rin 2001 pa yun haha sana makapunta ulit ako kasama na family ko ganda talaga dun need mo nga lang ng budget medyo mabigat sa bulsa hahaha...

$ 0.00
4 years ago

Oo nga po eh mabigat po talaga sa bulsa hahaha lang malakihang ipon po kapag dyaan mo gusto mag bakasyon. Pero worth it naman po diba maganda sobra eh

$ 0.00
4 years ago

yup tama kayo maganda talaga yun nga lang nabitin kami nun kasi maghapon lang kami doon 5 pm ng bumalik na ulit kami sa barko...kwintas lang nabili nmin n souvenier haha alaws budget eh mga estudyante pa kasi tamang allowance lang..

$ 0.00
4 years ago

Mas mganda po ang boracay ngaun kso my pandemic pa po kya ndi pa open sa turista n d2 po aq nktira :)

$ 0.00
4 years ago

wow sarap naman maam buti kapa hehe,,once lang ako nakapunta dyan nung college pa gaya ng kwento ko po dyan unexpected pa hehe... sana maulit pag ok na ang lahat

$ 0.00
4 years ago

Ako rin pag okay na lahat gusto ko rin maka punta sa Boracay, with my family.. seaman ka pala sir hehe. Sana maging okay na ang lahat.

$ 0.00
4 years ago

naku hindi po ako seaman maam di ko po natuloy yung pag aaply ko pag graduate nmin ng college,,mga classmate ko ang natuloy magseaman may mga backer eh...opo maganda talaga sa boracay maam the best talaga,, bukas yung sa mindoro naman hehe...

$ 0.00
4 years ago

Oo nga maganda talaga doon hehe.. ganon ba sayang naman natapos mo. Hirap talaga pag wlang backer hay nako. Seaman din kasi asawa ko, hirap na hirap mga apply pag walang backer.

$ 0.00
4 years ago

opoaam nung panahon na yun pag graduate mo hirap kasi wala pa masyado online application nun need talaga backer unlike ngayon nagkalat ang mga agencies maraming choices maraming pwede pasahan ng application online yun nga lang huli na kasi hanngang 30 yrs old lng dapat makasampa kana ng barko...😢😢😢

$ 0.00
4 years ago

Kahit nmn ngayon kung wala kang backer di ka uunahin at pag wala ka solid experience di ka rin tatanggapin yun ang hirap sa systema natin eh. Hanggang 25 na lang ata apprenticeship nila eh.

$ 0.00
4 years ago

mas bumata n pala ngayon ang hirap pala lalo,yung mga classmate ko may mga possition n yung iba ung isa chief engr na yung iba 3rd haha ako lang talaga naiwan samantalang ako leader nila.. di talaga para sakin yung work hehe..

$ 0.00
4 years ago

Oo nga kase dapat daw ganyang edad 30 at least ratings kana. Or di kaya opisyal.. asawa ko nga pumasa na nang pang official rank ratings pa rin dahil laki nang gastustin sa trainings di kinaya HAHAHHA. May ganon talaga di para sayo field na yan.

$ 0.00
4 years ago

Wow buti ka pa nakapag Boracay Ng Hindi inaasahan Ang says nyan. Madami gusto pumunta dyan Isa na ako don. Kahit papaano ay nag enjoy kayo. Sana makapunta din kami Ng pamilya ko dyan. Maganda Kasi dyan.

$ 0.00
4 years ago

opo maganda talaga lalo kaama mo yung makukulit na classmate mo,, kahit mag hapon lang kami doon talagang nagenjoy naman kami isa sa mga unforgetable experience namin yun

$ 0.00
4 years ago

Maganda po talaga dyan😊 Isa aq sa tour guide photographer dyan sa boracay.. At talagang mag eenjoy ka pag naka pag bakasyon ka dyan.. medyo magastos nga lang talaga. Lalo na mga activities.. pero sulit ang pasyal😊

$ 0.00
4 years ago

oo nga po yung mga activities di namin nagawa may mga bayad kasi eh mga estudyante pa lang kami nun sa biglaan lang yun hehe... siguro natuwa yung kapitan ng barko samin nun kaya yun pi nagboracay niya kami haha..

$ 0.00
4 years ago