Helo po gusto ko lang po ishare yung mga experience ko nung ako ay madalas pang bumyahe patungong Baguio City,,,(taga dyan kasi ex ko hehe)
College po ako noon nung magumpisa ako magpunta ng Baguio mula nun hangang sa nagkawork na rin ako(mean tumagal kami ng ex ko haha)
Sa Baguio una ko punta dyan syempre wala ako kaalam alam dyan..di man lang ako ngdala ng extra ko damit at jacket kasi nga balikan lang naman ako diko ineexpect na ganun sya kalamig.
Una namin pinuntahan yung Camp johnhay kung nasaan yung maraming pine trees,,dito nagpicnic kami ang ganda ng lugar at ang dulas gawa ng mga naglaglagang dahon ng mga pine trees, dun ko pala unang nakilala si ex at mula nun nanligaw na kagad ako haha kahit kakikilala ko lang sya..(bilis no) wala eh torpe kasi haha..
Mula noon napadalas na ang punta ko sa Baguio kung san san ako nakarating syempre si ex ang tour guide ko, nakarating kami Mines View, sarap ng hangin dun...nagpunta din kami sa Botanical Garden, Wright Park at nangabayo haha, White Mansion picture dito picture doon, Burham Park syempre katabi lng ng Melvin jones yan,,
Nakarating din kami sa Strawberry Farm kung saan ikaw mismo ang magpipick ng strawberry na bibilhin mo ang galing no...
napakarami pong pasyalan sa baguio,nakarating din ako ng benguet kasama ang pamilya ni ex kung saan maraming falls at natural hot springs doon,
Syempre di mawawala ang sikat na Panagbenga festival kung saan ay ginaganap ito tuwing Febrero...
Matagal tagal narin nung huli ko punta ng Baguio siguro 10 years na rin yun,,, nakakamiss yung lugar(hindi si ex ha hehe) gusto ko mapasyal ang family ko doon..
Salamat po...
Ang ganda po talaga dyan sa baguio, first time ko po naka punta nung christmas 2017 hehe. Ayaw ko na nga po umuwi kasi malamig po tska masarap po yung strawberry taho nila. Ang ganda naman po ng mga pictures niyo hehehe ex niyo pa po talaga ang tour guide ha hehehe