Mga kaibigan hindi po lingid sa inyong kaalaman ang nangyayari ngayon sa ating bansa maging sa ibat ibang bansa na rin ang epekto ng kasalukuyan kinakaharap natin krisis sa pangkalusugan ito ay ang pandemya na covid19..
Hindi lang po pangkalusugan kundi ang buong pamumuhay natin ay lubhang naapektohan nito..
Kailan po kaya natin matatanggap o masasanay ang ating mga sarili sa bagong normal na pamumuhay,,, hindi na tayo sigurado sa lahat ng mga nakakasalamuha natin kung saan dina natin kung hanggang kelan tayo magiging ligtas sa sakit...
Kelangan na nating sanayin ang ating mga sarili na maging maingat sa lahat ng bagay lalo na sa tuwing tayo ay lalabas ng ating bahay o maging sa pagtanggap ng mga panauhin sa ating bahay...dapat laging may suot na mask ang iyong mga magiging bisita at magalcohol palagi,,,
Bawat labas o sa tuwing tayo ay lalabas ay dapat may baon na lagi ng alcohol at nakasuot palagi ng mask saan ka man magpunta..kung may makikita ka na matitigas ang ulo na nkikipag siksikan sa mga tao o nagkukumpulang mga tao ay umiwas ka o lumayo ka hangat maari,,sikapin mo na sanayin ang sarili mo sa social distancing saan ka man magtungo...
Sanayin natin ang ating mga sarili na iwasan humawak sa ating mga mata,ilong at bibig kapag tayo ay nasa pampublikong lugar o sa maraming tao...
Pag uwi ng bahay ay maligo at ibabad kagad sa may sabon ang iyong pinaghubaran upang makasiguro na mawala ang covid19 sa iyong damit meron man o wala...
Iwasan na po natin ang pag Mano sa mga nakatatanda,,o paghalik sa mga baby o bata bilang pag salubong sa kanila pag galing sa labas ng bahay...
Mahirap man po pero kelangan po natin itong gawin at sanayin isama na po sa pang araw araw nating pamumuhay dahil ito na po Ang Bagong Normal (New Normal)
tama sanayin natin ang ating sarili n umiwas sa mga tao lalo n kung d ntin kilala para sa ating kalusugan at pamilya.ugaliin nting magdesenfectant bago tayo pumasok sa loob ng ating bahay para kung sakli d natin mabigyan ng sakit ang ating pamilya