Hi guys, Newbie lang po ako dito at nais ko lamang ibahagi ang tulang ginawa ko noong ako ay nasa college pa..😊

AKO

Ako ay isang maliit na bahagi lamang, Ng malaking mundong aking ginagalawan. kasing liit ng butil ng bigas sa palayan, kasing liit ng buhangin sa karagatan.

Hindi napapansin ng karamihan, Pangkaraniwan lang sa mata ng ilan, Katulad ko’y isang dahon sa malagong halamanan, At isang gabutil na tubig sa patak ng ulan…

Ngunit maliit man akong bahagi ng mundo, Ikinararangal ko ito ng husto! Sapagkat aking napagtanto, Ang bumubuo ng mundo ay isang Ako.

1
$
User's avatar
@lorenz08 posted 3 years ago

Comments