Ang Alibughang Anak (cont.)

0 36
Avatar for lonestranger
2 years ago

Nagkita sila ni Jaheli sa bukana ng kagubatan.

source:coolwallpapers.me

"Jaheli, napasaakin na ang kayamanan!", masiglang salubong ng prinsesa at agad na niyakap ang lalaki.

Inutusan ni Jaheli ang prinsesa na kunin ang kayamanan ng kaharian upang patunay na totoo ang kaniyang pagmamahal.

Sa kasawiang palad, isang kahindik-hindik na pangyayari ang sumalubong sa kanya. Sinunggaban siya ng minamahal ng isang malutong na saksak sa likod kaya't siya'y natigilan at natumba.

"Bilisan ninyo mga kaibigan! Kunin na ang kayamanan at bihagin ang engkantong ito!"

Pinagtulungan nina Jaheli at ng kaniyang mga kasamahan si Prinsesa Akile. Napagtanto ng prinsesa ang kalapastangang kaniyang nagawa.

"Wag na wag kayong iibig mga mahal kong anak. Anuman ang mangyari."

Iyan ang paulit-ulit na sumasagi sa kaniyang diwa. Sa oras ding iyon ay napalitan ang purong pagmamahal ng prinsesa ng pagkamuhi. Tumatak sa kaniyang puso't isipan na tama ang kaniyang ama at mali ang kaniyang nagawa. At kailanman ay hindi na siya iibig pang muli.

Sa kaharian ay nalaman ng Haring Golda ang kamaliang nagawa ng anak. Nalungkot siya sa inasal nito. Ang nais lang naman niya ay mailayo ang mahal na anak sa kapahamakan tulad ng kaniyang napaslang na asawa. Umibig kasi ito noon sa katunggaling nilalang ngunit ito ay pinaslang lamang.

Kahit na hirap na hirap na ay nilabanan pa rin ng prinsesa sina Jaheli. Matapos niya itong matalo ay bumalik ng kaharian ngunit hindi sa palasyo. Pumunta siya sa isang ermitanyo at doon humingi ng tulong upang manatiling buhay. Malaki ang pasasalamat niya sa matanda dahil sa kabutihan ng puso nito.

"Wala na akong mukhang maihaharap pa sa aking mahal na ama. Nagkasala ako sa kaniya at maging sa kataas-taasang Bathala. Tatanggapin ko anumang parusa ang ipapataw niya. Ngunit sa ngayon, uuwi ako hindi tulad nang kung paano ako tumakas."

Gayun nga, umuwi siya sa palasyo at mahiwagang pintuan ang tumambad sa kaniya.

Papasok pa lamang si Prinsesa Akile ay lumundag na sa kaligayahan ang puso ng hari. Patakbo niyang sinalubong ang anak at agad na niyakap. Magkahalong pagmamahal at kasiyahan ang bumalot sa kanila nang oras na iyon.

"Ama, ako ay inyong patawarin. Tatanggapin ko anumang kaparusahan ang ipapataw ninyo sa akin."

Subalit imbes na magalit ay sumigaw ang hari ng, "Bilis! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at isuot sa kanya. Lagyan ng singsing ang malambot niyang kamay at suotan siya ng pangyapak! Kumuha kayo ng pinakamalusog at pinakamatabang baka! Katayin niyo ito! Tayo ay magdiwang dahil ang mahal Kong anak na ito ay naligaw aat ngayon ay nahanap ang tamang landas!"

Dagli-dagling kumilos ang mga katulong. Napansin ito ni Prinsesa Ttypre kaya't lumapit siya sa isa sa mga ito at nagtanong.

"Anong nangyayari at kayo ay abalang-abala? May dapat bang ipagdiwang?"

Sinagot siya ng katulong at ikinuwento ang tungkol sa pagbabalik ng kaniyang kapatid. Nagalit si Prinsesa Ttypre sa nalaman. Pinuntahan niya ang ama at sinabing,

"Ano't ipinagdiriwang ninyo ang katigasan ng ulo ng aking kapatid! Hindi mo ba naisip na hindi kita kailanman sinuway? Ngunit bakit siya? Bakit!"

"Anak, nariyan ka lamang palagi. Lahat ng akin ay iyo. Ngunit kailangan nating magdiwang dahil ang kapatid mo ay namatay at ngayon ay nabuhay. Siya ay naligaw at ngayon ay nahanap."

Naliwanagan si Prinsesa Ttypre sa naituran ng ama. Tama. Dapat lamang na pahalagahan ang araw na iyon dahil napagtanto na sa wakas ng kaniyang kapatid kung ano ang tama at mali. Natuto na ito kaya mali na makaramdam siya ng ganoon.

Nang araw na iyon ay nagdiwang ang buong kaharian at namuhay silang muli ng masaya at payapa.

(What have you learned from the story? I will publish my thoughts tomorrow.)

Share some of your thoughts. Comment below.

ps. lead image not mine

Thanks a ton!

2
$ 0.46
$ 0.45 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Adobe01
Sponsors of lonestranger
empty
empty
empty
Avatar for lonestranger
2 years ago

Comments