Challenge: A tragic Love Story

13 45
Avatar for leejhen
2 years ago

So here it comes, my daughter challenge me to write a tragic love story. As much as possible I only like to write a happy ending story. I don't like a tragic one. My real life is tragic and I don't like to write a tragic story. At least in novels, there is a happy ending while in my real world there's a sad ending.

I decided to write it in Filipino language.

Para damang-dama 'yong sakit lol. And it's like a poem story. Parang nagtutula lang ang narrator. I don't know kung ano ang tawag dito.

Photo Credit to Unsplash

Diary

Halikayo at ako'y samahan. Ating buksan ang unang pahina ng aking talaarawan.

It's summer time at ako ay excited na mag swimming dito sa probinsya ng aking ina. Laking Maynila at ngayon lang nakaranas ng buhay probinsiyana.

At sa di inaasahang pagkakataon ako ay may nakilala at siya'y naging aking sinta. Pangalan niya ay Henry at siya ay mayroong amnesia. Kahit paman ganoon ang kanyang kalagayan. Minahal ko siya ng walang pag-aalinlangan.

"Mahal kita Ana, Ako ba ay matatanggap mo?. Kahit wala akong alaala?"Madamdaming pagtatapat niya. Ako ay pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Pero walang ibang tinatangi itong puso kong pangalan lang niya ang palaging sinasambit at hinahanap-hanap sa tuwina.

"Mahal 'din kita Henry. Wala ka mang maalala, gagawa tayo ng sarili nating nobela at masasayang alaala." Ang sagot ko sa kanya.

Agad niya akong niyakap at sa unang pagkakataon ay nalasap ang tamis ng unang halik na galing sa kanya.

Masaya kami sa aming pagmamahalan at sabay na nangarap ng walang katapusan para sa aming kinabukasan.

"Mahal, kapag nakatapos na ako ng kolehiyo dito sa probinsiya. Ako'y luluwas ng Maynila at doon sabay nating aabutin ang ating mga pangarap na kahit mahirap, Basta't kasama kita ang lahat ng pagsubok ay makakaya." Si Henry na nakatingin sa langit ng nangangarap.

Puso ko'y natutuwa ng marinig ang kanyang pangarap para sa aming dalawa. Kahit sa hirap man I ginhawa. Ako ay handang sumuporta.

"Mahal ko, hihintayin kita sa Maynila. At doon ikaw ay e papasayal ko sa magandang tanawin habang unti-unti nating binubuo ang ating mga pangarap." Sagot ko habang nakayap sa kanyang dibdib. Kami ay nasa labas at nakahigang nangangarap habang nakatingala sa mga tala.

Ngunit isang araw, Isang masamang balita ang nagpabago sa aking pananaw. May biglaang bisita na dumating.

Si Clara na aking pinsan. Hinahanap ang kanyang minamahal na kaytagal ng lumisan. Nalunod daw ang barkong sinasakyan at hindi na nila natagpuan. Pero ang balita ay andito daw sa probinsiya ang kanyang sinisinta.

Habang kami ay nag-uusap may biglang tumawag sa kanyang pangalan. At ito ay hindi ko napaghandaan.

"Clara? Babe!" Si Henry na masayang tumatakbo papunta sa aking pinsan. At ako ay labis na nasaktan ng ito ay kanyang halikan!

"Miguel? Babe, finally I found you!" Sambit ng aking pinsan. At agad na niyakap si Henry na labis din naman ang katuwaan.

Ako ay natulala sa aking nakikita. Si Henry ay hindi na ako kilala. Nagbalik na ang kanyang alaala! At sa kanilang paglisan. Ako'y labis na nasaktan. Mga pangarap naming dalawa ay biglang naglaho.

Ako ay lumuwas ng Maynila at pinagpatuloy ang pag-aaral. At sa wakas nakapagtapos kahit na kapos. Pero pangarap na aming sinimulan ay silang dalawa ni Clara ang nagtapos sa kalaunan.

Ako'y inimbetahan ni Clara sa kanilang kasal. Kahit sa kalooban ay hindi bukal. Tinanggap ko parin ito na puno ng pagmamahal. Mahal ko si Henry at ang aking pinsan. Hangad ko ay kanilang kaligayahan.

Sa araw ng kanilang kasal. Ako'y hinila ni Henry ng patago sa isang sulok. Kahit nagtataka. Siya ay aking hinayaan.

"Mahal, patawarin mo ako." Ang sambit niya na lumuluha.

Ako ay naalala niya na? Labis ang aking tuwa at ako ay napayakap sa kanya pero agad 'din naman napabitaw dahil ito ay hindi tama.

"Salamat naman at ako'y iyong naalala. Kahit masakit man na may iba ka na. hangad ko parin ang iyong kaligayahan Mahal ko." Sabi ko na di napigilan ang pag-agos ng mga luha.

"Ayokong magpakasal Mahal. Alam mong ikaw lang ang aking Mahal Ana!" Mahinang sigaw ni Henry o Miguel.

"Patawarin mo ako mahal pero hindi ko maaring saktan ang aking mabait na pinsan." Sagot ko at agad lumakad papalayo sa nag-iisang lalaking minahal ng aking puso.

Nagsimula ang kasalan pero hindi ko pala kayang tingnan. Kaya ako ay lumisan at wala sa sariling naglakad sa daan. At hindi ko namalayan ang busina ng sasakyan.

"Mahal!" Sigaw ni Henry na agad akong itinulak sa gilid ng kalsada.

Huli na ng aking makita. Si Mahal ay nasagasaan pala. Agad tumakbo ang aking mga paa papunta sa kanya.

Kahit siya ay duguan ay pinilit parin niyang magsalita. At agad tumulo ang aking mga luha.

"Mahal..." Mahina kong tawag sa kanya. Mga kamay ay nanginginig habang hinahaplos ang kanyang mukha.

"M-mahal, I-ikaw lang ang m-mamahalin ko h-hangang sa k-kabilang b-buhay." Ang tanging nasambit niya bago siya malagutan ng hininga.

Ako'y napasigaw ng malakas. 'Di akalain na sa ganito magwawakas! Binigyan ko siya ng kalayaan pero hindi niya pala ako kayang iwan. Sana ay akin nalang ipinaglaban ang aming pagmamahalan.

Ngayon ay labis na nasasaktan. Mahal ko ako ay iniwan at kailan man hindi na babalikan.

At ito ang huling pahina ng aking Talaarawan. Salamat at ako'y inyong sinamahan. At ngayon ay akin ng tutuldukan ang masakit na alaala ng aking nakaraan.

leejhen ❣️

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/1eT5tmYvOob

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty

8
$ 2.73
$ 2.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @gertu13
$ 0.03 from @Princessbusayo
+ 3
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 years ago

Comments

Ang ganda sis ng gawa mo , Nakalungkot naman mabuti na lang Di totoo hehhe

$ 0.05
2 years ago

Haha oo.

$ 0.00
2 years ago

You don't like writing a tragically and tragically love story but you really love amazing and beautiful to know that you're interest and I really appreciate you to make it more outstanding wonderful day for me to write an article here , you can write an article to language and it's really to know that in Philippines

$ 0.05
2 years ago

Yes it's a Filipino language thanks.

$ 0.00
2 years ago

maybe this story is interesting and very good to read but what it can do I can not understand.

$ 0.05
2 years ago

Oh I'm sorry.

$ 0.00
2 years ago

It hurts so much of the side of Ana, poor Ana.

$ 0.05
2 years ago

Nakalungkot naman sis ang paglayo ni ana. Pero ang ganda ng diary. Nag enjoy ako sis magbasa

$ 0.05
2 years ago

Thanks 💚

$ 0.00
2 years ago

Walng anuman sis

$ 0.00
2 years ago

So tragic naman at ang sakit sa part ni Ana na lumayo :(

$ 0.05
2 years ago

Thanks wala ako iba naisip medyo ang drama lng haha.

$ 0.00
2 years ago

Ok lang sis, gawa ulit ng bago :)

$ 0.00
2 years ago