Materyales
POSISYONG PAPEL NG PAMBANSANG SAMAHAN NG LINGWISTIKA AT LITERATURANG FILIPINO (PSLLF) KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO
Obheto:
Maipahayag ang posisyon ng samahang PSSLF kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo
Maisulong ang Wikang Filipino
Karanasan Ukol Sa Paksang Tatalakayin
Wikang Filipino: pangunahing asignaturang pinag aaralan mula kinder, elementarya hanggang sekondarya (K to 12).
Posisyong Papel: isang uri ng tekstong nagpapayahag ng posisyon ukol sa isang argumento o bagay.
Kahalagahan ng Paksa sa Kurso
Ang Wikang Filipino ay mahalaga sapagakat ito ay ating magagamit sa pakikipag talastasan sa ating kapwa Pilipino kaya’t marapat lamang na isulong ang Wikang Filipino sa mataas na antas ng Edukasyon at lagpas pa.
POSISYONG PAPEL NG PAMBANSANG SAMAHAN NG LINGWISTIKA AT LITERATURANG FILIPINO (PSLLF) KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang Pambansang Samahan Ng Lingwistika At Literaturang Filipino (PSLLF) ay samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat, mananaliksik, na may malasakit at interes sa pagtuturo ng/sa wika, sa layuning mapaunlad at mapalaganap ang wikang Filipino.
POSISYONG PAPEL NG PAMBANSANG SAMAHAN NG LINGWISTIKA AT LITERATURANG FILIPINO (PSLLF) KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO
Inakda ni: Dr. Lakandupil Garcia
Pinagtibay ng: 200 guro na delegado sa Unang Pambansang Kongreso ng PSLLFIsinulat noong: 14 Hulyo 2014
Layunin:
wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo
wikang Filipino bilang required na asignatura sa kolehiyo
pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang Rizal.
BUOD NG TEKSTO
Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS)
Ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa “social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts and character education.”
PSLLF
tumulong sa CHED sa pagsasanay ng mga guro sumuporta sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring disenyo
tumulong sa pagdidisenyo ng mga gayong asignatura.Ilan sa mga asignaturang Filipino na maaaring ituro sa kolehiyo bilang core course ang mga sumusunod:
Wikang Filipino Bilang Wikang Intelektwal sa Agham Panlipunan,
Humanidades, Agham, at Teknolohiya;
Panitikan at Lipunan; Mga Wika at Kultura ng Pilipinas; at
Mga Babasahin sa Araling Pilipinas (Philippine Studies)
ANNEX A
BORADOR Ng SILABUS (Asignaturang Filipino sa Kolehiyo)
Pamagat ng Kurso: “Mga Piling Babasahin sa Araling Pilipinas” (Selected Readings in Philippine Studies)
Deskripsyon ng Kurso: Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa analitikal at kritikal na pakikinig, pagbasa, pagsulat, panonood, pagsasalin, pananaliksik, at paglikha ng multimidyang materyales, bilang ambag sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.
ANNEX A
Mga Pangunahing Tema/Paksa
Wika at Kultura
Wika at Globalisasyon
Wika at Midya
Wika at Lipunang Pilipino
Wika at Edukasyon
Wika at Panitikan
Wika, Agham at Teknolohiya
Wika at Agham Panlipunan
Wika at Diaspora
Wika at Kasarian
BUOD NG TEKSTO
Wikang pambansa gawing required na asignatura sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang panturo gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos na nagpapatupad din ng sistemang K to 12
Sa Estados Unidos at marami pang bansa ay bahagi rin ng mandatory core course ng lahat ng estudyante ang pag-aaral ng panitikan.
ANNEX B
Mga Kolehiyo/Unibersidad sa Ibang Bansa na Nagtuturo ng Wikang Pambansa sa Kolehiyo Bilang Required na Core Course (PARTIAL LIST)
Princeton University
Illinois State University
California State University
Columbia University
University of Alabama
Duke University
Yale University
Harvard University
Stanford University
North Carolina State University
Washington State University
University of Wisconsin-Madison
State University of New York
University of Michigan
College of Engineering Ohio State University
University of Vermont
California State Polytechnic University
University of Kentucky
University of Arizona
College of Food, Agricultural, and Environmental Sciences ng Ohio State University
ANNEX C
Mga Kolehiyo/Unibersidad sa Ibang Bansa na Nagtuturo ng Panitikan sa Kolehiyo Bilang Required na Core Course (PARTIAL LIST)
University of Chicago
Harvard University
Duke University
Massachusetts Institute of Technology
University of Alabama
University of Wisconsin-Madison
University of Michigan
University of Kentucky
University of Oregon
University of Texas
1996 Filipino: Mandatory Core Course sa lahat ng estudyante
ISULONG ang Wikang Filipino sa bagong General Education Curriculum
Filipino Wikang Panturo + Asignaturang Filipino sa kolehiyo = Epektibong Mamamayang Filipino
Asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
Resolution No. 298-2011 ng Commission on Higher Education (CHED) ay bahagi ng pagtupad sa hinggil sa College Readiness Standards ng Pilipinas.
Kahalagahan ng Wika at Panitikan:
makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural
Paghahanda para sa ASEAN Integration at sa patuloy na globalisasyon.
"Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.“
Kaya‘t lubos na isinusulong ng PSSLF ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa bagong GEC noon pang 2013 (Annex D) at sa diwa ng mga inilahad, umaasang magpapasya ang CHED pabor sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Resolusyon ng PSLLF Blg. 2013-001
PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA
SAPAGKAT, sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim (6) hanggang siyam (9) na yunit ang Filipino sa batayang edukasyon;
SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya;
SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng/sa Filipino dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso;
SAPAGKAT, dahil sa pagpapatupad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas tersyarya ang Filipino at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang 11 at 12;
SAPAGKAT, ang panukalang Purposive Communication na bahagi sa batayang edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o sa Filipino;
SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay minimum lamang, kung kaya’t maaari pang dagdagan nang hanggang anim (6) pang yunit.
NGAYON, SAMAKATUWID, mapitagang hinihiling sa mga kinauukulan ng lahat ng mga nakalagda, sa pangunguna ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na nagsagawa ng kauna-unahan nitong Kongreso ang mga sumusunod:
Ang panukalang Purposive Communication ay hayagang itagubilin bilang isang asignaturang ituturo sa Filipino at Ingles;
2. Magdagdag pa ng anim (6) na yunit bilang karagdagan sa inihaing 36 na yunit ng CHEd, na ang tatlong (3) yunit ay para sa Retorika at Pananaliksik sa Filipino at tatlong (3) yunit naman para sa Literaturang Pambansa; at
3. Magpalabas ng nakasulat na memorandum ang CHEd na hindi lamang gagamitin ang Filipino sa tersyarya bilang wikang panturo, pagkat dapat itong manatili bilang asignatura
Pinagtibay at nilagdaan ngayong ika-31 ng Mayo, 2013 sa St. Scholastica’s College, Maynila.
Naol madaming back up. Hahahhahaha