Mensahe Mula sa Guro

2 51
Avatar for ladyhanabi
4 years ago

Sa panahon ngayon Ng pandemya.

Halos lahat,natakot at nataranta.

Lalo na sa mga ipinatupad na mga bagong sistema.

Na sa buhay nating lahat,isang malaking banta.

 

Hindi biro itong nangyari sa mundo.

Mahirap man o mayaman,talagang apektado.dahil ang sakit ay walang Sini Sino

At napaka bilis Ng pagkalat nito.

Kaya dapat malakas ang immune system mo.

 

Maraming di nakatugon, sa naging sitwasyon

Dating ginagawa ay bawal na ngayon

Pakikisalamuha at pagtitipon tipon

Maraming tao sa utang nabaon

Ngunit dapat sumunod dahil Ito ang solusyon.

 

Maraming sangay Ng pamahalaan

Sa pangyayaring Ito ay nagbigay daan

Ang sitwasyon ay talagang pinag aralan

Mga pondong dapat sa iba nakalaan

Dito binuhos,upang madla ay ayudahan

 

Departamento Ng edukasyon,gumawa Ng solusyon

Sa kabila Ng maraming rekomendasyon

Na itigil muna ang pasukan ngayon

Ngunit di Ito nagpatinag,at di tumugon

 

Bagkus gumawa Ng para’t nag badyet ng bilyon

At dumaan sa katakot takot na diskusyon

Upang ipaglaban ang kanilanbg desisyon

Na di dapat matigil pagbibigay Ng edukasyon

Sa kabila Ng nararanasan natin ngayon

 

Pagbubukas Ng klase nagkaroon Ng ekstensyon

Kaya ang madla sa mga guro naka tuon ang atensyon

Wala raw ginagawa,ngunit sweldo mayroon

Pa relaks relaks lang at panay ang bakasyon.

Dapat daw maging frontliners karamihan Yan ang suhestyon

 

Bilang isang guro,di ko na babanggitin

Mga sakripisyo’t paghihirap natin

Hayaan natin na kanilang alamin

Suriin, busisiin,tuklasin at himayin

Na sa pangyayaring Ito,tayoy biktima din.

 

Pagbubukas Ng pasukan,di na nga napigilan

Sa kabila Ng napakaraming pinagdaanan

Paghahanda sa module,mga guro nahirapan

Tuloy ang trabaho mula bahay hanggang paaralan

Lalo na’t tayoy kulang sa kahandaan

 

Tayong mga guro madaling makiayon

Sa mga pinagagawa agad tumutugon

Basta’t sa ngalan Ng edukasyon

At kinabukasan ng mga mag aaral tayo’y nakatuon

Kaya masasabi ko Mahal Tayo ng Panginoon.

 

Sa kabila Ng ating pagiging problemado

Sa nakakatakot na sitwasyon,at napaka delikado

Tuloy pa rin ang pagdiriwang Ng ika walumput limang anibersaryo

Ng paaralang elementary a Ng amancio

Sa kasalukuyang taong Ito.

 

Napaka bilis Ng taon, at eto na Naman Tayo

Ipinagdiriwang ang pundasyon Ng eskwela hang Ito

Sama Sama at magkakaisa Tayo

Sa mga gawain ang lahat ay aktibo

Ngunit naiiba ang pagkakataon Ito.

 

Dahil di lahat ay makakadalo

Walang aktuwal na pagdiriwang at salo salo

Hindi rin presente mga mag aaral dito

At talagang masasabing natatangi Ito

Dahil may mensahing nais iparating sa mga tao

 

Magkaisat magtulungan tayong lahat

Sa ating puso dapat maging tapat

Pag big sa kapwa ang ating ikalat

Paggalang sa bawat Isa Yan ang dapat.

Upang ano mang bagay Hindi mabigat

 

Ang pangyayaring Ito ay isang paalaala

Anumang masama dapat tigilan na

Magmahalan Tayo sa tuwi tuwina

Magpatawad Tayo at laging mag pasensya

At laging isiping Tama ating ginagawa.

 

Ilan pang pagsubok ang dapat iparanas

Ipang malamang may Mali sa ating nakalipas

Na walang katuturan ang maging Marahas

Sa diyos na may lalang dapat tayoy malakas

Kabutihan sa kapwa ang laging ipamalas

 

Sa mga kasamahan ko dito sa amancio

Maligayang pagbati sa ating anibersaryo

Napaka linaw po Ng mensahing Ito

Pagkakaisa at paggalang dapat Isa puso

At sabay sabay na manalangin tayo

Na bumalik na sa normal ang lahat sa mundo.

3
$ 1.00
$ 1.00 from @TheRandomRewarder
Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty
Avatar for ladyhanabi
4 years ago

Comments

i don't understand this poem, but i'm visiting.

$ 0.00
4 years ago

Nice article by you my friend

$ 0.00
4 years ago