Inay, itay, mga katagang unang binitawan ng dilang nagawaran ng Kalayaan. Mag pahayag, mag paramdam, mag paabot ng saloobin, makipagtunggali at lumaban. Dahil ito ang ating kapangyarihan bilang isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas. Tayo ay mga Pilipino, boses ko, boses mo, boses ng sambayanang Pilipino, tayo ang gobyerno.
Nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (1948), Artikulo 19 na mayroong karapatan ang lahat ng tao pagdating sa pagpapahayag ng opinyon o ekspresyon. Salig naman sa umiiral na Saligang Batas ng Filipinas, na binanggit sa Artikulo III, Sekyon 4: No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances. Salin sa Filipino: Hindi dapat magpatibay ng batas na nagpapabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng taumbayan na magkatipon ng payapa at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang mga karaingan.
Mula sa unang silaba hanggang sa huling binitawan mong salita, maaring ito’y iyung binigkas o kaya’y tinipa ito’y iyong ipagbunyi sapagkat malaya mong naimmungkahi ang nais mong iparating, ang nais mong sabihin, ang nais mong iparamdam o ang mga katagang matagal mo nang gustong ipag sigawan, kaibigan, malaya ka. Ang malayang pagpapahayag ay parte ng ating karapatang, iukit, ipinta, o ilarawan ang ating nadarama. Maaring sa pamamagitan ng pag kanta, mga awiting ang liriko ay may hugot nang iyong masakit na pag sinta, o pag gawa ng mga pelikula na sumasalamin sa Sistema ng gobyerno na matagal mo ng gustong isuka. Oo, malaya ka.
Ngunit aking mga kapwa Pilipino, nais kong ipaalala na hindi lahat ng karapatan, ay maari nating abusuhin dahil ito’y parte ng ating karapatan. Bilang iisang bansa, tayo’y may iisang layuning, ang magkaroon ng maulad na bayan. Pagbabayanihan at pag tutulungan, diba’t ito ang ating pagkakakilanlan? Ngunit kinain na nga ba talaga tayo ng Sistema? Ganid sa impormasyon, kahit na pekeng balita ang ihain, walang nguya nguya, diretso lamon. At kung magbabahagi man sa iba, ay panis at nag aalingasaw pa. Nakakadismaya pero ang mga katotohana’y kitang kita, mapafacebook, Instagram, twitter at ibang pang plataporma, samo’t sari ang nagkakalat na pekeng balita. Mga storyang sa sobrang walang halaga’y mas masahol pa sa basura, mga isyung akala mo’y bakteryang, kay bilis ng kidlat na kung pagchismisan ng lahat aba basta kung anong trending, dapat may say ka.
Ito’y pagpapahayag na maaring dinedebate mo na sa iyong utak, ngunit bilang isang mamamayan ng ating republikang tumatamasa ng karapatang mag pahayag, ito lamang ay isang paalala na, nawa’y lahat ay maging matalino sa pag gamit ng karapatang ito. Dahil maaring ang ating mga salita ay para na palang barena o di kaya’y bala, maaring nakakaapak o nakakasakit na sa iba. Patas, makatotohanan at walang pinapagnigan, mga katangiang sa bawat inpormasyong ating makakalap o ipapamahagi ay ating dapat na isaalang-alang.
Ako ay lubos na naniniwalang ang susi saating pagkakaisa ay ang patas na pamahayagan, walang kinikilingan, at serbisyong ang pangunahing layunin ay ang pag unlad ng bayan.
Tayo’y iisang bansa, na may iisang hangarin, kaya’y tayo’y magkapit bisig. Huwag tayong mag palamon sa makabagong inpluwensya ng teknolohiya at makinarya, tayo’y mga Pilipino at ang pagpapahayag ang ating sandata sa pagkakaisa. Huwag nating hayaan na ang ating mga kaalaman ang sumira saating samahan.
Muling nag papaalala, “Huwag puro putak, kundi gamitin ang utak”.
Special thanks to @Ashma for motivating me to do more and I'm also glad to join "Get Sponsored !!" community
The idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities. For more information, refer to this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b
Join if you want to "Get Sponsored !!"
To my sponosr @dexter thank you for the support!
Comment to subscribe back!
Wow. Wonderful content, indeed unity is equal to peace and learning the issues in the society must be done first before commenting. Be mindful enough.
Good work! Keep it up😉