Ito si Primitivo Mijares, isang mamamahayag, at ang kanyang anak na si Boyet Mijares. Sila ay mag-amang naging biktima ng Batas Militar.
Noong panahon ni Ferdinand Marcos, nagtrabaho si Primitivo sa Manila Chronicle bilang "chief propagandist" ng diktador. Sa katunayan, siya ang inatasan para magsulat ng press release tungkol sa pekeng pag-ambush kay Juan Ponce Enrile, bago pa man ito mangyari. Kung inyong matatandaan, isa ito sa mga ginamit ni Marcos para pangatwiranan ang deklarasyon ng Batas Militar sa buong bansa. Masasabing isa siya sa pinakaunang tagapagkalat ng fake news sa ating kasaysayan.
Dahil sa kanyang trabaho, naging maganda ang buhay ng kanyang pamilya. Pero sa pagdaan ng panahon, kinaan siya ng kanyang konsensya. Taong 1975, inatasan siyang pumunta ng America. Doon bumaliktad si Primitivo.
Tumestigo siya sa harap ng U.S. Congress para isiwalat ang lahat ng pang-aabuso sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Sinulat niya ang "“The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos” kung saan ibinulgar niya ang maluhong pamumuhay ng mag-asawa, kapalit ang kapakanan ng kanilang nasasakupan. Hindi niya alam na ito ang magiging mitsa ng sasapitin niyang kapalaran.
Hindi na muling nakita si Primitivo, isang buwan matapos mailathala ang kanyang libro. Pero hindi diyan nagtatapos ang ganti ng mga Marcos. Taong 1977, nakatanggap ng tawag ang kanyang anak na si Boyet. Lubos itong natuwa dahil narinig niya umano ang boses ng kanyang ama, at inalok siyang makipagkita. Sa kasamaang palad, ginamit lamang ito para dukutin siya, pahirapan, at patayin. Nahanap ang kanyang bangkay na puno ng saksak sa katawan, basag ang bungo, at nakausli ang mga mata. Ayon pa sa mga impormasyong nakalap ng asawa ni Primitivo, pilit pinapanood sa mamamahayag ang pag-torture sa kanyang anak bago ito tuluyang patayin.
Ito ang kwento ng mag-amang pinatay dahil sa pagsiwalat ng katotohanan — isa lamang sa napakaraming karumaldumal na kwento sa panahon ng Batas Militar.
Source:
http://rizalls.lib.admu.edu.ph:8080/ebooks2/Primitivo%20Mijares.pdf
Please suggest that you can come and pick up your look with our Glow Up Highlighter collection below and we will automatically replace to another one with a bio-organic hair developer with a bio-organic hair dye on the back of a wooden bed with the hashtag wooden chair with wooden flooring