Lahat naman siguro tayo ay nakaranas na maghugas ng plato. Lahat tayo ay biktima ng pagkakataon dahil maaaring inutusan ka ng nanay mo, good mood ka, chinat ka ng crush mo, ginawa kang alipin sa bahay, may hihingiin kang pabor, at marami pang dahilan.
Marami sa atin na kahit matagal nang naghuhugas ng plato, mali pa rin ang proseso. Hahayaan mo nalang ba ang sarili mong mamuhay ng mali habang buhay? chos.
Kahit alam kong medyo labag sa loob nyo ang paghuhugas, ituturo ko pa din ang tamang pamamaraan nito.
Unang hakbang:
Tanggalin ang mga residuals sa pinagkainan.
Napaka unsettling naman siguro pag nararamdaman mong puro kanin yung plato habang kinukuskos mo ng sponge. Kaya dapat bago sabunan, banlawan ng tubig upang mawala ang mga kanin/ulam na tira.
Advisable din na bago ka maghugas, lagyan ng mainit na tubig ang mga huhugasan upang hindi mahirapang tanggalin ang particles na dumikit dito.
Pangalawang hakbang:
Gumamit ng maligamgam na tubig sa paghuhugas.
Sa maligamgam na tubig, ilagay ang dishwashing soap na iyong gusto. Mas prefer ko gamitin ang Joy dahil baka mahawaan ako ng galak na taglay nito. Kung meron man.
Mas maganda kung maligamgam na tubig ang gagamitin dahil mas madaling matatanggal ang mga sebo/kanin na hindi natanggal kanina sa pagbabanlaw.
Tip: Mas magandang ilublob na ang ibang hugasin sa tubig na may sabon habang naghuhugas.
Pangatlong hakbang:
Hugasan batay sa pagkakasunod-sunod.
Dito nagkakaroon ng pagkakamali ang karamihan sa atin. Ang iba ay inuuna ang plato sunod ang baso at kutsara. Yung iba parang bumubunot ng items sa isang bowl, kung anong nakuha ay syang uunahing hugasan.
May tamang pagkakasunod-sunod mga chong. Dapat silang hugasan base sa kanilang dumi na tinataglay. Kung sino ang pinaka malinis, sya ang dapat unahin at kung sino ang pinaka madumi, dapat ihuli.
Dapat magsimula muna sa baso, sunod ang mga kutsara, mga plato at mangkok, at huli ang mga kawali.
Pang-apat na hakbang:
Pagbabanlaw
Kung ano yung unang hinugasan dapat yun din ang unang babanlawan.
Advisable din na maligamgam na tubig ang ipang-banlaw.
Pang-limang hakbang:
Pagpapatuyo
Kailangan ko pa ba iexplain 'to? chos. After magbanlaw, maaaring gumamit ng malinis na basahan upang patuyuin ang mga pinaghugasan. Pwede ding i-air dry nalang ang mga ito. Ikaw bahala. Choice mo e haha.
Nice n yan po gngwa nmin d2 n salamat po :)