Isa. - Isang araw ng tayo'y nagkita, unang pagkikita, unang sulyap sayong mukha na tila'y wala ng bukas. Ngunit isa lang ang sinisiguro ko, isang beses oo isang beses pa lang kitang nakikita pero Gusto na kita yun ang alam ko at doon ay sigurado na ako.
Dalawa. - Dalawang tanong ang sumagi sa isip ko, na hindi ko alam ang kasagutan. Ikaw ba ay pang Matagalan o Panandalian lamang?
Tatlo. - Tatlong letra na bumubuo sa pangalan ko, na hindi mo na kailanman nakalimutan.
Apat. - Apat na beses kitang paulit ulit na tinanong kung talaga bang sigurado ka na ako ay gusto mo rin?
Lima. - Limang letra ang bumubuo sayong pangalan, na kailanma'y hindi ko na rin malimutan.
Anim. - Anim na araw kong pinagiisipan kung saan kaya kita muling makikita.
Pito. - Pitong ulit kitang nahuli na ako ay iyong sinusulyapan.
Walo. - Walong letra ang nais kong bitawang salita sayo, ngunit mayroong takot at kaba dito sa aking dibdib.
Siyam. - Siyam na letra ang iyong binitawang salita para iparamdam ang tunay mong nararamdaman sa akin. Siyam na beses ring kumakabog ang aking dibdib sa tuwing nababasa ko ang iyong pangalan sa aking telepono.
Sampu. - Sampung beses kitang tinitingnan, personal o litrato para mapatunayang kong gusto kitang talaga.
Ganda ng article mo nag enjoy akong basahin para lang sa kanta ni Imelda Papin na isang linggong pag ibig salamat sa pag lathala nito dito ako para sumuporta salamat.