Waking Up in Tears
Ano na panaginipan mo kagabi? Have you experienced waking up with a heavy heart? Iyong grabe ang feeling na as you open your eyes tumulo luha mo? I just did. This morning I woke up so early like 4 a. m. dahil lang sa panaginip ko. Tanda ko ang mga detalye, ang sakit sa dibdib ng nangyari. Pumapara ako ng bus. Maraming bus ang dumadaan. Gabi na nun' pero papasok yata sa trabaho ang porma ko. I saw this maliit na car sa may daan. Nakaharang sa dadaanan ng bus. Bigla ako kinabahan so I went back inside and locked the door. Naisip kong huwag na lang pumasok. Dalawa lang kami ng asawa ko sa bahay. Later on may kumatok. Babae. She's a friend. Hinahanap niya asawa ko. I opened the door for her kasi nahiya naman ako ba't pinaglock ko sya ng pintuan. Akala ko naman din kung Sino, siya lang pala. Kwentuhan kami. I was wondering kung bakit hindi nagsuot ng t-shirt si hubby na ang pagkakaalam ko hindi sya kumportableng nakahubad sa harap ng ibang tao. Nuong una nagbibiruan lang kami hang gang sa biglang nagtanong ako if they like each other dahil sa tinginan nilang kakaiba. Lumapit si hubby sa girl then he kissed her in front of me. Nagulat ako, gulat din si girl. Pero hindi tumitigil si hubby hang gang sa nagustuhan niya. Pinalo ko silang dalawa. They both collapsed. Ang sakit sakit! Buhay pa si girl, binalot ko lang sya ng trash bag at tinago sa cabinet. Si hubby ginawa kong bulalo. π Habang iyak ako ng iyak. Ang sakit sa dibdib. Paggising ko humihikbi na ako at lumuluha. π Diyos ko. Hindi kailanman ako nagselos sa 10 years namin magkasama. Sa panaginip lang. Haha! π Hindi ko naman wish maging criminal. I can't even imagine myself na manakit ng kahit sino. Pero siguro nga may mga ganitong pangyayari na nawawalan ka ng control sa sarili dahil sa matinding galit. Sana naman huwag mangyari sa akin yun. At 4 a.m. I woke up my husband to say sorry to me.. Hahaha! Baliw lang πππ
16 comments
Bakit maamοΌ Anong nangyariοΌoo minsan may mga panaginip na ganyan. tapos nagising ka na lang umiiyak ka na.
haha gulat siguro mister mo bat pinagsosorry mo sya hahaha....
Sabi niya 'bakit anong kasalanan ko sayo? Natulog lang ako ah! Hahaha! Naistorbo pa talaga
hahaha kahit ako maiinis eh gisingin mo ba nman sa kasarapan ng tulog yung inosente hahaha,pag gising pagbibintangan pa hahaha... πππππ
kaya nga sabi nila "some girls are crazy" hahah! minsan lang naman ako ganon
It really nice to express ones in our mother tongue but it will be nice to share our article in language that will benefit of everyone. This article may be of lesson to me but i didn't understand it. My sorry writer.
So sorry about that.. I was about to do it in english actually but most of my readers are Filipinos who are more comfortable with this language.. I forgot there are english readers, I should've considered that. Anyway, for you to understand the story, it is about my husband cheating in front of me. That's what I dreamed last night - that's real nightmare for me, actually. I felt so bad for committing a crime in my dream, I woke up sobbing and in tears at 4 am this morning. I woke my snoring husband up and told him to say sorry to me ..haha! He was so confused.
Nakakatakot naman na Panaginip.. Sa totoo lang nasa Panaginip ung totoo pag katao natin.. Kc jan natin makikita kung ano talaga tayo.. Pero di ibig sabehin masama kana.. Wala lang tayo control sa panaginip natin.. Just seing lang po
Naniniwala naman ako dyan. Natural na reaction yon ng brain ko.. Ikaw ba naman pakitaan ng ganun sa pamamahay mo pa... masakit at nakakagalit.. Kaya malamang pwede mangyari yon.. Lahat naman yata tayo may evil thoughts
hahaha I feel you sis . ilang beses nden nangyari sken yan minsan umiiyak ako minsan gumigising ako ng galit sa mister ko dahil sa panaginip ko na lage syang nagchicheat sken. hahah praning na cguro ako kakaisip.. But in real life di naman cheater ang mister ko . And I'm so blessed ππ
Ewan ko na kung bat may panahon na nangyayari yan sa atin.. Hehe.. parang praning talaga.. Kahit alama naman natin na wala talaga.
kasi cguro takot tayo na gagawin sa atin ng mga partner natin un kaya laging nasa isip natin at napapanaginipan pa. praning na kung paraning. haha basta wag lang sila gagawa ng ganong bagay na ikakasira ng relasyon dba π
minsan nangyayari din yan may mga panahonna gusto kong may kadugtong yung mga panaginip ko para malaman kokungbakit konararamdam yon hanggang paggising ko.
tama.. May mga pagkakataon din na gustong gusto ko ang panaginip ko ayokong kalimutan pero sadyang nawawala talaga sa memory..
ang mga panaginip daw kung minsan ay mga emosyon na nakatago sa sub consious mind natin. minsannanarasan ko na kung may isang tao akong iniisip sa mag hapon hanggang sa panaginip nag papakita..
Haha! Hindi ko alam.. Hindi ko naman siya iniisip.. Pero siguro dahil di ko sya katabi.. simula nung nanganak ako sa pangalawa namin magkaiba kami ng bed. Kasama niya yung mga bata sa pagtulog.