Have you heard about the saying "Mahirap ang buhay may asawa". Kaya nga daw mostly sa mga taong nagsasabi nito, hindi na rin nag-asawa or tumandang binata at dalaga.
May isang nagpost kanina sa noise.cash, sabi niya, masaya nga daw ang buhay na may asawa kasi may nagsisilbi sa kanya, pag-uwi galing trabaho may pagkain na nakahain, may naglilinis at nag-aalaga sa kanya. Sanaol diba?? 😍😁 Hehe.
Pero ikaw? Do you think ganito kadali ang buhay? Life alone is tough. When I was single, mahirap na ang buhay. Ang daming struggles simula pa noong student pa ako hanggang sa nagkatrabaho. Pero noon, ano lang ba ang pinoproblema ko? Tuition fee na hindi naman ako ang naghahanap o kumikita para matustusan ito. My emotions na kahit crush lang nasasaktan na. Haha! Diba para naman akong tanga?😅
When I got pregnant nang hindi inaasahan, hiyang hiya ako sa magulang ko kahit may trabaho naman ako. Kasi it was the first stage of my life na sana makakatulong na ako sa kanila, yet nasapawan naman ng ganitong problema. But I never took pregnancy as a big problem. In fact I was happy because dati pa kahit alam kong hindi ako ready, I wanted to have a child of my own.
Shotgun Marriage
Hindi ko ikakaila at ikakahiya na kami ay parang na shotgun because we were not able to decide for ourselves nung time na nabuntis na ako. 23 na kami ng partner ko pero kahit anong convince namin sa parents na huwag muna ipakasal ay pinilit pa rin kami. Hindi naman din ako tumanggi dahil wala akong choice. The guy did the same because according to him, that's what he thinks is the right thing to do. Hindi ko naman siya pinipilit pero hindi niya ako tinakbuhan kahit ako pang nag udyok sa kaniya na lumayo. Diba ang gaga ko rin? Hehe.
Yes, I even told my husband to plan a fake wedding. Ang gulo ng isip ko kakaisip na e fake ang wedding documents namin. 🤣 Haha! Childish ba? Pero I was thinking na baka magbago isip namin sa huli, maghihiwalay din kami, so maybe it's better that we fake our documents para walang sisihan. Pero ako lang din naman ang paranoid. So ayun we got married and the contract was immediately registered on the same day.
First Stages of Marriage
Parang wala lang. We agreed not to live together kasi, the guy is trying to focus on his studies while ako naman parang awkward kasi wala naman kaming bahay. Mahirap makitira sa magulang.
Pero nahirapan na ako after manganak. Dahil no work no pay, kailangan kong bumalik after one week so that I can earn money para may pambili ng gatas. Hindi ako nakapure breast feed dahil konti lang breast milk ko. Wala akong mapag iwanan sa bata so my husband decided to take me to his home with his mom. Awkward na nga sa sariling bahay ko, ano pa kaya dito sa hindi ko nakasanayan.
He tried working at night and studying at day time pero hindi niya kinaya. Imagine magbabantay ka pa ng bata while I'm at work. Siya ang naiiwan sa bahay to look after the kid tapos may klase siya sa hapon sakto pagkadating ko. After that he will come home to have dinner tapos aalis ulit to work. Tapos biglang di niya kaya yung schedule kasi kahit ako din naman baka magcollapse na sa ganoon. Isa pa parang di ko rin kaya maiwan sa bahay mag isa kasama ang anak ko at nahihiya din ako tawagin ang mama niya pag may kailangan ako.
Few Months Later...
Doon na lumalabas ang mga ugaling hindi mo inaasahan. Diba nga kapag magjowa pa lang, napakasweet, halos ayaw kang bitawan at ang bait bait. Minsan nagagalit pa yan kapag hindi ka kumain, nag aalala kapag nadapa or nasugatan ka. In marriage, kulang na lang babatukan ka sa katangahan mo. 😁Haha! Pero hindi naman ganon ang asawa ko.
My husband is the sweetest person I know. Kahit pa may mga away kami, hindi yan umaalis ng hindi ako kinikiss. Ayeee! 😍😍😁
Anyway, as I was saying, may mga unexpected na attitude na lalabas. While nag-aadjust kayo, the monsters inside you will come out kapag nasubok ang pasensya. Doon na nangyayari yung biglang sisigawan ka, or worst pagbubuhatan ka ng kamay.
Conflicts & Problems
Trabaho. May mga bagay sa buhay mag-asawa na dapat pinag-uusapan niyong dalawa. Halimbawa sa case namin. Ako lang ang may trabaho. The other one wants to work pero wala talagang magbabantay sa mga anak nami. We have to decide who will sacrifice his/her personal interest for the sake of the kids. So, since ako ang unang nakakuha ng trabaho at maghahanap pa lang siya so ako ang nagpatuloy.
When our son turned 4, that's when we decided na pwede na siyang mag-apply. But then for a short period of time, kailangan na ulit niyang bumalik dahil wala talaga kaming mahanap na yaya at ayaw niya din ipaalaga ang bata sa iba. He came home bilang taga hatid at sundo ng anak namin sa school. Until I got pregnant with our second baby, balik house arrest na naman siya. Still, that is our choice. Ay pinag-usapan namin ng mabuti.
Pera. Isa ito sa pinakamalaking issue sa buhay mag-asawa. Kahit pa anong sweet niyong dalawa, kapag hindi kayo nagkaintindihan sa pera, away ang resulta nito. Kailangan may tamang budget sa isang household para mapagkasya kahit magkano pa man ang pinagsamang kita niyo. Kailangan ang diskarte lalo na kapag kaunti lang ang sahod tapos ipagkakasya mo sa pagkain, gatas, diaper, bills at rent. Mahirap magig budget officer at cashier sa isang pamilya. Ang daming demands, ang daming kailangan pero gaya nga ng sabi ko, DISKARTE ang kailangan.
Selos. It's either ikaw, o ang asawa mo o parehas kayong dalawang seloso. Iba't iba ang attitude natin pagdating sa ganitong issue. So, far based on my experience, hindi ko naramdaman yan sa husband ko. I don't know if nagseselos din siya but we are both open to share about our past relationships, nagjojoke pa nga kami sa isa't isa. Hindi niya rin pinadama sa akin na may dapat akong ipagselos. Hindi ko makakalimutan nung hindi pa kami kasal, sinabi niya sa akin "I don't do jealous!".. Joke yun pero I can see na hindi talaga siya seloso. Which is a good thing.
Attitude. Expect that there will be a point in your life na hindi mawawala ang debate. Both of you have positive and negative attitude na hindi magugustuhan ng isa't isa. It's true. Kahit pa gaano niyo kamahal ang isa't isa, may ugali kang hindi magugustuhan sa kanya.
So that's marriage! Gusto mo pa rin ba mag-asawa? Hindi pa kasama ang parenting diyan. If I mentioned something about parenting, wala pa sa 1/4 yan. Hehehe.
I am a happy wife, actually. But marriage is not easy. Yes, masaya dahil may kasama ka sa buhay. May naglalaba para sayo, may nagluluto, may tagaayos ng mga gamit and all that. Pero dapat give and take. It should be a win win for both of you. Kumbaga sa insects, may mutual relationship. It's not all the time that your partner has to work for you, you have to do the same thing para mafeel din niya ang pagmamahal at alaga mo. Maswerte talaga ang iba kasi, hindi nagrereklamo partners nila, but they can feel exhausted, too, kahit nasa bahay lang. Lalo na ang mga houswives. Kapag ang husband naman ang nasa bahay, ganoon din.
Masaya ang buhay may asawa, pero hindi ito ang klase ng buhay na marerelax ka dahil may nag-aalaga sa'yo. Advantage pa rin kasi atleast may kasama ka din sa pagtanda. Pero kung sasaktan ka lang din naman. No, thanks na lang! Hehe. Importante may totoong pagmamahal at marunong kayong magdala.
Sa mga ayaw naman mag-asawa dahil mahirap nga ito, may choice naman sila and they choose to stay single kaya okay lang din yun if that's what makes them happy.
What's your opinion about this?
Tagalong muna ako today, guys..naubusan na ako ng English na bala 🤣🤣🤣
Not ralate..single eh 🤣