May naalala ako today.
Habang naliligo ako, naisip ko ang ReadCash. Napahanga lang kasi ako sa ganda nito.
Naisip ko din tuloy noong high school. Mahilig ako sa essay.
Naalala mo ba yung Formal at Informal Theme? Sa mga hindi pamilyar kung ano ito, ginagamit namin 'to sa school para ilahad ang mga opinyon at saloobin ukol sa isang paksa (topic) sa pamamagitan ng pagsusulat dito. Naalala ko mayroon nito sa Filipino at English.
Naisip ko, itong ReadCash, para din siyang Formal at Informal Theme. May mga informative, artistic, creative ang pagkagawa. Mayroon din mga freestyle na pagkasulat.
Nakakatuwa lang dahil noong highschool ako gustong gusto ko kapag magsusulat na sa formal theme. Akala ko hindi ko iyon maaapply sa kung saan. Pero heto, nagsusulat na ulit ako. Isa pang kinaganda ng mga 'to ay nakakatulong ito sa pagkahasa ng ating pagsusulat at pagsasalita sa ano mang wika na gusto natin.
Ikaw, ano ang feeling mo noong magsusulat kana sa formal / informal theme mo?
wow naalala mo pa talaga yan maam Formal at Informal Theme. yup magagamit talaga yan dito. yong iba hindi yan alam.