The Monstrosity Girl Horror Story

3 14
Avatar for kaiyenxd
4 years ago

THE_MONSTROSITY_GIRL 
Written By: kaiyenxd
Genre: Romantic | Horror | Comedy | Drama
INTRO:
Sa mundong ating ginagalawan marami ang kakaiba, espesyal, at katangi-tangi sa lahat ng bagay, pero bakit ito
hinuhusgahan ng pangkaraniwang tao? Hindi ba sila pwedeng ituring na normal? hindi naman nila siguro ginusto 
ang kanilang kakaibang itsura diba? Hindi mo alam na ang nilalait mo ay mas tao pa, kaysa sa i'yo na mapanghusga.!
Alamin natin ang kuwento ni leah may tatanggap ba sa kanyang itsura? 
May magmamahal ba sa kanya?

-----------------------------******-------------------------------
Chapter1 
Si leah ay isang simpleng tao lamang ngunit kakaiba ang kanyang itsura, at gayon din ang kutis nito, ang kanyang mga mata naman ay kulay asul, at mayroon din siyang third eye at siya'y may
taglay na talino. Walang kaibigan si leah, Palipat lipat ng bahay sila Leah dahil na din sa pagiwas sa gulo ni Flores ang nanay ni Leah, ibang ibang ang mukha ni Flores sa mukha ng 
anak nito dahil si flores ay Maganda at Hindi mo akalaing may anak na siya. Walang magawa si Leah kung 'di sumunod sa kanyang ina para na rin sa kanyang ikabubuti.
"Simula ng bata ako tampulan lagi ako ng tusok, halos lahat yata ng masasakit na salita ay natikman ko, este narinig ko na," Sambit ni Leah habang nakatitig sa salamin.
biglang may kumatok sa labas ng pinto.. "Leahh!! Ngayon ang unang araw mo sa school at malalate kana." Wika ng kanyang nanay.
"Opo paalis na ako saglit lang po." wika n'ya at nagmadaling kinuha ang bag.
habang pababa s'ya ng hagdan, sa sobrang pagmamadali nito nalagpasan n'ya ang isang baytang kaya agad pumalakda ang mukha nito pababa.
"Arayy!! ko.." pasigaw na sabi n'ya habang hinahawakan ang ulo. "Oh anong nangyari sayo?" wika ng kanyang ina habang inaakay s'ya patayo.
"salamat nay, sige alis na ko at baka mahuli pa ako sa klase." wika n'ya at nagmamadaling umalis.
-------------------------------------------------
(SA SCHOOL)
Nang makarating na s'ya sa school agad n'yang hinanap ang room.
"nasaan kaya itong room 112?" wika n'ya habang nakatingin sa registration form. biglang may sumagot sa kanyang likuran. "Sa 3rd Floor yan." pabulong na sabi nito.
lumamig ang pakiramdam ni Leah, at dahan dahan s'yang lumingon. Isang duguang babae na naka school uniform. Sa halip na s'ya'y matakot natuwa pa ito.
"Oy, Salamat ah." nakangiting sabi n'ya. bigla naman naghalo ang multong nagpakita kay leah. at nagmadaling naman s'yang tumakbo pa akyat sa 3rd floor.
"ayon ang room112, yes nakita ko na rin." masayang sambit n'ya habang nagmamadaling pumasok.

Pag pasok n'ya sa room syempre lahat ng tao ay nakatingin sa kanya pati na rin ang professor.

"Sir i'm sorry we're late." hingal na sabi ni Leah. "oh we're late? eh ikaw lang naman ang late eh." pagtatakang sabi ng professor.

"Meron po kasi akong kasama mga multo eh." wika ni leah habang nanlilisik ang mga mata nito na parang mangangain.

"Hoy! Pangit wag kang manakot dito, sa mukha mo palang takot na kami." sabat ng isa sa mga estudyate.

Lahat ay nag tawanan. dahil dito napayuko na lang si leah. "Sabi ko na nga ba wala na naman akong magiging kaibigan." pabulong na sabi nito.

"Quite!!" Pasigaw na sabi ng professor. buong paligid ng room ay biglang tumahimik tanging maririnig na lang ay ang mga huni ng ibon sa labas ng bintana.

"Miss please sit down." wika ng professor. agad naman sinunod ni leah ang sinabi ng prof. wala s'yang mapiling upuan dahil lahat ng kanyang classmate ay 
ayaw s'yang makatabi.

sa dulo ng room mayroon bakanteng upuan. habang naglalakad s'ya papuntang sulok ng room lahat ng madadaan n'ya ay nginingisian s'ya dahil sa itsura n'ya.

"kaasar na buhay ito." asar na sabi n'ya at umupo sa upuan.

Mula sa kinauupuan n'ya napansin n'ya ang kagwapuhan ng kanyang professor.

"Grabi ang pogi pala ni sir," pabulong na sambit nito. 
halos natulala si leah sa kanyang nakita tila nahulog na ang loob nito sa processor.

Napatitig naman ang professor kay leah at ngumiti ito. Hindi n'ya inaasahan na ngingitian s'ya. 
Sa sobrang kilig ni leah napapadyak ito sa sahig. "TuggTuggg" sa sobrang lakas lahat ng kanyang kaklase ay napatingin sa kanya pati na rin ang kanyang professor.

"hah? Ano 'yun tinapakan ko 'yun ipis, sorry guys " nakangiting sabi nito.

Natawa ang lahat sa sinabi ni leah pati si sir ay namula sa sobrang kakatawa nito.

"It's okay miss? What 's your name again?" Tanong ng kanyang prof.

"Sir! My name is Leah, 18 , from philippines," pasigaw na sambit nito habang nakataas ang dalawang kamay.

Hindi na talaga mapigilan ang tuwa ng kanyang mga kaklase kaya nagsihalakhak ulit ang mga ito.

Bigla nag ring ang bell hudyat ito na tapos na ang klase.
Agad na nag silabasan ang lahat maliban kay leah at sa kanyang prof.

"Sir, ano nga po name n'yo?" Patanong na sabi ni leah habang papalapit ito.

"Oo nga pala late ka kaya hindi mo alam ang name ko ako pala si Romeo." Wika ni Sir Romeo.

"Nice name sir , if you don't mind how old are you?" Tanong ulit ni leah.

"Ah! 23 year old? Bakit mo natanong siguro may crush ka sakin no?" Wika ni sir romeo habang nakakitingin kay leah.

"Hala sir pag tinanong ang edad crush agad!" Wika ni leah.

"Ah sige mauna na ako't may next class pa akong tuturuan," wika ni sir romeo at lumabas ng room.

"Hala may next subj. pa pala ako!" Wika nito habang nag mamadali.

Subalit sa kanyang pagmamadali nalaglag n'ya ang kanyang ballpen na G-tech (Putek richkid) pagkayuko ni leah para kunin ang ballpen na nasa sahig,

Biglang lumamig ang paligid ng room at dahan-dahan tumayo sa pagkakayuko si leah pansin n'ya sa bandang dulo ay may naka upo ngunit nakatakip ang mukha nito kaya naman nilapitan n'ya upang yayain sa next subj.

"Miss next subj. Na tara sabay na tayong pumasok." Wika n'ya ngunit walang imik ang nakaupong babae. 
Kaya naman lumapit si leah ng walang alinlalang

"Miss tara na!" Wika n'ya habang kinakalabit ito.

Biglang humarap ang babae duguan at umiiyak tila nanghihingi ito ng tulong.
Sa sobrang gulat n'ya mabilis na tumakbo palabas ng room.

"Waaaah!!" Pasigaw na sabi nito. Hindi alam ni leah kung saan s'ya tutungo , inikot n'ya ang paligid ng hallway lahat ng estudyante ay pinagtatawanan s'ya dahil sa tuliro't pawisan na mukha n'ya. 
Sa sobrang kahihiyan ni leah naisipan n'ya magtungo sa restroom dahil sa tingin n'ya doon lang s'ya makakapagtago. 
Sinara agad nileah ang pinto hingal na hingal ito, napaluha s'ya dahil sa sobrang takot. Napaupo si leah sa dulo ng restroom at nakatulala hindi n'ya napapansin ang kumakatok sa pinto.

"Hello TOktokTok! May tao ba d'yan?" Sambit ng taong kumakatok sa labas ng restroom.

Sa kakaiyak ni leah dahan-dahan bumasak ang kanyang mga mata at tuluyan nakatulog....

-----------------------------

(Sa Bahay ni Leah)

Pagdilat ni Leah ay nasa bahay na s'ya.

"Maaaaa??" Pasigaw na sabi ni leah habang tinatanggal ang muta sa kanyang mata.

"Oh anak, uminom ka ng gamot," wika ng kanyang nanay habang iniabot ang gamot at tubig kay leah.

"Mama, paano ako napunta rito sa bahay?" Tanong ni leah kasabay ng pag inom ng gamot.

"Tumawag 'yun prof mo sa akin sabi nawalan ka raw ng malay kaya agad-agad akong pumunta sa school dahil sa sobrang pagalala sayo." Wika ng nanay ni leah.

"Sino pong prof mama?" Tanong ni Leah.

"Si Sir Romeo, s'ya nga ang nagbitbit sayo patungo rito sa bahay, kaya kailangan bukas magpasalamat ka sa kanya dahil mukhang nabigatan s'ya." Sagot ng nanay n'ya.

Namula ang pisngi ni leah sa narinig dahil si sir romeo ang bumuhat sa kanya.

"Bakit ka nagbablush anak?" Paninitang wika ng kanyang nanay.

"Wala po ito mama! Sige punta na kong kwarto," depensang sagot ni leah at agad na tumakbo patungong kwarto.

TO BE CONTINUED......

if you want to part 2 comment bellow to (continnue)

2
$ 0.05
$ 0.05 from @Kaze
Avatar for kaiyenxd
4 years ago

Comments

Nice movie

$ 0.00
4 years ago

Please I have suscribed to you so please suscribe to me back too

$ 0.00
4 years ago