Una, pagka-break na pagka-break nyo pa lang, iiyak mo nang lahat. Lahat ng emosyon na gusto mong ilabas, ilabas mo na. Ayaw mong kumain, e di wag kang kumain. Gusto mong i-reminisce lahat ng pinagsamahan nyo ng mahabang panahon? Go ahead. Pero please lang, gawin mo lahat ng ito sa loob ng isang linggo lang. Kung pwede nga lang, tatlong araw lang eh or overnight lang. Wag mong kimkimin ang nararamdaman mo. Hindi mo rin naman kinimkim yung nararamdaman mo noong time na inamin mong mahal mo siya di ba? Nakakagaan ng loob ang paglabas mo ng iyong emosyon. Para lumuwag ang hininga mo pagkatapos ng lahat. Hindi yung puro buntong-hininga ka na lang.
Pangalawa, tanggapin mo nang wala na kayo. One week task din yan. Kung babalik siya sa'yo, wala pang isang araw nandiyan na yan. Pero yung aasa ka pa pagkatapos ng isang linggo, magdasal ka na sa Quiapo! Mas magandang tanggapin mo na sa sarilin mo na wala na kayo. Marami pang pwedeng magkagusto sayo, o di kaya magkagusto ka sa iba. Ang kailangan lang talagang isuksok mo sa kukote mo, hindi kayo bagay at para sa isa't isa.
Pangatlo, ayusin mo ang trabaho mo. Pag-ibayuhin mo pa lahat ng ginagawa mo. Para sa'yo din yan, at para ma-busy ka lagi. Hindi iyong mag-eemote ka naman palagi. Mas mabuti nang mapagod ka sa trabaho para makatulog at makapagpahinga ka na nang mabuti. Hindi iyong uwing uwi ka na para lang magmukmok sa kwarto at isipin na naman siya. Stress-in mo na lang sarili mo sa trabaho.
Pang-apat, palakihin mo ang mundo mo. Kulang pa ang mga kaibigan at pamilya mo para bigyan ka ng comfort diyan sa duguang puso mo. Makipagkilala ka sa iba. Sa friends ng friends mo. Check mo Fb nila. Magstalk ka! Ok lang yan. Basta wag si ex lagi ang iniisip. Gusto mong lumandi? Go! Basta iyong responsableng landi lang ha(meron ba nun). Habang maliit ang mundo mo,usually diyan sa kuwarto mo, mas lalo ka lang mag-iisip at mag-iisip. Napakalaki ng mundo. Napakaraming pwedeng magkagusto sa iyo. Huwag mong isiping pangit ka, dahil sure akong mas may pangit pa sayo. Magpa-salon ka. Ipa-rebond mo buhok mo. Kung gusto mo, magpakalbo ka. Basta yung inaakala mong makaka-attract sa iba. Hindi naman siguro kasalanan na gustuhing maging kaakit-akit sa iba di ba?
At higit sa lahat, patawarin mo ang sarili mo at lalo na ang ex mo. Mahirap sabihin kasi kung sino ang may kasalanan kapag may break-up. Move on ka na lang. Ikakagaan din ng damdamin mo kapag pinatawad mo na sya. Kahit sa sarili mo na lang. Ibulong mo sa hangin. Hindi na kailangang sabihin sa kanya. Ayaw mo din naman na lalabas ka ng bahay tapos para kang may iniiwasan di ba? Magmumukha ka lang tanga sa sarili mo.
Mahalin mo ang sarili mo muna. Ika nga, "Love yourself first, and everything else will follow". Magmahal ng sapat lang, wag magmahal ng sobra-sobra. Magtira ng para sa sarili, para kapag iniwan ka, may puhunan ka pa. Oo, maganda ang magmahal, pero ang pangit masaktan.
Totoo lahat ng sinabi dito. I also had a long term relationship with someone, and these were the things I exactly did before finally getting over with him. Sa umpisa lang masakit at mahirap, pero kapag namulat ka na at nakita mo na ang daan palayo sa sakit na yo'n, sasaya ka talaga.