Pag Asa Ng Paglaki Ng Football Sa Pilipinas
Nasa gitna man tayo ng pandemya at marami ang mga plano ang pansamantalang naantala dahil sa kasalukuyan sitwasyon.May mga bagay pa rin ang dapat magpatuloy lalo na sa larangan ng sports. Isa na rito ang pagpapahintulot ng IATF sa mga team sports na magbalik ensayo para sa mga paparating na kumpetisyon lokal man o labas ng bansa.Para sa mga football fanatics dito sa bansa isang masayang balita ito dahil nangangahulugan na mapapanood na uli nila ang mga paborito nilang mga football club para sa paparating na season ng Philippine Football League o PFL. Lalo nakakapanabik ang paparating na season ng PFL dahil sa pagpasok ng isang international company para magsponsor sa nasabing liga ang Qatar Airways.Ayon kay PFF president Mariano Araneta Jr. ay tuloy ang pagsponsor ng nasabing kumpanya sa liga.Sa kabila ng krisis na nararanasan ngaun sa buong mundo ay tuloy pa rin ang pag suporta ng nasabing kumpanya sa liga sa pinansyal na aspeto.Malalaking football clubs na ang pinag sponsor ng Qatar Airways tulad ng FC Barcelona sa La Liga sa Spain. Malaki din ang tulong nito sa pagpromote ng football sa bansa dahil sa pagpasok airline giant na ito.Makakahikayat ng mga iba pang football club ang liga dahil sa pag sponsor dito ng Qatar Airways sa liga.Malamang maiisip na ng mga football player sa bansa lalo sa collegiate level na may pupuntahan na ang career nila pagtapos nila ng college hindi tulad dati na pagka graduate ng college football player ay hindi na nila mapapagpatuloy ang football career nila dahil wala tayong domestic league.Sana magtuloy tuloy ang pagsuporta ng Qatar Airways sa PFL sa mga darating pang panahon para sa pag usbong ng football sa bansa.
Pag Asa Ng Paglaki Ng Football Sa Pilipinas