It was March 2016, I cannot remember the exact date but it was, I think, around the first week of March. So bale, it was three weeks before our Elementary graduation. Hapon noon mga 4:00 pm, nasa labas ako ng inuupahan naming bahay kasama ang mga kaibigan ko para mag-review at mag-take ng notes dahil ipapasa na namin iyon sa mga teachers namin. We were all running for honors kaya naman talagang pinagsisikapan naming tapusin lahat ng school works para makakuha ng mataas na average. Syempre, dahil sobrang babata pa namin noon ay hindi lang puro studies ang ginawa namin that time. Kain dito, tawa doon. Palitan ng notes dito, kopyahan doon. And napalingon kami sa TV namin dahil sa isang advertisement ng isang Horror movie. Kitang-kita kasi ang TV namin sa bintana na nakatapat sa amin. 'Yung horror movie na iyon ay 'yung White Lady na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban at Pauline Luna. 'Yung may song na Ilocano ata iyon. I am not really sure. At dahil matatakutin ang mga bestfriends ko ay agad silang nagligpit dahil natakot sila at almost gabi na rin that time. Five na ata noon at medyo madilim na. So bale, pag-uwi nila ay pumasok na rin ako sa bahay namin. Nakabukas lahat ng bintana at pinto sa buong bahay. Mula sa kusina, kwarto at pati sa sala. Mahilig naman ako sa mga Horror movies at hindi naman ako medyo matatakutin, pero medyo na-cecreepyhan ako sa song noong Movie na iyon pero binalewala ko na lamang iyon at pinagpatuloy ang pag-aaral. At habang nag-aaral ay nakikipag-chat sa mga bestfriends ko. Nagtatanungan kami about sa school. Hanggang sa pinatalastas muli iyon pero binalewala ko na lang dahil nag-eenjoy akong makipag-usap sa mga bestfriends ko. Hanggang sa nag-six na ata noon o seven ata noon ay bigla na lamang may weird na sound akong narinig. As in super super super weird. 'Yung parang tunog ng hinihingal na lalaki or what. Pero mas malalalim sa boses ng lalaki. Sa una akala ko, nasa likod lang ng divider namin kaya dahan-dahan ko iyong chineck. And wala roon. So sabi ko, nasa labas ito. Nagsisimula na akong matakot at habang patagal ng patagal iyon ay palakas ng palakas ang hingal niya. Dude! Nakabukas pa naman ang pinto at bintana namin! Omg. So sinubukan kong silipin iyon sa may bintana namin ngunit wala akong nakita. Kaya nagtalukbong na lamang ako ng kumot dahil May nilatag naman akong kutson sa sala namin. Hindi ko na inayos 'yung mga notebook ko at hinayaan na lang iyon. Umiiyak na talaga ako noon. Grabe! Nag-pray lang ako ng nag-pray kay God at sabi ko patigilin niya na iyon dahil alam kong siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Akala ko nga mamamatay na ako noon. Sabi ko pa kay Jesus noon na pa-graduaten muna ako ng kahit Elementary lang po tapos nagdasal lang ako ng nagdasal talaga hanggang sa biglang tumunog 'yung bubungan namin at pagkatapos noon ay narinig ko ring gumalaw 'yung dahon ng puno ng niyog sa may side ng bahay namin. Bigla namang may malakas na impact sa lupa. Para bang malaking niyog o malaking something na nahulog sa lupa. After noon ay natapos na iyon at hindi na muling naulit ang pangyayaring iyon.
It was really terrifying. At habang isinusulat ko ito ngayon ay natatakot pa rin ako. Feeling ko aswang iyon dahil sa lugar namin ay May nakatira raw na aswang at malapit lang daw ang bahay sa amin. Napapalibutan pa naman iyong dati naming inuupahang bahay ng mga puno. May mga kakaiba pa akong naranasan doon sa dati naming inuupahan naming bahay.