Tunay o Huwad na Pag-ibig?

4 84
Avatar for jenny12
4 years ago

Ano nga ba ang kahulugan ng tunay at huwad na pag-ibig? Kailan kaya masasabing tunay o huwad ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay klase ng pag-ibig na hindi naghahangad ng kahit anong kapalit. Pag-ibig na kahit na nasasaktan at nahihirapan ka na ay hindi mo pa rin sinusukuan. Sabihin na nating kapag tunay ang pag-ibig natin ay nagiging tanga at nagiging bulag tayo hindi sa physical kundi sa katotohanan. Ang tunay na pag-ibig din ay yung tipong handa tayong magsakripisyo para sa kanila. Gagawin natin ang lahat maging masaya lang sila kahit ang kapalit ay ang sarili na nating kaligayahan. Ito rin ay yung tipo ng pag-ibig na kahit niloloko ka na kinikilig ka pa din sa kunting effort nila.

Ang huwad na pag-ibig naman ay ang klase ng pag-ibig na nagpapanggap kang mahal mo siya pero may gusto ka lang palang makuha mula sa kanya. Pag-ibig na puro pagkukunwari. Halimbawa na lamang nito ay nagpapanggap kang sya ang mahal mo pero naghahanap ka ng iba pag wala sya. Yun din yung minamahal mo lang ang mga bagay na mayroon sya tulad na lamang ng yaman at kasikatan.

Ngayon tatanungin kita anong pag-ibig ba ang mayron ka yun ba yung may gusto ka lang makuha o yung wala kang pakialam sa kung anong mayroon sya dahil mahal mo kung ano man sya?

7
$ 0.09
$ 0.05 from @FerferClear
$ 0.04 from @TheRandomRewarder

Comments

Hindi ko din alam. Aalamin ko pa πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Hehe.... Good morning.... Thank you po sa pag upvote😍😍😍😍😍

$ 0.00
4 years ago

Welcome po

$ 0.00
4 years ago

Huwad kapag patuloy kang pinaapaasa sa wala ouch,,

$ 0.00
4 years ago