read.cash Log in

@Shylee

Joined 20 July 2020 · 21 posts

120 KT

0 KT · 1¢ received · 0 KT given

Posts

S@Shylee

Lion's Share - Earn Ethereum - Smart Contract Ito ang kakaibang Apps that can really make money for you.. DOWNLOAD: 👉TRUST WALLET/TOKEN POCKET 👉COINSPH 💵No need to request for payout 💰No minimum payout 📵No Videos to watch on 🚷No CEO na itatakbo ang PERA mo ⛔No pending/processing ✅Yes! Automatic direct sa wallet mo ang earnings. ✅Withdraw anytime! 🤩BONUS - PASSIVE INCOME 📵Dito tulugan, walang nauuna walang nahuhuli 📵Dito hindi natutulog ang pera mo Direct Message me now for more details ! ! !

S@Shylee

Ignored by someone you love..saklap anyone na pwede maka heart to heart talk? Need ko nang kausap..tara usap tayo

S@Shylee

Against all Odds (Cont. Chapter I) Since first grade ay parati ng magkasama si Mika at Chloe. Isang Americano ang ama ni Mika at ang ina nito ay Pilipino, sa America ito naipanganak at nanatili doon hanggan nuong 5 years old ito.       Subalit nang nag-umpisa na itong mag-aral ng grade 1 ay biglang iniwan sila ng kanyang ama dahil sa ibang babae at nagpasya ang ina nito na i-divorce na lamang ang kanyang asawa at napunta din dito ang kustodiya ng anak, at nang matapos iyon ay nagpasya itong umuwi ng Pilipinas dahil pinipilt ng ama nito na kunin ang bata sa kanyang ina. Napadpad ang mag-ina sa lugar nila Chloe sa may probinsya ng Pwerto Princesa, kung saan katabi lang ng mga ito ang dagat. Isang bakanteng lote ang binili ng ina ni Mika doon at nagpatayo ng isang malaking bahay kung saan dalawa lamang sila ng kanyang anak ang titira. Sa kabila naman ay ang bahay nila Chloe kung saan hindi masyadong kalakihan, hindi naman mahirap ang mga ito, sa katunayan ay nasa dubai ang ama ni Chloe at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang engineer at buwan -buwan ding nagpapadala sa kanila kaya unti-unti ring natapos ang bahay na pinapatayo nito na dalawang palapag din na taas. Bagong tao, bagong lugar at panibagong kapit-bahay para kina Mika at ina nito nang umuwi ng Pilipinas. At dahil sa tabing dagat ay medyo may kalayuan din ito sa mga tao at ang tanging pinakamalapit lang na kapit-bahay nila ay ang bahay nila Chloe. Completo na ang laman ng bahay nang lumipat sila Mika at ang kanyang ina kaya wala ng masyadong inayos ang mga ito. Sabado ng alas singko nang hapon ng mag-isang naglalaro sa may buhanginan sa gilid ng dagat ang  nuon ay limang (5)taong gulang na si Chloe. Tanging yuon lamang ang play ground ni Chloe nuong bata pa ito dahil sadyang napakalapit ng kanilang bahay sa dagat. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan ding naglalakad ang bagong lipat na sila Mika kasama ang kanyang ina na inabala ang sarili sa pamamasyal sa magandang tanawin ng dagat. “Look Mama!”. Tila Masaya namang pinakita nang nuon ay Anim (6) na taong gulang na si Mika sa kanyang ina ang napulot nitong shell. Nakangiti lang namang pina-panood ng ina nito ang kanyang anak na masayang namumulot ng shell sa may gilid ng dagat habang  nakaupo ito sa mapuputing buhangin  na siyang isa sa nagpaganda sa lugar. Nang nasisiguro naman ng Ginang na masayang naglalaro ang anak at tila save naman para sa anak ang lugar ay hinayaan na muna niya itong maglaro. At dahil sa sakitin ito,parati itong may dalang maliit na bag na parating nitong bitbit kapag naglalaro. May mga laman iyong mga band-aid, alcohol at kung ano-ano pang first-aid kit. “Be careful baby!”. Malakas naman nitong bilin sa anak sa may di-kalayuan. Hindi naman ini-intindi ng bata ang bilin ng ina dahil sa naaaliw na itong maglaro. Habang tahimik na naglalaro sa may gilid ng dalampasigan si Mika ay may bigla itong narinig na malakas na iyak, hinanap niya kung saan ito nang-gagaling ,at nang may makita siya isang malaking bato ay patuloy siyang naglakad mula sa kabila niyon. At nang makalagpas siya sa isang malaking bato sa may gilid din ng dagat ay nakita nito si Chloe na umiiyak habang nakapikit dahil nalagyan ng buhangin ang kanyang kaliwang mata. Patuloy parin ito sa pag-iyak nang nilapitan siya ni Mika. Umupo ito sa kanyang tabi at tili sinisilip pa nito ang mukha ng kanyang katabi. Maya-maya pa ay nagsalita ito. “What’s wrong?”. Tanong naman ng munting bata. Sandali munang tumigil si Chloe upang tignan kung sino ito, at nang bahagyang imulat ang kanyang mga mata ay bumungad dito ang isang cute at maputing si Mika na nakangiti sa kanya. At dahil sa hindi ito kilala ni Chloe ay mas lalong umiyak ito, bigla namang nagbago ang expression ng mukha ng nuon ay nakangiting si Mika na tila bigla itong nalungkot. At nang aalis na sana ito ay napansin niyang pilit pinupunasan ni Chloe ang nuon ay hindi na niya maidilat na mga  mata dahil sa pumasok na buhangin. Nalaman naman agad ni Mika kung bakit siya umiiyak, dahil ito sa pagkakapuwing niya sa buhangin. Muli itong bumalik at agad na hinawakan ang mukha ni Chloe at tinaggal ang ilan pang buhanging nakadikit  sa mukha nito at tila matanda itong itinaas ang mukha ni Chloe saka bahagyang minulat ang napuwing nitong mata saka hinipan ng hinipan upang maalis ang pumasok na buhangin sa mata nito. At nang sa unti-unti nang nawala ito ay tumigil narin sa pag-iyak si Chloe at dahan-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata sabay ngumiti ito kay Mika, at duon na nagsimula ang ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Isang malakas na pagbukas mula sa may pintuan ng operating room ay lumabas ang isang doctor kasama ang mga ilang pang nurse kasama ang nuon ay naka-oxygen at wala paring malay na si Mika na kasalukuyang inililipat sa ibang kwarto. Agad namang lumapit ang doctor sa ina ni Mika. “Kumusta po ang anak ko doctor?”. Agad namang tanong ng Ginang. “Successful po ang operasyon, mabuti na lamang at naidala niyo siya agad sa hospital bago pa lumala ang sitwasyon”. Pagpapaliwanag naman ng doctor. “ ano po ba ang nagyari sa kanya doctor, bakit bigla na lamang siyang hinimatay?”. Tanong naman ni Chloe na tila walang ideya kung ano ang nangyayari sa kaibigan,maaari ko na po ba siyang puntahan?”. Tila pagmamadali naman nitong puntahan ang kaibigan. “ligtas naman na ang pasyesnte kaya pwede niyo na siyang puntahan pgkatapos nitong mailipat sa kabilang kwarto”. Sagot naman ng doctor. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang dalawa nang malamang ligtas na ito. Sandaling tumahimik ang doctor saka tumingin sa Ginang. “Ah, Misis pwede ko po ba kayong maka-usap ng sarilinan”. Sagot naman nito sa ina nang pasyente na tila may masama itong ibabalita. “Sumunod na lang po kayo sa akin”. Utos naman ng doctor dito samantalang si Chloe ay agad na hinanap ang kwartong pinaglipatan kay Mika. “Maupo po muna kayo misis”.Mabilis naman nitong bungad ng nakapasok na ito sa kanyang opisina. “hindi na po ako magpapaligoy-ligoy, may maliit na butas sa puso ang anak niyo na kung saan iyon ang naging dahilan ng kanyang pagka-atake”.tila masama namang balita ng doctor. To be continued...

S@Shylee

Meeting your Old self Kung bibigyan ka nang pagkakataon na makausap /makaharap ang iyong sarili sa nakaraan anong sasabihin mo sa kanya at bakit? Example: babali ka sa panahong 16 years old ka?

S@Shylee

Whisper of the Heart I miss you, I whisper hear me say I need you everyday time goes by all i think is you by my side I miss you so much i cant let you out of my mind   i found comfort in your voice heaven by your side i need you now and forever be with me until now and then   I've lost in love forever time is just an illusion of forever loving you is my comfort zone living without you is just unimaginable   i love you so much i need you this much i will take you forever in my heart i will love you to the moon and back

S@Shylee

Pag-Iisa (Poetry) Sa aking pagiisa lagi akong nakatanaw sa nakaraan binabalikan ang bawat sayang nagdaan nananatili sa alala ala ng nakaraan paulit ulit... nasasaktan marahil panahon lang ang makakapagsabi kung kailan ako makaka-alpas sa pighati ng nakaraan'g pilit na winawaksi pilit kinakalimutan ngunit ayaw lumisan hindi ko alam kung saan ang hangganan kung sa dulo ba'y may liwanag na maaninagan sa nakaraan ba'y may paglaya nang sa kasalukuya'y pag anyaya sa bawat araw na nagdaraan tanaw ko ang pag-asa ng bagong umaga subalit tila ba hinihila ako ng masasayang ala-ala lungkot at paghihinayang laging nakaamba mga tanong sa isip di mawala walang katapusang bakit? walang sagot ang dahil paano? ang palaging tanong sana ang palaging hiling magkagayun may hiling lagi sa maykapal katatagan sa kasalukuyan dalagin kay bathala ako'y gabayan sa bawat araw ng aking paglalakbay

S@Shylee

Mga Ka Read tanong lang po, na observe ko lang po sabi kasi bawal mag post ng content na galing sa Internet, pero yung ibang nababasa ko mostly galing di naman sa Internet..paano po yun naging original po? sana po may pumasin sa post ko at magturo medyo nalilito kasi ako Thank you and have a Good Day!

S@Shylee

Good Morning ka Reader! Good Morning guys, isa nanaman magandang umaga na punong puno ng saya, nawa'y mapuno ang araw na ito ng biyaya, kalusugan at kaligtasan. Isa nanaman araw nang pag asa... Naway makamtan natin ang ating mga pangarap...

S@Shylee

Kinalimutan Kinalimutan mo na ang lahat Pagkakaibigan Pagtatawanan Ang oras Kung saan Lagi tayong magkasama Kinalimutan mo na ang lahat Bawat saya ng nakaraan Kinalimutan mong andito ako Iyong kaibgan Kaibigan mo mo ba ako Oh isa lang pampalipas oras mo Kinakausap pag wala ka nang magawa Kinakausap kung kailan mo lang gusto Aaminin ko Gustung-gusto na kitang makita Subalit sino ba naman ako upang hilinanging sana'y tayo'y magkita Inggit na inggit ako sa bawat taon nakakasama mo Subalit sino ba naman ako paraagtampo Minsan naiiyak na lang ako Dahil wala na ang masasabi kong kaibigan ko Iniwan na parang wala lang Kinalimutan Pinagpalit sa ibang kaibigan Masakit man wala akong magagawa Kaibigan lang naman ako hindi ba Kaya kaibigan salamat Sa muli naway makita kitang masaya Kahit sa isang sulyap lang...

S@Shylee

Yes I'd Still Love you Yes I'd still love you I'd never forget your smile your sweet voice your laughter and Yes I'd still fall in love with you I hope I can stop this madness but help me not i cant forget I cant fight this feeling anymore how can i unloved you is a question I get forgetting you is impossible loving you is my only hope Ineed you more than yesterday be with you is more than i pray I'd love you this far I'd need this much please don't get mad because I LOVE YOU from the bottom of my heart

S@Shylee

Against All Odd (Novel) Continue Chapter I Chapter I                     Araw ng graduation, masayang-masaya si Mika at Chloe sa araw ng kanilang pagtatapos sa highschool, walang mapagsidlan ng tuwa ang dalawa dahil sa wakas ay natapos na nila ang kabanata ng buhay nilang iyon, ngayon haharapin na nila ang tunay na buhay kung saan ay kinakailangan na nilangmaghanda para sa kanilang kinabukasan.             Masayang nagpicture-picture ang dalawa kung saan binansagan nilang *“land of memories”* dahil doon nakalagay ang lahat ng kanilang ala-ala simula ng mga bata pa ang mga ito. “best ,pwede mo ba akong ikuha ng tubig sa loob?”. Paki-usap ni Mika sa kaibigang si Chloe nang tila nararamdaman nitong biglang nanikip ang dibdib dahil sa pagiging over excitement. Madalas na sumasakit ang puso ni Mika ng mga nakaraang araw subalit  hindi niya ito pinapansin dahil sa pag-aakalang hindi ito malala. “bakit may masakit ba sayo?”. Tila nag-aalala namang si Chloe dahil napansin nitong nakahawak si Mika sa kanyang dibdib.                         “basta, ikuha ma ako ng tubig bilis!”.                         “O-o sige , S-sandali lang”. mabilis namang umalis si Chloe upang ikuha ito ng tubig.             Subalit bago pa ito tumayo ay nawalan na ng malay si Mika at biglang bumagsak ang katawan sa may halamanan. “Mika..!, Mika!”, natataranta namang si Chloe. “ Mika wakeup!”. Malakas nitong yugyog sa kaigan. “Tita..!, Tita…!”Ma..! Papa..!. Malakas naman nitong sigaw sa nuon ay masayang nagkukwentuhan sa loob ng bahay na kanilang mga magulan. Dahil sa lakas ng boses ni Chloe ay agad na lumabas ang mga nakakatandang kasamahan ng mga ito upang tignan kung anongnangyari,Ma…! tumawag na kayo ng ambulanya..! Tila naiiyak naman na itong humuhingi ng tulong habang kalong ang walang Malay na kaibigan.                         “Mika..., Mika…”. Pilit naman nitong ginigising                         “bakit, anong nagyari?”. Natataranta namang sugod ng ina ni Mika.                         “Hindi ko po alam, bigla na lang po siyang nawalan ng malay”. Tuluyan naman nang bumagsak ang luha ni Chloe habang hawak ang mga kamay ni Mika.             Mabilis namang tumawag sa emergency hotline ang Ina ni Chloe at binuhat naman agad ng ama nito si Mika papunta sa loob ng bahay.             Mga ilang minuto pa ay dumating na ang isang ambulansya at mabilis na binuhat ang nuon ay nasa sofa at walang malay na si Mika.             Hindi naman mabitawan ni Chloe ang kaibigan hanggang sa makasakay na ang mga  ito pati ang ina ni Mika sa amblansya.             Habang nasa daan ito papuntang hospital ay hawak parin ni Chloe ang kamay ng kaibigan na tila nagdadasal ito na iligtas ito sa anumang kapahamakan.             Mga ilang sandali pa ay nakarating na ang mga ito sa may pinakamalapit na hospital. Mabilis nila itong ipinasok at idinaresto sa operating room. Duon lamang binitawan ni Chloe ang kaibigan at napa-upong umiiyak sa may tapat ng operating room. Tanging ang ina na Mika ang umakay dito na nuon ay malaki rin ang pag-aalala sa kung ano ang nangyayari sa anak nito. “Chloe anak, halika tumayo ka riyan”. Pang-aalo naman ng Ginang dito habang hindi parin ito tumitigil sa pag-iyak sa may pintuan. “No tita, dito lang ako, hindi ko dapat iwan si Mika, hihintayin ko po siyang lumabas”. “ huwag kang mag-alala, kakayanin ni Mika ang pagsubok na ito sa kanyang buhay ,kaya tahan na hmmmm”.naiiyak din’g niyakap ng ginang ang kaibigan ng anak nitong si Mika habang pilit nitong inaalis sa may tapat ng pintuan si Chloe. Habang nakaupo ang dalawa sa may gilid kung saan nakalagay ang mga upuan para sa mga naghihintay na kamag-anak ay bumalik sa ala-ala ni Chloe ang mga masasayang araw nilang dalawa ng bestfriend niyang si Mika. Malakas ang iyak ni Chloe ng nadapa ito kasama si Mika habang papauwi na ang mga ito galing eskwelahan. Agad namang binigyang lunas ito ni Mika na nuon ay parating may dalang firs-aid kit dahil sa pagiging sakitin nito. “Ayan wala na!”. Masaya namang tugon ni Mika dito nang nilagyan ng band-aid. Agad din naman tumigil sa kaiiyak si Chloe ng naramdaman nitong hindi na ito masakit. Kahit  maliliit ang mga braso ni Mika ay pilit parin nitong inalalayang  sa pagtayo si Chloe sa kanyang pagkakadapa. Bilang pasasalamat naman ay agad na niyakap ni Chloe si Mika na tila takot itong mabuhay mag-isa kapag wala ang kanyang kaibigan. to be continued....

S@Shylee

Against All Odd (Novel) Childhood Friends sina Chloe at Mika simula  pa noong maliliit pa ang mga ito, they grow up together since then, palaging pareho ng gusto, maliban lang sa characteristic.             Si Chloe ay Dalagang-dalaga kung manamit samantalang si Mika ay tila boyish at walang paki-alam sa kanyang pananamit. Subalit magkasundong-magkasundo ito sa lahat ng bagay.             Si Chloe ay agresibo at malusog samatalang si Mika at ay sakitin. Chloe and Mika lived in a very happy life, hanggang highchool ay magkasama ang mga ito, until onetime na naospital si Mika ay na-diagnose ng kanyang mga doctor na may sakit ito sa puso, maaari pa naman itong maagapan kung maipapagamot ito agad, subalit tanging sa America lamang nito makikita ang lunas.             Pagka-graduate nila ng highschool  ay kailangan ng pumunta si Mika sa America upang maipagamot ang sakit subalit hindi knito sinabi kay chloe ang tunay na kalagayan, ang sabi niya Lang ay lilipat na sila ng lugar dahil kinukuha na sya ng daddy nito. Nang makarating sa America ay sinabi ng doctor na kailangan ay heart-transplant at matatagalan bago makahanap ng donor, ang kailangan Lang nitong gawin ay mag-ingat ng husto haggat makahanap sila ng donor, at ang mas malala pa dito ay nag-predict na ang doctor niyang kailangan bago siya mag 25 ay makakahanap na siya ng doctor dahil kung hindi ay mawawala na ito sa edad na 25.             After 10 years bago bumalik si Mika sa pilipinas pero ibang mika na ang bumalik hindi na siya ang mikang kilala si chloe, iang-iba na ito at tila naging suplado ito sa kanyang matalik na kaibigan. Dahil ayaw nitong malaman ang tunay niyang kalagayan at ayaw niyang iwan to ng malungkot dahil sa pagkawala niya. Abangan ang susunod na Chapter....

S@Shylee

Toxic Behavior Mga kapwa ko Pilipino sana huwag niyo masamain ang post kong ito, gusto ko lang po malaman natin yung mga Toxic Behavior ng mga kapwa natin Pilipino, alam naman natin na madami.

S@Shylee

Takot (Poetry) Akala ko kaya ko na pero hindi pa pala natatakot parin ako natatakot ako natatakot akong mawala ka ayokong sabihing namimiss na kita ny sobra dahil baka masanaya ang puso kong umasa natatakot akong iparamdan kung gaano kankahalaga sa takot na balang araw aalis ka't dina babalik pa natatakot ako natatakot ako na baka makalimutan mo ako natayakot ako na iwan mo ako pag nalaman mong mahala ka na ng puso ko natatakot ako na sa huli maiiwan akong bigo natatakot ako sobra na balang araw wala ka na natatakot akong darating ang araw na iiwan mo na ako mag isa natatakot akong makitang hawak ka ng iba natatakot ako sobrang takot ako pero kailangan kong maging matapang dahil alam kong darating ako sa puntong makikita kang kasama mo siya kaya pinipilit kong maging masaya kahit na ang totooy balot ako ng sobrang takot at lungkot kaya paulit ulit kong sinasabi sa puso ko laban lang kahit gusto ko nang sumuko.

S@Shylee

Little Puppies Meet out little puppies kindly suggest names for these 2 Male and 2 Female puppies

S@Shylee

Book Lover/Suggestions Good Day Book Worm, share naman kayo top 10 Favorite Books niyo then reason why para po may mga Idea ako kung anong magandang basahin, Thank you po sa in Advance.!

S@Shylee

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na babalik sa nakaraan may babaguhin ka ba sa past hindi na...

S@Shylee

Broken Heart.... It’s been so long since you broke my heart This is the first time I missed you so much Do you know what I feel since then? I love you and I will love you till the end.   How you’ve been now..? Do you miss me, the way I missed you? Don’t you understand why I loved you this far Though I know we’re not meant to be one   How do I mend this broken heart? If the person I'd loved  breaks my heart