Ang unang 1000 na araw ni baby mula sa pagbubuntis ng ina hanggang sa ikalawang taong gulang nito ay itinuturing na "golden opportunity" kung saan mahalaga na mabigyan ng tamang nutrisyon ang mag-ina para masiguro and tama at malusog na paglaki ni baby.
Bilag isang first time mom, ang pagpapassuso kay baby and pinakaimportanteng bahagi ng aking pagiging ina. Naniniwala akong ito ang pinakamainam na simula para sa nutrisyon ni baby dahil ang gatas ng ina ang siyang itinuturing na pinakamainam na pagkain para kay baby sa kanyang unang anim na buwan. At dahil nanggagaling sa aking katawan ang pagkain ni baby, kinakailangan ko ding kumain ng mga masusustansyang pagkain upang masiguro kong sapat and nutrisyong nakukuha ni baby. Ang pagiging malinis sa katawan ay nakakatulomg din upang mas maengganyo ang aking anak sa pagsuso sa akin.
Hindi madali and pagpapasuso at hindi rin lahat ay nabibigyan ng pagkakataon o nabiyayaan ng kakayahang makapagprodduce ng gatass kaya't labis ang aking kasiyahan dahil nabiyayaan ako ng ganitong pagkakataon. Dahil sa aking pagpapasuso, nakaksiguro akog sapat ang nutrisyong nakukuha ni baby, at makakatulong din ito upang maiwasan ang kanyang malnutrisyon kaya hindi ko ipagkakait ang "golden opportunity" na ito kay baby
The article above is my entry for the City of Vigan's Nutrition Month celebration for this year. Following the theme as my title indicates, this year's theme focuses on combating malnutrition through the First 1000 Day Program. This entry is based on my own experience as I had been an advocate of breastfeeding. I have breastfed both my eldest and my youngest and I can fully attest that breastfeeding a child indeed fight malnutrition. This article will be delivered by a first time mom. So,, wish us both luck.
Ciao!
Ay wow, Tagalog ang entry pero sa Vigan ang contest? Hehe. May paganern pala sa Vigan. Kamusta nakapasa ba? :) Kelan awarding?