Munting sari-sari store.

2 28

Magandang tanghali po sa mga tagabasa dito sa read.cash kuweto ko lang po kung paano nag umpisa ang akin munting tindahan. Bali namuhunan po ako ng 6k sa munting negosyo ko na sari sari store dito sa bahay ko. Upang makatulong din ako kahit papaano sa akin mister. Kaya nag loan sya sa sss at ung anim na libo na bigay nya ay ginamit ko para ipambili ng paninda.

At sa murang grocery ako namili malapit dito sa amin sa ultra mega kasama ko ang asawa ko namili kami na madalas na binibili ng mga tao katulad ng 3 in 1 kope ibaibang klase ng kape mga shampoo, sabon, iba iba klase ng delata tuna, sardines, corned beef. At mga magic sarap boston paminta knorr cube mga patis, suka,toyo ketsup at mangtomas na nasa shashey.at iba iba mga candy at mga chitserya, mga sabon panlaba na powder at mga fabric conditioner at mga alak katulad ng MP ligth at gin. At red horse at mga softdrink. Atadami pang iba.

Sa akin tindahan ako ay mahigpit hindi ako kumukuha ng hindi ko binabayaran kahit ako ang may ari kasi nga ay gusto ko kumita ako at kahit ang asawa ko at mga anak ko ay nagbabayad pag kumukuha. Yan ang isang paraan para hindi malugi ang tindahan. At para kumita.

Dahil sa pamamaraan ko na yan sa tindahan ko. Sa loob lang ng tatlong buwan ay kumita ako at naging triple ang kinita ko sa puhunan ko at nabawi ko na at may naitabi pa ako at habang tumatagal ako sa pag titinda ay dadami ang laman ng tindahan ko at kada kita ko sa isang araw ay nagtatabi ako ng 200 pesos at iyong nagagamit ko pag may gusto ako bilhin sa mga anak ko at kailangan ko sa bahay at dahil nga sa bawi na ako sa puhunan at puno pa ang laman ng tindahan ko. At kumikita na din ako at nakakatulong pa ako sa mister ko.

Kaya po ang turo ko po sa mga gustong magkaroon ng maliit na negosyo ay maging mahigpig po tayo sa kikitain natin at paikuting ang puhunan at wag kang kukuha ng hindi mo binabayaran upang hindi mawala ang kita o tubo mo at ng lumago at madagdagan pa ang laman ng paninda mo. At planohin mo munang maigi aang pag nenegosyo..🤗

6
$ 0.00

Comments

Alright..

$ 0.00
3 years ago

Opo sir para may extra income.

$ 0.00
3 years ago