Anti covid vacsine
Magandang araw po may vacsine na daw po na nagawa sa china at una daw tayo bibigyan o bebentahan ng china. Para makatulong sa atin mamayan pilipino yan ang sabi ng pangulo ng pilipinas.
At ang sabi ng pangulo ay unang makakatikim ng anti covid vacsine na yan ay mga mahihirap nanaman at libre itong ituturok sa mga kabataan mahihirap. Payag ba kayo.
Dapat siguro ay mga matatanda ang unahin dahil madalas dapuan ng sakit ay mga matatanda at ang namamatay ay mga matatanda. Din kaya dapat ay mga matatanda ang dapat unahin bigayan ng pangkontra sa covid hindi mva bata.
At dapat siguro ang unahin mabigyan ng pang kontra na vacsine na yan ay ung atin pangulo dahil matanda na sya at ang pangalawang pangulo. At ang mga senador at mga congressman dahil sila ang dapat mauna hindi mga batang mahihirap at ng hindi na maulit ang dengvasia. Libre nga kung mapapahamak naman ang mga anak natin.
Kung ang mauuna ay ang mga opisyal ng gobyerno at matataas sa gobyerno kung may manyari man sa kanila ay sila sila din ang sisisihin. Hindi ung mga walang muang na mga bata na mahihirap ang gagawin sample nila.
Sana matapos na si covid at may roon na sana panguntra sa sakit.
Good morning po sana naman po ay matapos na si covid 19 masyado na sya nakakaapekto sa mga tao imbes na kumaunti ang kaso ay lalo pa sya dumaraming naaapektohan tao at hindi na sya nawawala.
Sana naman ay may mainbento na na gamot na panguntra sa covid19 upang hindi na sya maka pang purwisyo sa mga tao. Madami na kasing tao ang nawalan ng trabaho at ung iba ay tuloyan ng nawalan ng trbaho at nagsara na ang mga pinapasukan.
Mabuti nalang ang asawa ko ay may pasok pa pero 3 araw lang sa isang linggo kulang ang sinasahod nya para sa pangangailangan namin sa araw araw kaya tupid talaga kami at kulng na kulang pa pang bayad sa mga billings na babayaran katulad ng tubig, kuryente, at sa upa sa bahay paano na yan.
Baka mapalayas pa tayo sa mga tinitirhan bahay. Talagang malaki ang naging epekto ng covid sa atin mga tao. Kaya dinadaan ko nalang sa dasal ng mapawi ang pangamba. Sana din po ay matulungan nyo din po ako sa platform na ito sa read.cash suporta lang po sa article ko ng kumita din po ako kahit papaano dito. Salamat po.
Munting sari-sari store.
Magandang tanghali po sa mga tagabasa dito sa read.cash kuweto ko lang po kung paano nag umpisa ang akin munting tindahan. Bali namuhunan po ako ng 6k sa munting negosyo ko na sari sari store dito sa bahay ko. Upang makatulong din ako kahit papaano sa akin mister. Kaya nag loan sya sa sss at ung anim na libo na bigay nya ay ginamit ko para ipambili ng paninda.
At sa murang grocery ako namili malapit dito sa amin sa ultra mega kasama ko ang asawa ko namili kami na madalas na binibili ng mga tao katulad ng 3 in 1 kope ibaibang klase ng kape mga shampoo, sabon, iba iba klase ng delata tuna, sardines, corned beef. At mga magic sarap boston paminta knorr cube mga patis, suka,toyo ketsup at mangtomas na nasa shashey.at iba iba mga candy at mga chitserya, mga sabon panlaba na powder at mga fabric conditioner at mga alak katulad ng MP ligth at gin. At red horse at mga softdrink. Atadami pang iba.
Sa akin tindahan ako ay mahigpit hindi ako kumukuha ng hindi ko binabayaran kahit ako ang may ari kasi nga ay gusto ko kumita ako at kahit ang asawa ko at mga anak ko ay nagbabayad pag kumukuha. Yan ang isang paraan para hindi malugi ang tindahan. At para kumita.
Dahil sa pamamaraan ko na yan sa tindahan ko. Sa loob lang ng tatlong buwan ay kumita ako at naging triple ang kinita ko sa puhunan ko at nabawi ko na at may naitabi pa ako at habang tumatagal ako sa pag titinda ay dadami ang laman ng tindahan ko at kada kita ko sa isang araw ay nagtatabi ako ng 200 pesos at iyong nagagamit ko pag may gusto ako bilhin sa mga anak ko at kailangan ko sa bahay at dahil nga sa bawi na ako sa puhunan at puno pa ang laman ng tindahan ko. At kumikita na din ako at nakakatulong pa ako sa mister ko.
Kaya po ang turo ko po sa mga gustong magkaroon ng maliit na negosyo ay maging mahigpig po tayo sa kikitain natin at paikuting ang puhunan at wag kang kukuha ng hindi mo binabayaran upang hindi mawala ang kita o tubo mo at ng lumago at madagdagan pa ang laman ng paninda mo. At planohin mo munang maigi aang pag nenegosyo..๐ค
Hi my firts time in read.cash im try to my best to write my article in readcash.๐๐๐