Ang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo. Kahit na isa syang 3rd world country, di parin maikakaila na sya ay isang paraisong dapat tuklasin ng mga turista sa iba't ibang panig ng daigdig.
Unang beses akong nakapunta sa Tingloy nung November 2017, bago ako umalis sa BPO company na pinapasukan ko. Nagkaron kami ng salu-salo para sa mga birthday celebrators nga buwang November to December.
Medyo matagal ang byahe papuntang Batangas. Kinailangan naming pumunta ng bus station ng mga alas 11 ng gabi kaya lang Pinoy talaga tayo, nagantayan pa kami kaya umaga na kami nakarating sa Batangas. Akala namin ay kakaunti lang ang pupunta sa Tingloy, nagkamali kami.
Bago kami sumakay sa bangka papunta ng isla, namalengke na lang muna kami. Ang sarap mamili sa Batangas Port, mura at presko ang mga pagkain.
Nakarating kami sa isla ng mga bandang tanghali. Nasa tuktok pa naman yung tinutuluyan namin, medyo di komportable kasi siksikan kami sa kwarto. Gutom, pagod at puyat ang kinalabasan. Kinailangan pa naming magluto, maygad. Di kami sumama ng partner ko sa snorkeling kasi puyat kami. Tama ang aming desisyon, umuwi silang sobrang pagod kaya di sila masyado nagenjoy. Di ko akalain di marunong magsaing ang karamihan sa mga ka-team ko hayy buti na lang pala sumama kami kundi mapapasma sila. Nagihaw kami ng barbeque at talong na Tagalog, ansarap pala nun. Sobrang sarap din ng bigas na binili namin.
Matapos naming maghapunan naghanda na kami ng mga inumin at pagkain, magsa-star gazing kami. Nakakalungkot lang kasi bawal daw mag camping sa Tingloy. Naglakad kami papuntang beach gamit ang maliit nag flashlight at liwanag ng buwan. Pagdating namin dun naginuman na kami at nagkuwentuhan, may "Happy birthday" song pa. Sobrang saya namin, at natutuwa ako kasi ang ganda ng panahon na yun. Nakikita namin ang mga bituin sa langit at madaming shooting stars. Malamig ang hangin at low tide. Kahit na mahirap ang daan papuntang Masasa, sobrang sulit nya. Dun na kami natulog sa buhanginan, kasi bawal nga magcamping. Kinabukasan nakita ko kung gaano kalawak ang shoreline.
Nakakatuwa dahil nakapagmeditate ako. May balak pa sana akong manguha ng sea shells kaya lang "KJ" yung mga kateam ko. Pero bumalik kami sa beach matapos ang agahan at dun ko nagustuhan ng husto ang dagat. Mabuhangin sya at sobrang kalmado. Parang gusto ko na lang dun buong araw. Sa totoo lang gusto ko mamuhay dun at kalimutan na lang ang Maynila. Di nakapagtatakang dinadayo sya kahit malayo.
Yung mga kasama ko naman di marunong lumangoy kaya ako lang ang nag enjoy, sinulit ko talaga yung pagkakataon at nagtampisaw ako ng matagal sa dagat. Ayoko pa sana umuwi pero overnight lang kami.
Sana matapos na ang Covid na'to para balang araw ay makabalik ang maraming turista. Sabagay, nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga ang dagat: medyo marami na ring basura ang ibang bahagi ng Tingloy.
Nakapunta na ba kayo sa Tingloy? Di ba kayo nahilo sa byahe? Medyo mabangin-bangin pa naman dun, hehe..
****************************************************************
Thank you again for the time and effort in reading my articles. This one is an old feature, but I hope you still like it.
Shout out to my awesome sponsors. I recommend checking their stories for an inspiration.
To my visitors, welcome to my page. I appreciate your comments, feedback, and generosity.
Have a great weekend!
Let's pay it forward, cheers!
-The lead image is mine, Tingloy pics from a dear friend Allen and the rest is mine
Saan po banda yang tingloy sa batangas? Ang ganda po :)