Nagpublish ako ng article na kumita ako ng $100 dito sa Read Cash. Di ko na naopen tong account na to matapos ko manganak. Nakita ko lang yung saved seed phrase ko sa gmail ko at laking gulat ko na marami akong naipong tips na BCH. Laking tuwa ko, tulad ng karamihan apektado din kami ng pandemya. Pero salamat sa Dios at nakakasurvive naman sa araw-araw.
Opo, ako ay nagbi-bed revenge procastination
Mahirap magalaga ng asawa at mga anak, sino ang nakakarelate? Kaya madaling araw na ako natutulog para may oras naman ako para sa sarili ko. Nabasa ko nga pala yung bagong rules dito, nakakalungkot pero fair lang naman siya. Namimiss ko yung nagsa-shower ng BCH yung notification ko. Hayy, if only I could turn back time.
Marami akong nakikitang magagaling magsulat dito, sobrang nakakatuwa at nakakainspire. Sana ako din balang araw ay maging kasing galing ninyo. Isa sa mga hobbies ko ang magsulat, sa kabataan ko usually mga tula pero ngayon siguro mga experiences na kapupulutan ng aral or ideas ang gagawin ko.
Sorry walang masyadong pictures, nasira smart phone ko
Nami-miss ko na magtake at magshare ng pics, sana may mahanap ako kahit 1k lang para naman may maupload ako dito. Sa panahon ngayon necessity na ang smart phone. Marami sana akong projects na gustong salihan sa isang gig ko pero hindi ako most of the time qualified kasi wala akong smart phone. Sana may himala at nang makabili ako. Wala namang impossible sa nangangarap.
I learned to be thankful despite the pandemic
Sobrang blessing na ang malusog ka at buo pa ang pamilya mo. Nakakalungkot isipin na medyo common na ngayon ang magcomment ng "condolences " or "my sympathies". Ako, personally, nawalan ako ng kakilala, kaibigan at kamag-anak ng mga lima or anim na beses sa loob lang ng tatlong buwan. Tama nga ang sabi sa Ecclesiastes, may panahon ng pagtawa at panahon ng pagtangis. Kaya sana maappreciate natin kung ano man ang meron tayo ngayon at magsumikap parin. Manalig tayong malalagpasan din natin ang pandemya'ng ito. At sa mga nawalan, naulila: kami po ay karamay nyo, san man kayo sa mundo. Tuwing gabi pinagdadasal ko ang buong mundo, baka sakaling kaawaan at pagpalain.
Kung malungkot ka ngayon....
Don't worry po, hindi kayo nagiisa. Malungkot din ako, I just have to learn to live with it. Siguro dahil matagal na akong natengga sa bahay. Namiss ko na ang magtravel, magfood trip at magdagat. Sino ang magaakalang, nang dahil sa isang virus, napakaliit na nilalang, nawalan tayong kalayaang gawin ang mga bagay na dati ay libre nating gawin? Kaya natin to...I am sending pure love and light maging sino at saan ka man.
Good night or good morning...
Thank you sa pagbasa sa article ko, sana may napulot kang penny for your thoughts. Start your day right and say thank you for the day. At sana balang araw ay makasabayan kitang bumili ng kape.