Some of my Favorites

6 26
Avatar for isla_20
3 years ago

November 9, 2021

I can't think of any topic AGAIN! So, what I did is I visited the community PromptlyJonica to find some good prompt to write about. And yes, I found one. Foodies!!!!! But since I am writing this in Taglish and I don't think that this will be accepted in that community so I am submitting this in different community.

I am not really picky when it comes to food, I eat whatever that is available in the table. But of course there is always that kind of food we really like to eat and categorize it as our favorite food. In here I will be sharing with you the food that I grow up with and loves to eat whenever it is served.

  1. Ensaladang talbos ng kamote

Credits to Google for the image

Sino ba ang lumaki sa hirap na hindi kumakain ng talbos ng kamote lalo na kapag ginawang ensalada? Ito talaga yung ginagawa naming ulam kapag wala na kaming pera or nagki-crave ako nito. Ang ginagawa ko kapag gusto ko kumain nito is nagpupunta ako sa taniman namin sa likod bahay para kumaha ng talbos. Kapag ako ang nagtimpla ng ganito gusto ko yung nalalasahan ko talaga yung alat tsaka asim ng suka.

  1. Ginataang Langka

Dati pa lang nung bata pa ako paborito ko na talaga to. Sa tuwing nagluluto si Nanay ng ganito dati napaparami talaga kain ko tsaka minsan ito nalang kinakain ko di ko na inuulam. Nung nawala Nanay ko, yung kuya ko naman ang gusto ko na nagluluto ng ginataang langka kasi alam niya kung ano yung masarap na luto nito. Masarap kasi to kapag creamy talaga yung gata. Kapag ito ulam namin yung isang buong langka na gagataan minsan isang kainan lang namin yan kasi ito talaga yung kinakain namin, kunting kanin nalang solve na.

  1. Adobong sitaw

Lumaki ako na sitaw at talong yung tinatanim ng mga magulang ko at nilalako naman namin ni Nanay sa mga bahay. Kaya kapag wala kaming ulam ito agad yung niluluto ni Nanay. Kukuha lang dun sa taniman tapos lulutuin na. Sarap na sarap ako nito kapag luto sa mantika at toyo lang siya lalo na kapag medyo nagiging crispy na yung iba.

  1. Buttered Shrimp

Alam ko may ibang tao na allergic sa hipon at nagpapasalamat ako na hindi ako isa sa kanila kasi hipon is one of my favorite. Dati pa naman gustong gusto ko na talaga yung hipon pero nung natikman ko yung buttered shrimp, grabe sobrang sarap na sarap talaga ako nun. Sa tuwing umaattend ako ng handaan or kami mismo yung may handa tapos may buttered shrimp ito talaga yung lalantakan ko kahit wala ng kanin oks lang sakin. Minsan hindi talaga ako titigil hanggat may hipon pang natitira sa hapag namin Hahhahahahahhahahah.

Yan lang siguro muna sa ngayon para naman may maisulat pa ako bukas hahaha. Sana naman na enjoy at natakam kayo kahit papaano sa mga nabanggit ko na pagkain sa taas hahahaha. Salamat sa pagbabasa.

Sponsors of isla_20
empty
empty
empty

Ciao😘

3
$ 0.78
$ 0.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @charmingcherry08
$ 0.02 from @MJAYTECH
Sponsors of isla_20
empty
empty
empty
Avatar for isla_20
3 years ago

Comments

Sis gusto ko matry yung talbos ng kamote.🥰 Parang ang sarap.🤤 Tas yung ginataang langka.🥰 Namiss ko tuloy sis. Ginutom mo ako sis. Ang sarap ng pagkain sa province. Sobrang sarap talaga. Parang gusto ko tuloy umuwi sis..

$ 0.00
3 years ago

Try mo sis sobrang sarap talaga nyan hihihi. Basta laking probinsya talaga sis puro gulay yung paborito tsaka kami dito sa bahay mahilig talaga kami sa gulay. Uwi ka sis kahit sandali😅

$ 0.00
3 years ago

Ginataang langka at Ginisang sitaw is the best. Favorite ko yan kasi gulay. Yung kamoteng talbos favorite yun ni mama.

$ 0.00
3 years ago

Mahilig ka din pala sa gulay? Mas bet ko din kase talaga yung nga gulay kesa sa mga karne😅

$ 0.00
3 years ago

Aweee gulay is the best. Nung una d ako kumakain ng sitaw but I learned it from my boardmate masarap pala sya lalo n aoag may karne .hehhe

$ 0.00
3 years ago

Masarap talaga siya, kami kahit walang karne oks na😁

$ 0.00
3 years ago