May dalawang magkaibigan yan ay sina juan at pedro,si Juan ay tahimik,minsan mapagbiro pero kadalasan ay seryoso, kabaliktaran niya si pedro si Pedro ay madaldal at laging nagbibiro. Ang dalawang magkaibigan ay magkasundong magkasundo sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng ugali ngunit may darating sa kanilang dalawa na pagsubok, susubukin ang kanilang pagkakaibigan. Sa kanilang eskwelahan may bagong lipat na dalaga,ito'y napakaganda at talino, una itong nakita ni Pedro at dahil dun na love at first sight ang binatilyo, kaya sabi niya sa kaibigan "tol liligawan ko siya" tumango lang si Juan. Dumating ang araw yan na si Pedro magsisimula ng manligaw sa dalaga ngunit dahil sa tingin niya ay seryoso siya dito,umuurong ang kanyang dila at hindi makapagsalita sa tuwing nasa harapan niya to, kaya naman si Juan ang ginawa niyang taga paghatid ng kanyang nararamdaman sa dalaga. At nagsimula na nga ang ligawan ngunit ang humaharap ay si Juan kaya ang dalaga ay unti unting nahulog kay Juan hindi kay Pedro at ganun din naman si Juan sa dalaga. Ilang buwan na ang nakakalipas ng nagsimula ang ligawan kaya naman nainip na nagtanong si Pedro kung ano na ang nangyayayri sa kanyang panliligaw " tol ano na sumagot na ba siya?" hindi alam ngayon ni Juan kung anong sasabihin sa kaibigan. Kaya ang sabi nalang ni Juan" tol magkikita kami mamaya sa may canteen baka gusto mong sumama" Oo ang sagot ni Pedro. Lumipas ang ilang oras at break time na nila, excited si Pedro sa malalaman niya. Hindi din naman lingid dun sa dalaga na si Pedro talaga ang nanliligaw sa kanya at hindi si Juan. Ngunit kay Juan parin talaga nahulog ang loob niya,dahil na kay Juan ang tipo niya sa isang lalaki, seryoso at tahimik ngunit si Pedro ay napakadaldal na animo'y hindi alam ang mga sinasabi basta lang nagsasalita at ang mga biro ay minsan hindi na biro para sa kanya,pero nattatawa siya. So ayun na nga ang final judgment nagkita kita na ang tatlo at syempre sa pagtatagpong yun ang nagpabago sa pagsasama ng magkaibigan. Pinili nung dalaga si Juan at hindi si Pedro,sobrang nasaktan si Pedro sa nalaman niya kaya hindi sinasadyang nasuntok ng napaka lakas ang kaibigan, nagtamo ito ng malaking pasa sa mukha ni Juan at kaguluhan sa loob ng kainan. At syempre dahil nga nagkagulo,kaya pinatawag sila sa Prinsipal Office. Hindi makapaniwala ang mga guro ng dalawa sa nangyari sa kanila dahil nga kilalang magkaibigan at sobrang malapit ang mga ito sa ilang taon na nagaaral sila yun lamang ang panahon na nagkasakitan sila. At ayun na nga naikwento na lahat ng nangyari at pinarawan sila ng parusa ng paaralan. Nung araw na yun hindi na nakutang magkasama ang magkaibigan, si Pedro ay tuluyan ng nalayo ang loob sa matagal na niyang kaibigan. Sa pangyayaring yun si Pedro ay naging maiinitin ang ulo at hindi na nagtitiwala sa tao dahil sa pahkakaalam niya na kahit kaibigan mo pa ay handa kang hudasin ano mang oras. Samantalang si Juan ay masayang kasama ang dalaga ngunit syempre hindi parin mawawala sa kanya ang napagsamahan nila ng kanyang kaibigan,at alam naman niya na galit ito sa kanya at ang pagkakaibigan nila na matagal nilang pinagsamahan ay sa ganun lang matatapos,alam niya yun pero ano nga ba naman ang magagawa niya,tao lang siya at nagkakamali rin. Hindi din naman niya alam na mahuhulog ang loob niya dun sa sinisinta ng kaibigan niya,walang makakapagkontrol ng puso. Dahil kapag may minahal ito,yun na yun eh hindi muna mapipigilan,hindi niya ito masabi sa kaibigan dahil alam namna niyang hindi din ito maiintindihan ni Pedro. Pero hindi din naman maalis ni Jaun na sisihin ang kaibigan sa nagyari dahil ito naman kasi ang nagsabi sa kanya na gawin yun, hindi rin nman kontrolado ni Juan ang puso nung dalaga at sabihing huwag siya ang mahalin bagkus ang kanyang kaibigan dahil ito talaga ang nangliligaw at siya lamang ang naghahatid nito sa kanya.
Oh diba sa pagibig pwede masira ang lagat ng bagay kahit matagal na ito,parang pagaasawa kahit sobrang tagal niyo ng nagsasama basta may malanding sisira,masisira at masisira ito. Ngunit sino ba ang dapat sisihin ang sumira or ang taong hinayaan itong masira,?
Simula noon at hindi na nagkita ang dalawang magkaibigan,ang kanilang masyang pagsasama at napalitan ng malungkot at nakakagalit na sitwasiyon. Si Pedro na dati'y mapagbiro ay naging magagalitin at hindi na marunong magtiwala sa tao,at sa tuwing nakikuta niya si Juan ay gustong gusyo niyang suntukin ito. Samantala si Juan ay wala paring pinagbago ganun parin ito katilad ng dati,tahimik at seryoso. Pero dahil sa nangyari nasira rin ang reputasiyon ni Juan kaya napilitan siyang magpalit ng pinapasukang eskwelahan. Dahil sa kinalat ni ePedro na balita tungkot sa nagyari sa kanila ang sabi ni Pedro sa mga kaklase ay ginawang sulutin ni Juan ang babae na kanyang gusto at kumalat nga ito sa buong paaralan kaya tinawag nila si Juan na "Juan Manunulot" "Juan traydor" at kubg ano ano pang masasakit na salita.
Hindi mali ang magmahal ang mali ay kung paano mo ito nakuha,pero sa kwento ni Juan at Pedro. Sino nga ba ang nagkamali si Pedro ba na siyang nagjng mahiyain na harapin ang kanyang napupusuan o si Juan na sumunod lamang sa kaibigan ngunit hindi namna niya alam na mahuhulog siya. Basta ako nagsusulat lang at ang kwentong ito ay hindi hango sa totoong istorya,hehehe
Salamat sa magbabasa!!!
Wow ang haba ng istorya mo...magkano nakuha mong points dito?