"Ang Hula ni Nostradamus sa taong 2021"

2 75
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Gusto ko lang ishare yung nabasa ko,hindi ako gaanong naniniwala sa mga hula pero kakaiba kasi itong si nostradamus.

Hinulaan niya rin ang mangyayari ngayon 2020 at maniwlaa man o sa hindi pero ito na nga ang ating nararansan.

Bagamat sa lahat ng hula,alam kong nandiyan ang diyos para sa ating lahat kaya sana lagi po tayong magdadasal dahil Diyos lamang po talaga ang nakakaalam ng mangyayari sa atin.

Sana makatulong upang magbalik loob po tayo sa panginoon,hindi ko po ito shinare para takutin kayo bagkus ay maging handa po tayo sa ano mang parating.

At laging magdadasal para sa kaligtasan natin lahat.

"Panginoon kayo lamang nakakalam ng mangyayari sa amin sana po ay hindi mangyari ang mga hula na ito,lalo na yung zombie apocalypse 🙏🙏Amen"

Goodnight na po..

Credit to the owner..

sharing is caring!!!

Walang masama kung magiging handa!!

Sino sa inyo ang naniniwala sa mga hula na nakatala sa iba't ibang aklat? Bawat relihiyon sa mundo ay may kanya kanyang pinaniniwalaang hula na naganap at magaganap sa ating mundo. Ating alamin at kilalanin ang isang kilalang manghuhula at ang kanyang mga hula na matagal nang nakasulat sa kanyang sariling aklat.

Pag usapan natin ang mangyayari sa 2021 ayon kay Nostradamus, anu-ano ang mga sakuna na tatama sa mundo? Dito muna tayo sa 2020 na kung saan lahat na nangyari sa mundo ay hinulaan ng taong ito. Kung ang hula niya sa taong 2020 ay nagkatotoo maaaring magka totooo din sa 2021.

Sino si Nostradamus? Siya'y tanyag na manghuhula na nagmula sa bansang France siya’y pinanganak noong Dec. 14, 1503, nahulaan niya ang hinaharap tulad na lamang ng nangyari sa taong 2020 at 2021.

Namatay si Nostradamus noong July 2, 1566, sa edad na 62 years old, pero bago siya namatay ay meron siyang isinulat na libro na kung saan doon nakatala lahat na hula niya para sa hinaharap. Ang librong The Prophecies of Nostradamus, na kung saan isinulat niya ito noong taong 1555.

Ang librong ito ay kilala hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, dahil nga sa mga kababalaghan na nilalaman nito. Ang makita ang hinaharap ay isang imposibleng bagay, pero maaari mo itong mabasa sa libro ni Nostradamus. Nakatala dito ang maaaring maganap sa isang libong taon.

Narito ang ilan sa mga nilalaman ng aklat ni Nostradamus:


1.Ang isang nakatala sa libro ay ang ZOMBIE APOCALYPSE. maaari itong magsimula sa taong 2021. Dito magsisimula ang henerasyon ng zombie alam nyo ba?  Nakakatakot ito dahil may mga hula si Nostradamus na nagkatotoo - ayon dito ang Russian scientist ay makaka imbento ng isang deadly weapon na kung saan na makaproduce ng isang virus na kayang gawin zombie ang isang tao. At ang sabi pa dito - ito'y mangyayari sa hinaharap. Sana huwag naman, at hindi magkatototo. Ngunit maaaring ang hulang ito ang inspirasyon ng iba't ibang writers ng pelikula kaya matagal na nating nababasa at naririnig ang katagang zombies.

2.Tag gutom; Nakatala din sa libro na magkakaroon ng tag-gutom at mag papakita ang mundo ng mga senyales na ito'y magugunaw na. Magpapakita ng malalakas na lindol, ang covid ay pasimula pa lamang ng malalang pandemia. Noong nabasa ko ang pandemyang yan, ako ay nakaramdam ng takot. sana huwag itong mangyari sa hinaharap. Itoy isang hula lamang pero huwag natin hayaang magkatotoo. 

 3.Ang mga kapatid nating muslim ang siyang mangunguna sa mundo; Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Pero yon ang nakatala sa libro ni Nostradamus.

4.Solar storm; Ang 2021 ay magiging makabuluhang taon, ito ay mangunguna sa pandaigdigan kaganapan. Magkakaroon ng malakas na bagyo na kung saan magdudulot ng malaking pinsala sa mundo. Nagbabala din si Nostradamus na makikita natin ang pagtaas ng tubig at ang mundo ay babalutin nito. Paalala ngayon pa lamang magbago na ang lahat para hindi na mangyari ito.

5.Isang comet ang maaaring tumama sa mundo, o maaari katabi ng ating mundo. Ang kaganapang ito ay magdudulot ng lindol at iba pang kalamidad. Ang kometa naman ay magpapakita ng apoy at pagliyab. Ayon dito na may isang asteriod na maaaring tumama sa Earth at ito'y may pangalan 2009KFI na kung saan magaganap ito sa 2021. Pero cheneck ko na kung totooo nga na tatama sa mundo, nakita ko na meron nga, ayon sa NASA maaari itong tumama sa mundo sa taong 2022 hindi 2021.Nagkamali man siya ng taon pero totooo pa rin ang hula niya. Na meron tatamang asteroid. Ang asteroid na ito ay may katumbas na 230 KILOTONS-TNT mas malakas pa ito sa bombang atomic bomb dahil ang atomic bomb ay meron lamang 15KILOTONS-TNT. Ang asteroid na ito meron 230KILOTONS-TNT na kung saan magdadala ito ng malaking pinsala sa mundo. At kung magkatotoo yan ang bansang tamaan nito ay maaaring maglaho.

6.Isang malakas na lindol sa California; Nakatala sa libro ni Nostradamus na maaring tamaan ng lindol ang Califonia, ito'y eksaktong lugar kung saan tatama ang lindol na maaaring makasira sa kabahayan. Walang petsang ibinigay kung kailan ito mangyayari sana mag ingat ang lahat dahil magaganap ito sa 2021.

 
7.Ang mga sundalo ng United States ay magkakaroon ng Brain Chip implant. Ayon dito na ang mga sundalo ng america ay lalagyan ng isang brain chip at mauuwi ito sa isang sign board ng isang tao. Hindi ito gagamitin sa kasamaan kundi sa kabutihan. Naka program din sa utak ng isang sundalo na magligtas ng buhay.

 8.Pope Francis hindi alintana na kung ilang taon pang mananatili ang Papa, pero nakatala dito ang Simbahang Katoliko ay iiwan niya na sagana sa biyaya at lubos na kamangha mangha, ang Simbahang nabanggit ay magsisilbing tagatawid sa mga tao dahil isa ito sa magiging sandalan ng karamihan na kailangang alagaan ang karamihan lalo na ang mahihirap. At ang mahihina kasama na diyan ang mga tao na nagugutom, nauuhaw, mga walang saplot, may mga sakit at nakakulong na huwag pabayaan, yon ang nakatala sa libro ni Nostradamus. Yan ang naging hula ni Nostradamus sa darating na 2021 kaya kung magkatutoo man yan ngayon pa lang ang dapat natin gawin ay manalangin at magbalik loob sa Panginoon.

Kapatid Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat at wala ng iba at dahil sa iyan ang katotohanan ay maraming beses na gumagamit siya ng mga tao sa bibliya para magsalita ng mga hula upang ipabatid sa sangkatauhan na Siya ang may ari at may kontrol ng lahat ng mga bagay.

At para sa dagdag kaalaman ng lahat: ang mga bagay na naisulat ni Nostradamus ay nakasulat na din sa bibliya nang mas matagal nang panahong nakakaraan - ang pagkakaiba nga lang ay walang inilagay na specific na petsa at lugar ang nakita ng mga biblical characters tulad ng mga apostoles at propeta ng Lumang Tipan tulad nila Daniel, Jeremiah, Isaiah, at marami pang iba maliban sa ibang hula na para sa mga Israelita lamang makikita na may specific na lugar at nagkatutoo ang mga iyon at may mga hula din para sa ibang bansa tulad ng Egypt, Syria, at ibang Arab countries na ipinabatid sa pamamagitan ng iba't ibang propeta sa Lumang Tipan.

Kung kayo po ay may maidaragdag sa mga nabanggit sa itaas ay mangyari lamang na i comment nyo sa comment section baka sakaling maka contribute tayo ng dagdag kaalaman at babala upang makapaghanda ang ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa.

 

3
$ 0.00
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments

Good morning. Nakasulat din ang iba sa Revelation (Bibliya). I claim and declare na hindi ito mangyayari. Kaya pa nating magbagao. Dapat laging una ang panginoon sa lahat ng ating gagawin. Magdasal tayo ng taimtim.

$ 0.00
3 years ago

tama po..walang ibang mas makapangyarihan kundi ang panginoon lamang...kaya sa panahon na ganito dapat talaga mas lumakas ang ating pagdarasal at humingi ng kapatawaran sa ating mga naging kasalana..🙏😊

$ 0.00
3 years ago