Ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na piyesang aking isinulat.
Mahirap hindi dahil sa anyo o estilo.
Ni hindi ako makaisip ng pamagat sa simpleng tema na kung tawagin “Pangarap”.
Oo nakatatawa,
nakatatawang isipin na ang bagay na ubod ng simple sa paningin ng marami
ay hindi ko alam kung paano sisimulan at kung ano ang aking ilalaman
pagkat wala akong pakialam sa pansariling kapakanan.
Gaya ng sa kasabihan, lahat ng tao ay may pangarap subalit ang akin ay di tiyak.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan,
marahil hindi ako tao
o di kaya’y sadyang iba lang aking gustong makamtan.
Sabi ng ilan, pangarap ko’y nakakabagot, wala daw ako sa hulog
Ang iba naman ay napapaisip sa aking katinuan.
Ganumpaman, wala akong pakialam sa anuman ang sabihin ng karamihan.
Gaya ng kawalan ko ng pakialam sa mapanghusgang mundo na ating ginagalawan.
Ang tanging mahalaga lang para sa aking katuwiran
ay kung paano ko matutupad ang boring kong pangarap.
Hindi tulad sa iba ang pangarap ko’y kakaiba at ito ay nag-iisa.
Hindi ko hinangad ang maging pinakamagaling upang makatanggap ng papuri sa iba.
Hindi ko din ninais na maging mayaman para lang makuha lahat ng luho sa mundo na aking makikita.
Hindi tulad sa iba hindi ako nangangarap para lang ako ay sumaya
O mas magandang sabihin na ang pangarap ko ay nakadepende sa iba
Pagkat aking kaligayahan ay makitang masaya aking inspirasyon sa pagsulat nitong tula.
Isang tula na malaya, gaya ng pangarap na aabot sa mga tala.
Isang pangarap, na ako ay maipagmalaki at ituring na biyaya ng mga taong sa akin ay nagpalaki
Maging ng mga taong sa puso ko ay mayroong malaking parte.
Wala akong akong pakialam anuman ang sabihin ng karamihan
Sa pangarap kong boring kung tignan.
Mabigyan ko lamang ng karangalan ang mga tao na sa akin ay nagturong magmahal unang-una na ang aking mga magulang.
Kay ganda..