Ikalawang Bahagi: Isang linggong mga alaala noong may face to face classes pa

5 95

28 September 2021

Unang Bahagi: Isang Linggong Mga Alaala Noong May Face to Face Classes Pa


Miyerkules

6:30AM *ring ring

snooze dismiss

Argh. Eto na naman! Umaga na naman! Kinapa ko ang cellphone at pinatay ang alarm. Bumangon na din ako dahil maaga pa ang pasok ng mga pamangkin ko. Schedule ko din kasi na magluto ng breakfast sa araw na ito, dapat bago mag 7:30AM ay nakaluto na ako.

Bumangon na nga, nagmumog at naghilamos ng mukha. Nagsaing at nagsimula na din magluto ng ulam. Habang naghihintay, itinaob na ko na din yung mga plato na napatiktikan na, pati mga hugasin sa lababo ay hinugasan ko na.

Sakto, 7:30AM natapos din ako magluto. Naligo muna ako bago kumain ng agahan. Pagkakain, nagtoothbrush, pagkatoothbrush ginayak ko na din yung mga gamit ko. Ang hassle lang talaga pag Miyerkules. Paano ba naman, may PE class kami sa hapon kaya pati PE uniform kailangan ko ibaon. Kaya pangmalakasan na backpack dapat ang dala ko, ang hirap naman kasi pag dala dalawang bag pa ang bitbit ko.

Hindi naman ako gaanong nagmamadali sa araw na ito, 10AM pa naman ang unang klase ko. Ang pangit lang diba, kung kalian tanghali klase ko kailangan naman maaga ang paggising ko gawa nga ng kailangan ko pa magluto.

Mga alas nuebe umalis na din ako sa bahay, para sa University ay saglit pang makatambay. Antayan muna kami sa student area sa labas ng building, kopyahan ng assignment bago magsimula ang klase, pampalipas oras, konting tawanan, hanggang mga limang minuto bago ang klase, sabay sabay na kaming aakyat sa classroom.

Isa’t kalahating oras na naman ng pakikipaglaban sa antok hanggang sa wakas, natapos na din ang klase. Pagkatapos noon, hanap muna kami ng pagbibihisan ng PE uniform bago kumain ng lunch. Ang arte sa building namin dahil sa napakahigpit na uniform regulation. Makita ka lang na hindi nakauniform sa hallway, magugulat ka nalang dahil may mag aabot na sayo ng guidance form.

At ayon na nga, oras na para magdesisyon kung saan kami manananghalian. Mayroon naman kaming sariling canteen sa aming building pero ang kaso lang, mapa-afritada o pininyahang manok ang ulam, lahat lasang adobo. Kaya wag na nga lang doon.

Kung minsan doon kami sa canteen ng College of Arts and Sciences dahil masarap ang luto doon. Pag nagtitipid naman, sa University Canteen nalang, 30 pesos lang isang meal. Mayroon pang videoke doon, hulugan mo lang ng limang piso, ayos na ang kantahan. Madalas din kami doon ng mga kaklase ko, nung minsan pa nga, sa sobrang feel na feel nila ang kanta, kami ay sinita nung nagbabantay. Paano ba naman, kung makabirit sa wrecking ball wagas.

Minsan din naman pag wala na kami oras sa pagkain, sa siomai rice nalang talaga kumakapit. Kayang kaya kumain habang naglalakad papuntang pagkaklasehan.

Tamang kasiyahan lang tapos bago mag ala una, naglakad na kami papunta sa gymnnatorium kung saan kami nagpPE. Mahaba habang lakaran din ‘yon. Exercise kung exercise, mas pipiliin na maglakad kaysa mamasahe ng 10 piso sa tricycle.

Pagdating gymnatorium, medyo maaga pa, may oras pa para kumain ng ice candy na produkto ng Philippine Carabao Center. Ang sarap non talaga.

1PM. PE class na nga. Walang katapusang sayaw nalang ang aming ginawa. Hindi naman ako sumasayaw talaga, buti na nga lang din folk dance kaya hindi gaanong kahiya hiya, kahit papaano naman may natira pang kaunti sa aking dignidad.

Oras ay mabilis na lumipas, isang araw na naman ang nagdaan.

Huwebes

Isa ito sa mga araw na gusto ko. Sa wakas kasi hindi na skirt ang uniporme, hindi na hassle sa pagtawid sa overpass. College shirt ang suot namin sa araw na ito, pwedeng ipartner sa pantalon at saka sapatos na komportable kang isuot.

Ang ayoko lang dito ay 7am na naman ang klase ko. Ang hirap lang talagang gumising ng maaga, struggle is real ika nga.

7AM-8:30AM ang klase tapos may isa’t kalahating oras na break bago ang susunod na klase. Kaya dating gawi, yung mga gutom kakain muna sandali. Yung mga puyat, pwedeng pwede din umidlip. Yung mga walang magawa, tamang tambay lang sa gilid.

Pagdating ng 10AM, klase na ulit. Medyo nakakaantok sa oras na iyon, kaya hindi ko din alam kung ano ba ang mga natututunan ko, mas nagcoconcentrate kasi ako kung paano ba hindi makakatulog. Swerte na din na madaldal katabi ko, may entertainment kahit antok na antok na ako.

Biyernes

TGIF! Pinakakomportableng araw. Ngayon lang kami may kalayaan magsuot ng kahit ano, oops, may mga bawal pa din pala. Bawal ang hindi closed shoes sa aming kolehiyo, bawal ang ripped jeans, bawal din ang off shoulders. Pero okay lang naman yun sa akin, tshirt at pantalon lang naman okay na okay na'ko. Doon lang talaga ako sa komportable ako.

8:30 ang pasok, katulad ng dati, dapat medyo maaga. Ganoon talaga kapag dakilang taga setup ng projector. Kung minsan pa nga uutusan pa ako manghiram ng HDMI adaptor sa kung sino mang prof na mahihiraman kahit hindi ko naman sila kilala. Suking suki na din talaga ako sa faculty office noon pa.

Mabilis lang ang oras, kaya maya maya lamang tapos na ang klase. Pero hindi pa talaga sa biyernes nagtatapos ang lahat…

Sabado

Kasalanan ng NSTP kung bakit may Saturday class. At dahil hindi naman ako takot sa araw, ROTC yung pinili ko. Ang aga aga din ng pasok sa araw na ito. Pero takot ako malate dahil sa punishment. Saka pag nagpunta na sa oval, ang hirap na maghanap ng platoon.

7:30-11:30, may break lang ng mga 30 minutes. Walang katapusang pagmartsa sa ilalim ng araw, sunog kung sunog, bawal maarte. Tapos nakakapagod din tumakbo, kunwari magscatter kayo tapos yung platoon leader bibilang hanggang sampu, sa loob ng 10 seconds dapat nakaayos na kayo. Paulit ulit lang, tapos magmamartsa na naman.

Charlie pala yung platoon namin, kami din yung nakaassign sa company drill kaya naman puspos din ang practice. Kasama sana kami sa laban sa RAATI ang kaso alam niyo na, naglockdown.

Balik tayo sa ROTC, ilang oras ding pagod yun. Pawis kung pawis, mga uhaw na uhaw. Pag-uwi, sabay sabay kaming sasakay sa jeep, literal na mga amoy araw. Eww. Haha


Anim na araw ng pagpasok sa eskwela. Araw araw na struggle sa paggising sa umaga. Para bang laging kakatulog ko palang gigising na naman, kakaligo ko lang nung gabi, maliligo na naman. Nakakatamad, panay ang reklamo. Pero kita niyo naman, yung dating ayoko, miss na miss ko ngayon.

Ang saya lang din balikan ngayon ng ilang mga alaala na to. Buong oras na sinusulat ko ‘to, nakangiti lang ako, habang parang automatic na nagpplay sa isip ko yung mga pangyayari na naibahagi ko.

Dito ko na din siguro ‘to tatapusin. Ang weird lang magsulat sa tagalog. Feeling ko sobrang casual nito, pero ayos lang din. Para lang akong nagkekwento.

Maraming salamat sa pagbabasa! Balik nako sa English englishan ulit sa susunod. Trip ko lang makipagkwentuhan sainyo kaya ganito ang isinulat ko. Maraming salamat sa pagbabasa! :)

8
$ 7.96
$ 7.76 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bheng620
$ 0.05 from @carisdaneym2
+ 3
Sponsors of immaryandmerry
empty
empty
empty

Comments

Basta ang alam ko tita, tagalog yan 🤭😅

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako dun sa aftritada na lasang adobo HAHAHAH. Beeeee naman sanaol may karaoke sa school.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha umay sa canteen ng college namin e haha. Ayan sample nga kung gagana picture sa comment section hahshshs. Ayaw talaga ayoko na hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha di talaga pwede be

$ 0.00
3 years ago

Pwede hahaha. May format lang, ewan bat ayaw gumana haha

$ 0.00
3 years ago