Pelikulang Hinggil sa Isyung Migrasyon at Diaspora
I. Pamagat: "HELLO LOVE, GOODBYE"
II. Mga Tauhan:
Kathryn Bernardo bilang Joy Marie Fabregas - isang masipag at responsableng anak na mayroong mataas na pangarap para sa pamilya at sa sarili. Nakapagtapos ng kursong Nursing ngunit nagtatrabaho bilang domestic helper sa ibang bansa. Siya ay nakipagsapalaran sa Hongkong upang makatulong sa pamilya at makaipon na rin ng pera para sa pagpunta sa Canada upang doon na magtrabaho kung saan mas maganda ang opurtunidad.
Alden Richard bilang Ethan Del Rosario - kilalang babaerong "bartender" na OFW sa Hong Kong na malapit nang makuha ang Hong Kong residency. Siya ay kilala ding happy go lucky na tao na siyang malaking pagkakaiba nila ng magiging kapareha na si Joy.
Jameson Blake bilang Edward Del Rosario - kapatid/ading ni Ethan na puno ng hinanakit sa isiping pasan niya ang responsibilidad para sa pamilya na dapat ang kuya Ethan niya ang gumagawa.
Kakai Bautista bilang Sally Daraga - kaibigang OFW ni Joy sa Hong Kong. Isang masayahing babae na nakikipagsapalaran din sa ibang bansa para sa pamilya.
Lovely Abella bilang Gina Marikit - isa ring OFW na kaibigan ni Joy. Siya ay masahing tao na puno din ng pangarap para sa pamilya.
Maymay Entrata bilang Mary Dale Fabregas - pinsan ni Joy na sinubukan ding makipagsapalaran sa Hong Kong ngunit hindi kinaya.
Lito Pimentel bilang Mario Del Rosario - tatay ni Ethan. Isang ulirang ama na ang nais lamang ay makumpleto ang kanyang pamilya sa Hong Kong. Siya ay may sakit at hindi na makatayo. Mag isa na lamang niyang ginagabayan ang mga anak sapagkat namatay na ang kanyang asawa.
William Lorenzo bilang Celso Fabregas - tatay ni Joy. Siya ay bulag gawa ng isang aksidente. Kasama niya ang dalawa pa niyang anak sa Pilipinas at naghihintay na kunin ng kanyang anak na si Joy sa bansang Hong Kong upang doon, mabuo ang kanyang pamilya.
Maricel Laxa bilang Lita - nanay ni Joy. OFW din sa Hong Kong at nagpakasal sa isang Instik upang maging ganap na residente ng Hong Kong.
Anthony Jennings bilang Eric Del Rosario - nakababatang kapatid ni Ethan na nakatakdang pumunta ng Hong Kong upang mabuo na ang kanilang pamilya.
Wilbert Ross bilang Joey Fabregas - pangalawang kapatid ni Joy na hindi iniisip ang pagod at sakripisyo ng kanilang ate Joy bagkus nagpapabili pa ng pang luho.
Aliyah Billote bilang Liezel Fabregas - nakababatang kapatid ni Joy.
Poon Po Lun Lilac bilang Lin -amo ni Joy sa Hong Kong.
Angela Poliquit bilang Annie - ang inaalagan ni Joy sa kanyang trabaho. Anak ni Lin.
III. BUOD NG PELIKULA
Ito ay kwento na umiikot sa buhay ni Joy at Ethan, parehas na OFW sa Hong Kong na namumuhay ng magkaiba. Si Joy bilang isang masipag na anak na puno ng pangarap hindi lang para sa pamliya kundi para rin sa kanyang sarili. Siya ay isang domestic helper sa Hong Kong na nagpapakahirap at nagsisikap makaahon lang sa hirap ng buhay. Pinasok ang iba't ibang klase ng trabaho kahit na ilegal. Habang si Ethan, isang happy go lucky na bartender na naghihintay na lamang ng kaniyang Hong Kong Residency.
Ang dalawa ay nagtagpo sa hindi inaasahan na sitwasyon at panahon. Sila ay nagkaunawan na nauwi din sa pagiibigan. Ngunit dahil nga sa kanya-kanyang pangarap, ang kanilang relasyon ay nauwi sa walang kasiguraduhan. Si Joy na malapit ng makamtam ang matagal ng pinapangarap na makalipat sa bansang Canada upang doon na magtrabo kung saan mas maganda ang opurtunidad. At si Ethan na nais ay permanente, tahimik, at maayos na buhay sa Hong Kong.
Ang relasyong walang kasiguraduhan ay nauwi pa din sa masayang wakas sapagkat tinanggap na nila sa kanilang mga sarili ang kanilang tadhana. Natutong pagbigyan at hayaang abutin ang kanya kanyang pangarap. At umaasa na lang na pagtagpuin sila ulit ng tadhana sa hinaharap.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
Tagpuan:
-Hongkong
-Pilipinas (bahay nila Joy)
Protagonist
-Ang maituturing na protagonista sa pelikula ay sina Joy at Ethan.
Antagonista:
-Walang maituturing na antagonista sa pelikula sapagkat ang tunggalian ay sa pagitan ng bida at ng kani-kanilang sitwasyon na kinakaharap. Ito ay tao laban sa sarili.
Suliranin:
Ang unang suliranin na nangyari sa pelikula ay noong nalaman ni Joy na hindi pala talaga ginusto ng kanyang ina ang magpakasal sa intsik at ang ama niya lang pala ang nagpilit upang makakuha na ito ng Hong Kong Residency. "Pero pwede kang humindi mama!" sambit ni Joy. "Kung hindi ako papayag, papauwiin ako! Sabay sabay tayong magugutom!" sagot naman ng kaniyang ina. Ito ang nagdulot ng pagkadisgusto ng kanyang ina na mabuo pa ulit ang kanilang pamilya. Dahil dito nasira na ang pinapangarap ni Joy na buong pamilya na nais niyang dalhin sa Canada.
At ang pinaka suliranin ng pelikula ay ang pagiging tuloy na nga na pag alis ni Joy papuntang Canada na kung saan buo na ang kaniyang desisyon at wala ng makakapagpabago pa ng kaniyang isip. Na kahit magmakaawa si Ethan na manatili siya sa Hong Kong, talagang aalis pa rin siya. Ito ay kanilang pinagtalunan, "So lahat ng ginagawa ko para mahalin ka, lahat ng binigay ko is not enough to make you stay?" sambit ni Ethan. "So lahat nitong ginawa mo, ginawa mo yun para pilitin akong piliin ka?" sagot ni Joy.
At dumating pa sa punto na kwenestiyon nila ang pagmamahal sa isa't isa, "Kung mahal mo ako Ethan bakit mo ako pinapapili?!" sambit ni Joy. "Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo Joy?!" sagot naman ni Ethan. Mas pinaigting ng suliranin na ito ang agos ng kwento sapagkat mas nabigyang hustisya ang kanilang walang kasiguraduhang relasyon.
Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin:
Ang ilan sa mahahalagang pangyayari sa pelikula ay ang unang pagtatagpo ni Joy at Ethan. Isang gabi, si Joy ay pumasok sa isang raket o trabaho sa isang bar, ang nasabing trabaho ay ilegal sapagkat siya ay isang rehistradong domestic helper lamang sa Hong Kong. Kaya naman dahil sa biglaang random checking ng mga pulis doon, si Joy ay hinabol at muntik nang mahuli. Siya ay nakapagtago sa isang basurahan. Ngunit sa kanyang paglabas at pagaakala na wala na ang mga pulis na humahabol sa kanya, nakilala niya si Ethan na nagpanggap na isang pulis. Sa pag angat niya ng kanyang tingin at nakilalang Pilipino din ito, "Kabayan!" sambit ni Ethan, inundayan niya ito ng suntok. At doon nga nagumpisa ang kanilang kwento.
Ang isa pa sa mahahalagang pangyayari sa pelikula ay ang pag aaway ni Joy at Ethan tungkol sa pag alis nga ni Joy papuntang bansang Canada. Sinubukang pigilan ni Ethan si Joy sa pag alis at nakikiusap na manatili na lang sa Hong Kong. Kinekwestiyon nila ang pagmamahal nila sa isa't isa. "Kung mahal mo ako Ethan bakit mo ako pinapapili?" sambit ni Joy. "Kung mahal mo ako Joy, bakit hindi ako ang piliin mo?" sagot naman ni Ethan. Ngunit sa huli, pagkakaunawan pa rin ang nagwagi.
Mga Ibinunga:
-Dahil sa mga mahahalagang pangyayari mas naging interesado ang takbo ng kwento. Ito ay nagdagdag ng kulay sa pelikula.
V. Paksa o Tema
-Ang pangunahing paksa o tema ng pelikulang Hello Love, Goodbye ay ang pagmamahalan ng dalawang tao sa maling panahon at lugar. At isa din sa masasabing paksa ay ang pakikipagsapalaran ng mga OFW sa ibang bansa. Pagpapaalala ng mga sakripisyo at hirap na kanilang ginagawa para sa kanilang pamilya.
VI. Mga Aspektong Teknikal
Sinematograpiya:
-Maganda ang sinematograpiya ng pelikula sapagkat nabigyang hustisya ang mga eksena batay sa wastong liwanag at paggalaw ng kamera. Nakakamangha ang mga kuha na detalye sa eksena. Nakitang maayos ang ganda ng lugar na Hongkong.
Musika:
-Maganda at naaayon sa kwento ang musika na ginamit sa pelikula na naging dahilan kung bakit mas lalong nadala ang mga manonood na katulad ko sa mga emosyon na nais iparating ng kwento. Ang kantang "Ikaw at ako" ni Moira Dela Torre at Jason Marvin ang siyang nagbigay ng hustisya sa pelikula.
Visual Effect:
-Dahil drama at wala halos mabibigat na aksiyon ang nasabing pelikula, wala itong masyadong visual effect.
Set Design:
-Dahil ginanap ang pelikula sa bansang Hongkong at ito ay patungkol din sa pakikipagsapalaran ng mga OFW katulad ni Joy, ang set design ay nakatuon sa bahay ng amo na kung saan makikitaan ng mga mas magagandang bagay na nagpapakita ng pagiging angat sa buhay kumpara sa kasambahay.
VII. Kabuoang Mensahe ng Pelikula
-Nais ipabatid ng pelikula na ang tunay na pagmamahalan ay pagbibigayan at pagsasakripisyo. Na kung talagang mahal niyo ang isa't isa, marunong kayong umintindi, magpalaya at magbigay. Ito ay ukol din sa pagiging matatag sa buhay at ang halaga ng pagmamahal sa pamilya. Na kahit ano pang sakripisyo at pagsubok ang dumating, makakayanan mong pagtagumpayan para sa iyong pangarap at pamilya.
VIII. Kabuoang Dating sa Sarili ng Pelikula
-Masasabi kong maganda at kapupulutan talaga ng aral ang pelikula. Ito ay maganda sapagkat talaga namang magagaling ang mga aktor at aktres na gumanap idagdag pa na sa ibang bansa ito kinuhanan. Maraming aral na mapupulot dito sapagkat nagpapakita at nagpapaalala ito sa mga manonood tungkol sa sakripisyo at pagmamahal ng isang OFW sa kanyang pamilya. Na ang buhay ng isang OFW sa ibang bansa ay talaga namang hindi madali ngunit kinakaya nila para sa kanilang pamilya.
IX. Rekomendasyon
-Iminumungkahi ko na ipakita at bigyan man lamang ng ideya ang manonood katulad ko tungkol sa mangyayari sa kani-kanilang buhay isang taon ang nakalipas. Sapagkat inaamin ko na kahit nagagandagan ako sa pelikula, ako ay nakulangan at nabitin pa rin.
This is not a typical flavor of an article that I usually write. I just want to share this movie review from one of my school works. lol
If you haven't read my previous articles, feel free to give them a shot!
65 kilos to 50 kilos: REALQUICK!
I'm also in noise.cash, illustrious is my usernane!
Ay ang galing nyo lang gumawa ng content sir 👍