Secret Admirer

0 35
Avatar for icary
Written by
3 years ago

She is amazing, I am captivated by her beauty. Her smile is too genuine, I cannot afford to buy it.

Brian's POV

Naglalakad ako papunta nang eskwela nang may makabanggaan akong babae na siyang dahilan nang pagkabagsak namin pareho, mukhang meron siyang tinatakbuhan dahil sa balisa niyang pagmumukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ramdam ko ang kanyang panginginig nang biglang may sumulpot na lalaki at pilit siyang hinihila.

"Kuya baka pwede naman natin 'tong pag usapan, huwag mo naman siyang hilain nang ganyan" sambit ko habang mariin na hinahawakan ang kabila nitong kamay upang hindi siya tuluyang matangay.

"Sino ka ba? Bakit ka nakikielam sa 'min?" habang patuloy pa rin niyang hinihila ang babaeng ngayon ay hawak ko.

"Ikaw ba sino ka, hindi mo ba nakikitang natatakot siya"

"Wala kang pakielam kung sino ako kaya bitawan mo siya"

"Miss kilala mo ba 'to?"

Tumingin ito sa akin at iling lamang ang tinugon niya, bakas pa rin dito ang takot.

"Kuya bitawan mo siya o tatawag ako nang pulis at sasabihin kong harasser ka"

Noong una ay ayaw niyang bumitaw sa kamay ng babae pero nang magtagal ay binitawan niya rin ito at umalis.

"Miss okay ka lang ba?" inalalayan ko siyang tumayo ngunit hindi siya kumibo malamang ay takot pa rin ito kaya naman hinatid ko siya sa malapit na police station para roon siya magpaliwanag at hindi na siya sundan nang kung sino man ang lalaking iyon kanina.

Matapos ko siyang maihatid ay napatingin ako sa orasan.

"Late na pala ako, sh*t" kumaripas ako nang takbo dahil nakakatakot ang 1st subject teacher namin siguradong malilintikan na naman ako.

"Mr. Guevarra, you're late!" bungad nito sa 'kin karating ko sa room.

"Stand outside!" dagdag pa nito sa 'kin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ay sumunod.

Habang nagmumuni ako sa labas nang room ay nakita ko ang babaeng kanina'y tinulungan ko, dito rin pala siya nag aaral dahil pumasok siya sa isa sa mga classroom.

Araw-araw ay madalas ko siyang nakikitang naglalakad mag isa at minsan naman ay meron siyang kasama, hindi ko namamalayang lagi ko na pala siyang inoobserbahan at feeling ko'y may gusto na rin ako sa kanya. Hindi pa ako nagpapakilala sa kanya at hindi pa niya ulit ako nakikita.

"Brian!" sigaw sa 'kin ng kaibigan ko.

"Bakit?"

"Sino ba 'yong babaeng lagi mong tinitignan? Crush mo?" pang aasar nito sa 'kin.

"Sinong babae? Wala ah" kaila ko rito na.

"Anong wala tignan mo nga sobrang pula mo" sabay dutdot nito sa pagmumukha ko.

"Oo na. Tinitignan ko si Nicole"

"Nicole?"

"Oo, 'yong babaeng tinulungan ko dati"

"Dito rin pala siya nag aaral"

"Oo kaya 'wag kang maingay" suway ko sa kanya dahil matabil ang dila nang lalaking ito.

Lagi kong pinagmamasdan si Nicole at inaalalayan kapag umuuwi siyang mag isa, hindi ko kasi lubos maisip kung sakaling mangyari na naman sa kanya iyon ulit.

Habang sinusundan ko siya ay nakita kong may mga lalaking nantritrip sa kanya.

"Hoy!" bulyaw ko sa mga ito na siyang dahilan nang paglingon nila sa 'kin.

"Boy, umalis ka rito kung ayaw mong masakta-" bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay inundayaw ko na ito nang suntok. Sunod naman ang pagkuha ko sa kamay ni Nicole.

"Kapag sinabi kong takbo, takbo" bulong ko kay Nicole na ngayon ay nagtatago sa likod ko.

"Takbo!" hinila ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo papalayo.

Nang makarating kami sa safe na lugar ay huminto na kami at binitawan ko agad ang kamay niya.

"Di ba ikaw yung tumulong sa 'kin dati" sambit nito habang hinahabol ang kanyang paghinga.

"Salamat tinulungan mo 'ko ulit" dagdag pa nito.

"Wala 'yon, bakit ba lagi kang nasa peligro?" sabay tingin ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam, nga pala anong pangalan mo?"

"Brian"

"Ah, Nicole nga pala" sabay abot niya sa akin nang kamay niya habang nakangiti.

"Sa susunod mag iingat ka na, ihahatid nalang kita malapit sainyo para makasigurado akong okay ka" kinuha ko ang bag niya at nagpatuloy sa paglalakad wala na siyang nagawa kaya hinayaan na lamang niya akong ihatid siya.

Kinabukasan-

*News*

"Mga katawan ng kalalakihan ang nakitang palutang lutang sa Pasig River-"

Rinig ko sa isang balita na kumakalat sa labas nang campus. Nakita ko si Nicole na nakikinig dito kaya naman nilapitan ko siya.

"Hindi ka na nila mapagtritripan" tinignan niya ako kaya nginitian ko siya bago pa man ako tuluyang naglakad papasok sa campus.

Nagdaan ang mga araw at lagi ko pa rin inaalalayan si Nicole kada umuuwi ito, late na rin kasi kapag natatapos ang klase niya kaya naman hindi ako mapakali kung uuwi siyang mag isa. Isang gabi nakita kong may sumusunod sa kanya na isang lalaki at mukhang wala ito sa katinuan dahil sa alak, lumapit ito sa kanya at hinipuan siya sabay ang paghila sa kanya sa madilim na eskinita na siyang naging dahilan nang pagsigaw ni Nicole nang tulong tumakbo akong agad para iligtas ito. Nakakita ako nang bato at inihampas ko rito na siyang naging dahilan nang kanyang pagkatulog.

"Nicole okay ka lang ba?" pag aalala ko sa kanya.

Umiyak lamang ito habang nakahawak sa akin kaya naman pinatahan ko siya at hinatid na sa kanila.

Kinabukasan ay mayroon na nanamang balita na kumalat sa labas nang campus, hindi ko na ito binagyan nang pansin at nagpatuloy sa aking paglalakad nang bigla akong lapitan ni Nicole.

"Brian" pagbati nito sa akin.

"Ikaw pala"

"Thank you pa ulit kahapon"

"Wala 'yon" winasiwas ko ang aking kanang kamay. Napansin nito ang bandage na nakatali sa 'kin.

"Napano 'to?" sabay kuha niya sa kamay ko.

"A-ah eto? Wala. Naipit kasi kanina kamay ko" pagpapaliwag ko sa kanya

"Ah ganoon ba? Pagaling ka" sambit nito bago niya tuluyan bitawan ang kamay ko.

Nagpaalam na ito sa akin kaya naman nakahinga ako nang maluwag.

Isang araw ay lumapit sa akin ang kaibigan kong si Jack.

"Brian, alam mo ba"

"Alam ang alin" pagtataka ko rito

"May boyfriend na pala si Nicole"

"Ano?"

"Oo, ikaw kasi napakatorpe mo ayan naunahan ka tuloy" hindi ko na sinagot si Jack dahil nagulat din ako sa sinabi niya. Hindi ko na nilalapitan si Nicole dahil lagi nitong kasama ang nobyo niya at kapag uuwi naman siya ay tinitignan ko na lamang sila sa malayo.

Habang nasa school ako ay nakita ko si Nicole na naglalakad papalapit sa 'kin. Nang makarating siya sa harapan ko ay inilapat niya sa mukha ko ang kanyang kamay.

"Anong ginawa ko?" sinabi ko rito habang hawak ang aking pisngi.

"Anong ginawa mo kay Ian" sabi nito sa akin, si Ian nga pala ang nobyo niyang sinasabi ko.

"Ian? Napano si Ian?"

"Si Ian ngayon nasa hospital at sinabi niya sa 'kin na ayaw na niya akong makita dahil natatakot daw siya para sa buhay niya"

"At ano naman ang kinalaman ko roon?"

"Alam kong may kinalaman ka sa mga kaguluhan na nangyari rito. Una sa mga lalaking nakita ang katawan sa ilog, sila 'yong mga lalaki noong gabing tinulungan mo ako. Pangalawa 'yong pinagsasaksak na lalaki, ikaw lang din ang tumulong sa 'kin noon kaya impossibleng wala kang kinalaman sa mga nangyari noon. Kaya umamin ka na ikaw ba ang may kagagawan noon kay Ian." sambit nito habang nanginginig ang kanyang boses.

Nginitian ko si Nicole bago ko sinagot ang bintang niya.

"Alam mo ba na niloloko ka ni Ian? Akala mo ikaw lang mahal niya pero hindi, kung hindi ko lang iniisip ang sasabihin mo baka ako talaga ang gumawa noon kay Ian. Nicole, aaminin ko gusto kita at ako ang secret admirer mo pero hindi mo 'ko stalker at lalong 'di ako mamamatay tao."

Iniwan ko si Nicole na nakatayo sa kanyang pwesto hindi ko alam kung ano ang mas masakit, 'yong sampal ba niya sa 'kin o 'yong pagbintangan niya ko sa mga nangyayari rati.

[END]

Sino sa tingin niyo ang gumagawa nang mga iyon?

Maraming salamat sa inyong pagbabasa, pagpasensyahan niyo na dahil hindi ako marunong na lalaki ang may POV. Stay safe everyone.

By: icaryxghost

9
$ 0.03
$ 0.03 from @EvilWillow
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Comments