Nautusan ang kuya ko ni mama na bumili dahil siya lamang ang marunong magmaneho ng tricycle saming lahat at sakto naman na nandoon ang pinsan kong babae at kaibigan niya kaya sumama sila sakanya para joy ride raw sabi nila.
Mababaw pa ang gabi nang tunguhin nila ang masukal na daan na animo'y hunted na kung iyong titignan-- walang katao-tao o sasakyan man na dumadaan, halos wala kang makita kundi puno lamang.
Mayroon daw naramdaman si kuya habang tinutungo nila ang daan na yun, malamig na hangin na tumatama kasabay pa ang mga mata't anino na tumatakbo na sumasagi sa paningin niya kaya naman ay binigyan niya ng babala ang kaibigan ng pinsan ko na nakaupo sa loob ng sidecar ng tricycle;
Kuya ko: Keng, 'wag kang lilingon mamaya sa side mo kapag pabalik na tayo rito may sasabay satin. Syaka 'wag kayong masyadong maingay.
Matapos nilang mabili at makuha ang kailangan nila ay dali-dali na silang bumalik sa daan para makauwi na dahil 10PM na nung matapos sila sa pamimili.
Habang sinusuyod nila ang mahabang daan ay may kakaibang nangyari sa kanilang paglalakbay na nagdulot ng takot at taranta sa kanilang lahat. Dahil sa kaingayan ng pinsan ko at kaibigan niya ay 'di nila napansin na may nangyayari na pala kaya nagsalita ang kuya ko para pigilan sila sa ginagawa nila;
Kuya ko: Teph, manahimik muna kayo pansinin niyo tong mangyayari kalagpas natin sa posteng yun (sabay naman bumagal ang takbo ng tricycle at pagpatay sindi ng headlight)
Teph (Pinsan): Boy, wag ka naman manakot ng ganyan ang dilim dito oh, walang dumadaan na sasakyan.
Kuya ko: Hindi ko nga kayo tinatakot, teka bibitawan ko ang manubela tignan niyo ang mangyayari.
Kabitaw ng kuya ko sa manubela ay siya namang paghinto ng tricycle at walang tigil na nagpatay sindi ang headlight. Nagsigawan ang pinsan ko at ang kaibigan niya dahil 'di nila alam ang gagawin nila sakto naman na walang dumadaan na sasakyan para makapagbigay ng liwanag sa kanila kundi ang sinag lamang ng buwan.
Dali-dali naman lumingon ang kuya ko sa side ng sidecar dahil nga sa babalang sinabi niya kanina ngunit wala siyang nakita na ipinagtaka niya kaya lumingon lingon siya sa paligid. Paglingon niya sa likod ng pinsan ko'y siya naman pagbungad ng isang babae na nakaputi at nakatingin sa kaniya na animo'y may sinasabi sa mga mata niya, namumula ang mata nito at nanlilisik kaya natakot ang kuya ko.
Kuya ko: Teph, 'wag kang lilingon sa likuran mo. Ganiyan lamang kayo.
Umandar nang muli ang tricycle, bumalik na ito sa ayos. Kaya naman agad silang umalis sa daan na 'iyon.
Kuya ko: Sabi ko naman sainyo 'wag kayong maingay dahil may sasabay satin. Sumabay siya sa puwesto kung saan may dalawang mag asawang naaksidente at namatay. Sa susunod makinig na kayo.
Nang makauwi sila sa bahay ay ikwinento nila agad ang karanasang sinapit nila pare-pareho. Natakot na silang sumama ulit kapag gabi na kaya naman madalas ay mag isa nang naglalakbay ang kuya ko.
Maraming salamat sa pagbabasa. Ikaw anong kwentong daan mo?
Woah! Interesting as ever mamsh! Naiimagine ko yeeern. Iman sila insan haha, buti nakakaya ni kuya na magdrive kahit gabi ay, tapos may sense pa sya