Possessed

12 35
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story

We we're at the young age when this incident happened. Ang harap ng bahay namin ay napapaligiran nang halaman dahil mahilig magtanim ang grandparents ko. May isang halamang bulaklakin doon na laging pinupuntahan ng mga hummingbirds, lagi mo silang nakikitang nagliliparan sa paligid na yun. Noong una ayos lang dahil wala naman nangyayari at maganda naman kasi yung halaman not until nagkaroon nang ganitong incident.

May isang matanda na dumating sa bahay at napansin ang mga hummingbirds na paligid sa halaman na nakatanim doon kaya naman sinabihan niya si lola na tanggalin ang halaman na iyon dahil may dala itong malas. At dumating nga ang kinatatakutan namin.

Isang hapon habang kami ay naglalaro kasama ko ang pinsan kong babae, maliit niyang kapatid at ang bunso kong kapatid, bigla nalang kaming nakarinig nang ingay na sumisigaw at nagwawala. Nakita namin na tumatakbo papunta samin si mama hindi magkaugaga sa kung ano ang dapat niyang gawin habang ang boses ng babae ay patuloy naming naririnig sumisigaw ito nang

"Huwag niyo na silang itago alam ko kung nasaan sila." Sabay ang pag-alingasaw nang malalakas na tawang nagmumula sa loob nang kwarto kung saan nagkukumpulan ang lahat ng tao sa bahay.

Dinala kami ni mama sa loob nang isang bahay, dalawang kwarto ang layo sa kinaroroonan ng sumisigaw. Doon sama-sama kaming mga bata at pinagbawalan na lumabas kahit na anong mangyari, binigyan niya kami nang mga laruan na pwede naming paglibangan. Ngunit sa sobrang takot naming lahat dahil sa kawalang ideya sa mga nangyayari ay nagkumpol kami sa gilid nang kama habang takot na nakikinig sa mga hiyaw at tawa na naririnig namin sa kabila.

Lumipas ang ilang oras ay patuloy pa rin ang ingay at kaguluhan na nangyayari, hindi kami mapakali, hindi namin maisipang gumalaw. Ilang sandali pa ay nakita ulit namin si mama na tumatakbo sa amin, hindi maipinta ang kaniyang mukha, takot at pag aalala ang aking nakikita at nababasa. Inayos niya kaming lahat at hinila sinabihang huwag bitawan ang kamay nang isa't isa.

"Tumayo kayo diyan lalabas tayo, doon kayo sa may labas maghintay. Alam niyang nandito kayo, pupuntahan niya kayo kapag 'di kayo lumabas nang bahay."

Sobrang takot naming lahat sa sinabi niya hindi namin alam kung bakit kami ang puntirya niya at ano bang kasalanan nagawa namin sakaniya. Rinig na rinig namin ang pagkalas niya sa mga taong may hawak sakaniya habang malakas na tumatawa at sinasabing,

"Alam ko nasaan kayo, 'wag na kayong magtago mahahanap ko kayo!"

Mabilis kaming umalis sa loob nang bahay kasama si mama na todo ingat sa aming apat habang iniisip saan kami iiwan nang walang nangyayari sa amin. Nang makahanap na kami nang pwesto na pagtatambayan namin ay umalis si mama at bumili sa tindihan, dumating siyang may dala-dalang isang balot ng chichirya at maiinom at sinabihan niya kaming huwag pumunta kung saan saan, magstay lang kami sa lugar na iyon at babalikan niya kaming agad.

Naiwan kami sa labas na walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos. Pare-pareho kaming nakaupo doon habang kinakain ang chichirya na ibinigay ni mama, pinagkukwentuhan kung ano bang pangyayari sa loob at inaalagaan ang mga nakababata pa naming kapatid. Bago magdilim ay binalikan kami ni mama sinasabi ang magandang balita na ayos ang lahat sa loob at maaari na kaming bumalik doon ngunit 'di pa rin mawawala ang takot na nakapinta sa aming mga mukha. Kahit na kami'y nasa batang kaisipan ay alam namin ang mga kababalaghan na nagaganap sa bahay na iyon dahil pinalaki kami ni papa sa mga kwentong katatakutan niya.

Kalaunay nalaman namin ang hinihinging kapalit nito-- dugo. Kaya naman ay nag-alay sila nang dugo ng manok at ipinatulo sa labas nang bahay kung nasaan ang nabanggit kong halaman. Ilang araw matapos yun ay ipinatanggal nang tuluyan ni lola ang halaman na iyon dahil naniwala na siya sa sinabi ng matanda na may dalang malas ang halaman na iyon. Ngunit hindi pala dugo ng manok ang kaniyang nais, naging klaro ang lahat sa amin. Ilang buwan matapos ang insidente ay nagkasakit ang aming lolo, umiihi ito nang dugo, napakaraming dugo. Wala na itong lunas, masyado na itong malala kaya naman ilang buwan lamang ang lumipas ay binawian ng buhay ang aming lolo.

Hindi pa rin maitatago ang takot na idinulot sa amin nang pangyayari na iyon at nadagdagan pa ang mga ito nang mga susunod pang mga taon.

Marami pong salamat sa pagbabasa, sana natuwa kayo sa sinulat ko.

5
$ 2.41
$ 2.41 from @TheRandomRewarder
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story

Comments

Ow ems. Alam mo mamsh marami rin hummingbird sa likod bahay namin. Pero wala na nung pumanaw si lola. Grabe Naman yun, feeling ko nahuhunting mayo nun ay. Nagpapatak rin kami Dto ng dugo pag may kababalaghan e

$ 0.00
3 years ago

Grabe mamsh di ko pa rin maiwasan matakot kapag naaalala ko yan, para kaming delicacies sakanila na lagi nilang hinahunting. Ingat din kayo riyan mamsh

$ 0.00
3 years ago

Ay grabi talaga mamsh. True, Ingat Ingat. Mamsh more more more wahahahah

$ 0.00
3 years ago

At dahil more more more, nagpublished na ko new article yeyyyyyyyyyyyy

$ 0.00
3 years ago

more uli bukas HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ahahahahaha wait bukas sulat ako ulit

$ 0.00
3 years ago

sigi sigi haha. Tapos may dudungaw ulit haha

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha this time sayo naman may dudungaw

$ 0.00
3 years ago

Woi hindi a. Prens kami ng mga andito😂

$ 0.00
3 years ago

Prends din naman kami hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA gano na katagal frienship nyo mamsh? HAHA

$ 0.00
3 years ago

Since birth ahahahaha

$ 0.00
3 years ago