Panaginip...

8 37
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story

Gaano ka ba kadalas managinip? Hindi kasama ang pagde-daydream mo sa umaga. Naexperience mo na bang mahulog sa panaginip mo ng walang katapusan at magigising ka na lamang bigla dahil sa pagkakahulog mo? O 'di naman ay managinip ng mga ahas na may iba't ibang pag uugali may mga kahulugan ang mga ito at hindi natin alam kailan magaganap ang mga iminumungkahi ng mga ito.

Nabanggit ko sa latest post ko ang kakayahan na mayroon ang bawat miyembro ng aking pamilya at isa doon ang nakababata kong kapatid. Madami siyang kwento na tungkol sa mga panaginip na karamihan ay bangungot, ngunit nitong mga nagdaang araw ay may nagbago sa mga panaginip niya na hindi niya mawari kung ano ang dahilan.

Una niyang nabanggit ang panaginip niya tungkol sa yumao naming mga lola, nasambit niya na masaya at buhay na buhay sila sa panaginip niyang 'iyon ngunit may isang kabaong silang pinaglalamayan at binabantayan ang buong akala niya ay nagpaparamdam lamang ang mga ito dahil malapit na ang kanilang mga kaarawan ngunit nagulantang ako sa kasunod niyang ikwinento.

Kasunod niyang ikwinento ang panaginip niya isang araw matapos ang pagpapakita ng aming mga lola tungkol sa pagkatanggal ng isa sa kaniyang mga ngipin na siyang ikinagulat at ikinabahala ko kaya dali-dali kong nabanggit ang mga katagang,"masakit ba nung natanggal yung ngipin?" na kaniya naman ikinataka kaya niya natanong kung bakit gusto ko itong malaman. In-explain niya ang buong pangyayari, "Yung panaginip ko kasi masakit daw ngipin ko tapos trinatry ko siya hawakan kaso sobrang sakit kaya tinigilan ko tapos after noon kusa siyang natanggal" alam kong may mali at may kutob akong may mangyayari kaya natanong niya ko ulit kung bakit? Ang tugon ko ay, "Kapag kasi masakit yung pagkakatanggal ng ngipin malapit sayo yung mamamatay at kung hindi naman malayong kamag-anak" Mas lalo akong kinabahan dahil hindi niya alam ang ibig sabihin nang mga panaginip at hindi niya naikagat 'ito katapos niyang magising.

Nagulat siya sa sinabi ko at naintindihan kung bakit nagpakita ang mga yumao naming mga lola, ngunit sino? Natulog kami ng gabi rin na iyon at sinawalang bahala na lamang ito at ipinagdasal na sana mali ang aming nasa isip, ngunit hindi.

Feb. 03, 2021 Wednesday at 4:30am tumawag si mama para ibalita samin na namatay na ang malapit naming tito na siyang ikinagulat naming lahat pero huli na para agapan pa, kinuha na siya. Kasama na siya ng kaniyang ama't ina, wala kaming ibang nasambit kundi "sabi ko na nga ba". Sana'y naagapan pa, kaya pala palagi na siyang nag iingay at nakikipagkwentuhan sa tuwing kami ay bibisita dahil malapit na pala. Nawa'y masaya ka na sa piling nila, pangako maililipat ka namin sa sipang ng iyong ina gaya ng huli mong habilin at hiling sa amin.

Kung mayroon kang kwento na gaya neto, feel free na isalaysay ito sa comment section. Buong puso ko itong babasahin, hangga't may panahon pa magpasalamat na tayo sa kanila at ipakita natin na mahal natin sila. Ang mga panaginip nga ba'y nagdadala ng mga mensahe o nagkataon lamang ang mga pangyayari.

3
$ 0.31
$ 0.28 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @EvilWillow
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story

Comments

May tito have eternal peace mamsh. I know that feeling na may masamang kutob ka tapos nagkatotoo not later but soonest. You know something bad will happen pero bakit di naagapan? Those fleeting thoughts. I have a bracelet made of rubber, it was a simple present gifted by my father during elementary days. I was 2ndy year HS that time, I just got home from school and I was sleepy. Before I slept, the bracelet broke and the first one I saw was father, seated at the oposite seater. I saw his smiling face the last time before sleeping at the sofa. When I woke up by the noise, everyone was already in panic. Why? Because my father collapsed and had a heart attack. It was hard looking at him in pain, being not able to breath. It was only then that I realized, why did I sleep, I could have talked to him the last time.. I have lots of regrets as a child and it was only now that I had realized everything..

$ 0.00
3 years ago

Time heals, memory stays. Lakas ka mamsh eh, no more regrets he's on God's palm now. Nangyari rin yan both sa mga lola ko from my mother and father side. Nandun silang lahat nung malapit na siyang bawiin ni God, ako nasa kung saan di man lang alam ang mga nangyari, I regret every second and minute na di ko sila kinausap, kinamusta, nginitian o sinabihan man lang na mahal ko sila. But here we are, nagpapakatatag pa rin sa buhay. Laban lang mamsh

$ 0.00
3 years ago

True mamsh, raming regrets ket anya ngay garod, life must go on and we must live in happiness for their part also. Wiee so supportive mo mamsh mwah

$ 0.00
3 years ago

Trueeeee, kaya magpost ka na ng kare kare para makapagcooking mama na ko hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA tse ikaw na kasi HAHA di ko alam lutuin yun legit HAHAH

$ 0.00
3 years ago

Di ko rin alam kaya nga ako magbabasa ng tutorial mo eh hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHA gg na garod a hahah

$ 0.00
3 years ago

Haan ah, kaya mo yan hahahahaha. Supporrrt!

$ 0.00
3 years ago