Awakening

4 23
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story, Story

Ito ang story tungkol sa kung paano nagsimula magbukas ang third eye ng bunso kong kapatid.

Nasa elementarya pa lamang siya nang magsimula ito. Mayroon kasi kaming duyan noon na nakatali sa loob nang bahay, kasya rito ang 3 katao kaya naman doon napagdesisyunan nang aking nakakabatang kapatid, pinsan at isa nilang kasama na maglaro. Sobrang lakas nang paghampas nang duyan at ang kanilang mga hiyawan rinig na rinig ito sa labas kung saan kami nakatambay at nagkwekwentuhan nang iba pang tao sa bahay. Inis na inis si kuya na dumadaan sa kanila dahil sa taglay nilang kaingayan kaya naman nasambit nito ang mga salitang bumago sa buhay nila.

"Ang ingay niyo, tumigil kayo sa paglalaro. Mamaya may magpapakita na sa inyo para makipaglaro." Sabi ni kuya sa kanila nang may halong inis.

Nagpatuloy pa rin sila sa paglalaro at hindi pinansin ang mga katagang sinabi ni kuya. Mas lalo pa silang nag ingay sa loob kaya hinayaan na lamang namin sila at walang ano ano ay bigla nalang silang kumakaripas nang takbo sa labas nang bahay habang patuloy na nag iiyakan.

"Napano kayo? Bakit kayo tumatakbo?" Sambit ko.

"May nakita kami babae sa loob nang bintana nakadungaw samin, sira yung kalahati niyang mukha galit na galit samin yung mata niya tapos bigla kaming may nakita dalawang bata, isang babae at isang lalaki kasama nila yung nanay nila may kargang baby. Palapit sila samin sinasabi nila gusto nilang makipaglaro." Habang umiiyak at takot na takot.

"Ayan sabi ko na kasi sainyo 'wag kayong maingay, nagagambala niyo sila. Oh ano? gusto niyo pang mag ingay?" Sabi naman ni kuya.

"Huwag muna kayong pumasok, tumahimik kasi kayo. Ang ingay ingay niyo rinig na rinig kayo hanggang sa labas."

Dahil sa sobrang takot nila ay hindi muna sila pumasok sa loob nang bahay at hinintay nila kaming magsipasok. Pagsapit naman nang gabi ay busy ang lahat na nanunuod nang mga paborito nilang pelikula sa TV, panahon pa iyon ng Dyesebel, darna, zaido at iba pang palabas. Lumabas ang kapatid ko at pumunta sa kabilang bahay, wala pang ilang minuto ay bumalik siya sa loob nang bahay na umiiyak hindi ko siya mapatahan kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari.

"Napano ka nanaman?"

"Ate pumunta ako kila lola, nakita ko si bapang lotlong nasa may labas may kinukuha sa loob nang ref. Nakatalikod siya tinatawag ko siya pero 'di siya sumasagot, nakita ko siyang pumunta sa side nang bahay kaya hinayaan ko na tapos pumasok na ko sa loob nang bahay nila lola pero nakita ko siyang nakaupo doon sa loob nanunuod nang TV. Sa sobrang taka ko tinanong ko siya sabi ko "Bap lumabas ka ba kanina?" sagot niya hindi raw, kanina pa raw siya nakaupo doon." Habang nanginginig ang boses.

Ayokong maniwala sakaniya dahil wala naman akong nakita kaya naman niyaya ko siyang bumalik doon para tanungin ulit.

"Halika balik tayo doon, tanungin mo ulit baka kung ano na nakita mo."

Bakas sa mukha niya ang takot dahil nagsisimula pa lamang gumana ang kaniyang third eye. Todo naman ang hawak niya sa kamay ko habang umiiyak. Bumalik kami doon at muling tinanong.

"Bap lumabas ka ba kanina para kumuha nang kung ano sa ref?"

"Hindi, kanina pa ko nakaupo rito nanunuod ako."

Bigla naman nagsalita ang pinsan kong babae at sinabing,

"Hindi naman siya lumabas dito magmula kanina, nanunuod lang kami rito. Ano ba ang nangyari?"

Kaya naman nagsimulang magpaliwanag ang kapatid ko tungkol sa kung ano ang nakita niya kanina bago siya pumasok doon.

"Papunta kasi ako rito tapos nakita ko si bapang lotlong nakatayo sa ref may kinukuha siya sa loob, tinatawag ko naman siya pero ayaw niyang magsalita o lumingon tapos bigla siyang umalis pumunta sa gilid. Pagpasok ko rito sa loob nakita ko siyang nakaupo kaya nagtanong ako kung lumabas ba siya. Kung 'di siya yun ano nakita ko?"

"Nakita mo yung dopple ganger ni bapang lotlong." Sabi nang pinsan kong babae.

Takot na takot na ang kapatid ko sa kung ano pa ang susunod niyang makita dahil halos nang kung ano sa bahay ay nagpakita na sakaniya. Gaya ni kuya ay malakas din ang kakayahan ng bunso kong kapatid. Magmula noon 'di na siya lumalabas nang bahay pagsumasapit ang gabi kung wala siyang kasama at madalas siyang magpasama sa CR dahil sa madilim ang daan sa labas at doon din nakapwesto ang pamilyang una niyang nakita.

Marami pang kwentong kababalaghan ang bunso kong kapatid at active pa rin ang kaniyang third eye sa tutuusin nung ginagawa ko ang article ko na "Possessed" ay kasama ko siya sa loob nang kwarto at nakikibasa siya sa ginagawa ko, nasabi niya lang sa akin kinagabihan na habang nagsusulat daw ako ay may nakadungaw samin at nanunuod. Saktong sinabi niya yun ay balak kong maligo magaling ka kapatid!

Marami pong salamat sa pagbabasa.

4
$ 2.41
$ 2.41 from @TheRandomRewarder
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: True Story, Story

Comments

sani ko na talga mamsh may nakdungaw e huhuhu creepy rin dopplegangers shwet.

$ 0.00
3 years ago

Nakita niya mamsh ako hindi ko ramdam ko lang siya naman nakakakita at nasa sala na ko nagsusulat natakot ako hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHA true wag sa magisa mo lang. Kakaloka haha

$ 0.00
3 years ago

Hahahahahaha trueeee

$ 0.00
3 years ago