Pamahiin ng mga Pilipino

2 20

Totoo nga ba o Nagkataon Lang

Alam naman natin na may iba-iba tayong paniniwala pag dating sa pamahiin. Alam din natin na nagsimula ito sa mga ninuno natin at mga lolo't lola. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda at hanggang ngayon ay dala dala parin natin ang mga pamahiin na yun. Narito ang ilan sa mga naging karanasan ko at naranasan ko.

Okasyon

  • Bawal sukatin ang gown ng bride bago ang kanilang kasal dahil hindi daw ito matutuloy. Sa dahilan na hindi rin maipaliwanag mga paniniwala ng matatanda na kapag sinukat o nakita ng groom to be ang gown ng bride. Something bad happen na hindi matutuloy ang kasal. Minsan may namamatay, minsan naman may naaksidente.

  • Isang araw bago ang araw ng kasal ay bawal itong pagsamahin sa iisang bahay. Dapat magkahiwalay sila buong gabi at unang pupunta ng simbahan kinabukasan ay ang groom susunod ang bride at doon lang sila magkikita. Siguro sa pamahiin na ito ay wala nman masama kung susundin dahil parang pinasasabik lang silang dalawa bago ang kasal.

  • Ang bride dapat daw mayroon lucky charm kilangan bigyan ng barya or bulak na iipit sa short or underware ng bride habang nagaganap ang kasal pampaswerte daw sa kanilang pagsasama.

  • Pagdating sa simbahan yung mga naatasan sa kandila at kordon ay dapat maiingat ito. Yung kandila habang sinisindihan dapat daw isang sindi lang wag ng ulitin. At kapag nmatay yung sindi ng kandila bad omen na yun. Dahil ang ibig sabihin non mayroong mamatay soon. Hindi nman sa tinatakot ko kayo pero totoo yung sa kandila ng mga kinakasal. Kasi yung pinsan ko kinasal sila at abay din ako nong time na yun pero hindi ako sa kandila. Yung mga malalaking pinsan ko ang naatasan don kaso habang sinisindihan yung kandila palaging namamatay ito wala namang electric fan dahil ang simbhan naka aircon. Makalipas ang taon malaki na ang panganay nila 12years old na siguro namatay yung aswa ng pinsan ko. Sobrang bait pa nman non at ang ganda ng pagsasama nila ng pinsan ko.

  • Kapag pauwi na daw ang bride at groom papuntang reciption area ay bago bumaba ng sasakyan kilangan apakan ng girl ang paa ng lalaki para maging masunurin daw ito sa asawang babae.

  • Bago nman makarating sa reception merong sasalubong sa bagong kasal na mag asawa dapat ay yung kasal din sa simbahan para subuan sila ng matatamis na pagkain like cake o asukal. Para sweet daw at matatag pag sasama ng magaswa.

Bagong Panganak

  • Kapag bago kang panganak ay bawal kang maligo siguro mga two weeks ka bago maligo dahil daw mabibinat ang isang ina kapag naligo agad. May tendency kasi na mabinat or mabaliw ang isang bagong panganak dahil sa pwersa na ibinigay niya habang siya ay nanganganak. Kilangan niya muna ng mahabang pahinga. At pahilumin yung sugat pero pwd din nman ang punas punas nalang.

  • Kapag naman pwd ng maligo ang isang nanay na bagong panganak kailangan niyang maligo na may mga dahon dahon na pangontra sa binat.

  • Sa unang dalaw ng mga tao sa sanggol or unang pasyal ng bata sa ibang bahay kilangan daw may pakimkim dito or may magpaipit ng pera sa bata. Para daw pag laki ng bata ay hindi ito mahirapan maghanap-buhay.

First day of school

  • Sa unang araw ng pagpasok ng bata sa skwelahan lalo na kapag firstime niya ay kilangan ang bata ay habang kumakain siya merong nakasindi ng kandila. Para daw makita ng bata ang mga letra ng maayos habang siya ay nag susulat sa school at maunawaan niya maigi ang lesson nila.

  • Bago nman maligo ang iyong anak kilangan meron itong mga bulaklak sa kanyang tubig kagaya ng sampaguita pampabango sa kniyang pinaliligo

  • Nangyari ito sa akin nong bata ako at naalala ko parin hanggang ngayon. Para daw matandaan mo ang mga letters ang ginawa ng mama ko kinopya niya sa papel yung mga leters yung alphabhet sa papel at sinonog niya ito at pinainom sa akin yung abo... Grabeng pamahiin diba pero nangyari po nagsuka ako ahaha pero effective po sa akin. Pero nasa bata nman siguro po yun kung mabilis tumanda ng letters matuto agad talaga.

Pamahiin kapag may Patay

  • Bawal magwalis kapag may patay dahil masama daw yun. Kaya buong linggo hanggat hindi pa naalis ang patay ay makalat talaga ang paligid.

  • Bawal daw magsuklay pag may patay, hindi ko din magets kong bakit.

  • Bawal pag samahin ang mga plato,pagpatungin ang mga upuan dahil sunod sunod din daw ang patay sa pamilya.

  • Bawal daw upuan yung upuan ng balo or (widow) lalo na kung ikaw ay may asawa na baka mabalo ka din agad.

  • Bawal magmano sa matatanda kapag may patay.

  • Bawal matuluan yung salamin yung kabaong ng patay ng luha hindi ko alam kung ano ibig sabihin non.

  • Kapag nman ikaw ay dumalaw sa kamaganak na may patay wag ka daw agad uuwi sa bahay niyo magpagpag ka muna sa ibang lugar dahil daw baka may kaluluwang nkasunod sayo kapag hindi ka nagpagpag.

  • Kapag nman ililibing na ang patay pag aalis ito sa bahay may babasagin monang babasagin sa loob ng bahay at wag ka ng lilingon sa bahay na yun.

  • Kapag nman nasa libingan na yung mga maliliit na bata or apo ng namatay ay pinatatawid sa kabaong ng patay para daw hindi ito gambalain ng patay.

Iilan lang ito sa mga pamahiin ng mga pilipino. Sobrang dami pa siguro sa next article ko nman po. Salamat sa inyong pagbabasa. Lahat nman ng pamahiin natin ay wala nman mawawal kung itoy susundin dahil wag lang masyadong malala na nakakasama na sa kalusogan.Ano man ang ating paniniwala ay ang diyos parin ang nakakaalam ng lahat sa kniya parin tayo maniwala.Sana may natutunan po kayo ngayon sa aking article.

Thank you sa aking sponsor ,kindly like 
And subcribe my article if you like it.
Let me know your reactions. If you have a
Pamahiin too le me know on the comment section.
Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Photos source: Unsplash

@ibelieveistorya

Date Published: September 18,2021

6
$ 0.05
$ 0.05 from @AmazingWorld

Comments

yung sa school hindi ko po alam may ganoon pala. Sa patay naman, ginawa naman namin yun halos lahat, basta daw nalihian yung patay. Nakakagulat andami talagang pamahiin ng pilipino

$ 0.00
3 years ago

Di naman masama Kung sumunod sa pamahiin at Di rin masama na hindi. Ang mga pangyayari sa buhay natin ay may dahilan at ang Iba ay nagka taong tugma sa pamahiin

$ 0.00
3 years ago