Pailaw sa Plaza

1 28

Magandang araw sainyong lahat, kumusta po kayo? Hindi po gaanong nkakapag online, nais ko lang ikwento po sainyo yung pamamasyal namin kagabi sa plaza.

Nabalitaan namin sa radyo na mag opening ng pailaw sa plaza 8pm tamang tama maganda ang panahon kahapon at linggo pa sakto maipapasyal namin ulit ang mga bata.

Umalis kami ng bahay mag kwarter to 6pm na naabotan pa nmin yung misa. Kaya nagsimba muna kami. Medyo konti palamg ang tao niyan kasi yung iba nasa plaza na. Pagkatapos ng misa ay naglakad lakad din kami ng kapatid ko at madaming magagandang pasabit sa barangay San Juan Tabaco City katabi lang ng simbahan kaya pnictureran kona din.

Naisipan namin na kumain muna kahit yung mga tusok tusok kasi sobrang haba pa ng oras 8pm daw yung pailaw at fireworks. Madami ng ngaantay sa plaza kaso nagugutom kami. Kaya nghanap kami ng mkakainan. Kasama ang mga bata enjoy naman sila na naglalakad.

Nakkagutom kasi mag antay diba hehehe

Yung 100pesos ko naubos talaga sa kwekwek,kikiam,dugo,isaw tapos tubig hehe para kaming isang linggo hindi kumain. Si mama tuwang tuwa sa pagkain kaso maya2x sumakit daw batok niya pno napadami ata siya non siomai.

Mabuti nalang at may napwestohan kami at pinaupo ko kaagad sila mama at ako na lang yung bumili. Sa sobramg dami ng tao hindi na inisip ung covid siksikan na talaga.

Pag katapos namin magpalipas oras mga higit isang oras din kami tumambay ay bumalik kami ulit sa plaza . Ayaw na sana dumeretso ng papa ko kasi napakakpal na ng tao. Pero si mama at kapatid kong lalaki pinilit namin kasi andon na din nman eh. Mabuti nlang nakakuha kami ng pwesto na malapit sa plaza.

Grabing tao talaga,paramg may concert at nakakamis din talaga yung ganito. Nagantay kami may program pa kasi may mga kumanta pang mga bata may mga guest speaker pa tapos sympre magsasalita pa si mayor namin kasi siya ang magsstart ng pailaw. Siguro mag 9pm na nag simula yung pailaw at sobrang ngalay na kami pati mga bata nababagot na din.

May video sana ng fireworks ang ganda yung mga bta ay tuwang tuwa pati matatanda eh kaso dko alam pano iupload dito hehe. Hindi ko rin naisipan kuhanan yung fireworks habang nakavideo namangha na kasi ako eh hehehe. Kaya pasenxa na kayo kung wala akong mipakitang fireworks. Nasa video po kasi.

Ang saya lang kagabi kahit na nkakapagod nakakangalay, worth it naman talaga. Sayang nga lang wala si mahal ko mas masaya siguro kung kasma ko siya hehe.

Nextime nalang siguro, hindi na nmin mapicture ran yung mga Christmas decor ng plaza siguro nextime kasi uwing uwi na kami hehhe

Thank you so much guys for reading...

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Thank you always to my very supportive sponsors. Advance merry Christmas to all of you!!!

December 6,2021
@ibelieveistorya

4
$ 0.03
$ 0.03 from @BreadChamp

Comments

Ayyyy makikita ko talagang masaya ang gabi niyo nako sino hindi maging masayan diyan ahhhhh how i wish i could visit that place too if only i live there. Nice sharing friend i love it! The decorations are cool. We see Christmas is already knocking

$ 0.00
2 years ago