Paalam tiya

1 15

Kumusta po kayo readers!!!

Pasensya na kung ngayon lang ulit nakapagsulat sobrang busy at madaming nangyari simula nong paka new year.

January 2 nakatanggap ako ng tawag galing sa bestfriend ko na ang kaniyang ina na inaalagaan ay pumanaw na sa edad na 70years old. Sobrang nagdalamhati ang buong pamilya at isa din ako sa nalungkot kasi kahit papano ay napalapit din ako sa mama ng bes ko. Nong nabubuhay pa kasi yun sobrang bait niya sa akin kahit yung papa ng best friend ko lagi lang silang nakangiti. At nakikipag kwentohan sa akin ang bait ng mama ng bes ko kaya nalungkot din ako nong malaman ko.

Sobrang naawa ako sa bestfrien ko nong time na yun kasi 1year palang din na kakamatay ng kanyang papa halos hindi pa isang buwan ay ito pumanaw na ang kaniyang ina. Ulilang lubos na sila hindi ko alam noon kong ano gagawin ko para gumaan ang kaniyang nararamdaman hindi ko agad siya nadamayan non kasi malayo ang bahay ko sa bahay niya and may mga inaasikaso din ako. Ginagawa ko ay lagi ko lang siyang tinetex kahit na hindi siya magreply dahil alam ko nman na talagng busy sya.

Sa bestfriend ko kasi inasa yung lahat ng aasikasohin sa burol lalo na yung sa funeraria. Ang nakakalungkot kasi 3k lang ang nadown nila sa kabaong may 14k pa silang balance dahil 17k yung kabaong. Mabuti nalang at meron pa akong naitabi sa aking coinsph yung kinita ko sa noise senend ko sa bes ko sa coins niya and yung mama ko din gumawa ng paraan para makatulong kahit papaano may kilalang pulitika kasi ang mama ko pero hindi naman gaano kalaki yung tinulong. Kulang na kulang pa pero pasalamat na din kami kasi nagabot sila. Yung pangaraw araw pa kasing gastosin. Bayad din sa simbahan at sa cementeryo yun pa ang problema.

Pero mabuti nalang at mabuti ang diyos at siguro ginabayan din ang bes ko ng mama niya na wag siyang pahirapan. Kaya bago mag last night ay nabayaran niya na lahat,kahit na walang wala talag noon ang pamilya nila talagang bilib din ako sa tatag ng loob at diskarte ng bestfriend ko. Kahit sa papa niya siya lahat ang nagasikaso.

Yan si bes bago ilibing mama niya ay kumanta muna yan hehe pampatangal lungkot nila habang inaantay namin yung funeraria para kunin at maihatid namin sa huling hantongan ang mama niya. Sobrang tibay ng loob siguro kong ako yan hindi na ako iimik sa isang tabi at iiyak ng iiyak nalang.

Nong papunta kaming simbahan ayaw niyang sumakay don mismo sa may sakayan ng mama niya ksi maririnig niya yung mga kanta na nakakaiyak lalo na yung kay gary v. Hehe sabi niya hindi daw siya iiyak kaya papunta namin ay ayos pa siya panay kwento pa.

Yan po nalibing na ang mama ni bes sobra yung iyak niya nong time na papunta na kming cemetery yung dko alam pano siya patatahanin. Ginawa ko niyakap ko nalang siya hinayaang umiyak alam ko kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay. Kaya talagng dinamayan ko kaibigan ko sa oras na yun.

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

To all my sponsors thank you so much for always been there for me kahit na lulubog lilitaw pa ako ngayon. Sana hindi kayo magsawa salamat po.

Sana kung asan man ang mama ng bes ko ay sana maging masaya na ito kasama ang kaniyang asawa at mga anak na pumanaw na din. Sana matahimik na din ang kaluluwa ng mama ng bes ko. Sabi daw kasi nagpaparamdam daw agad ito pakalibing.

Date published

January 11,2022

My first article now in 2022

@ibelieveistorya

2
$ 0.01
$ 0.01 from @LuaDesamor

Comments

Lahat tayo ay babalik sa gumawa sa atin. Manatili ka lang po sa tabi ng iyong kaibigan bilang suporta kasi doon niya lang mararamdaman ang lungkot pag siya nalang mag.isa. Pakatatag kamo siya. God bless po.

$ 0.00
2 years ago