November 1st

13 32
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

What's the difference between all saints day and all souls day..?

Sa Pilipinas November 1 nag cecelebrate ng araw ng mga patay..pero all saints day daw po yun.. Pero ang totoo pala ay november 2 which is all souls day. Nakasanayan na din siguro ng mga pinoy na ganun na ang petsa kaya hanggang ngayon yun parin ang paniniwala ng karamihan.

Naalala ko nong bata ako kapag dumadalaw kami sa cementeryo ay excited kami kasi pakiramdam ko noon ay ang mga namayapa kong kamag anak ay doon nakatira at dadalawin namin. Minsan kasi kinakausap pa sila nila mama kinakamusta kaya sabi ko para na din kaming namamasyal kapag november 1. Tapos naghahanda rin ng pagkain ang mga tito ko, umaga palang ay nakapagluto na sila ng mga kakanin like biko, suman para dadalhin sa cementeryo. Tapos kami naman na mgpipinsam ay excited at naalala ko noon yung crepe paper kasi hindi nmin afford bumili bulaklak yung totoong bulaklak ay yun ang ginagawa naming flowers para sa mga lolo at lola, at ang gganda nila tingnan ibat ibang kulay, puti,pink,yellow,violet.. excited kami pumunta sa cementeryo. Binibihisan din kami ng magandang damit ng mma ko nka dress at sapatos para daw pag nakita kami ng mga lolo at lola ay matuwa sila...

Pag dating ng 3pm ay pupunta na kmi cementeryo nilalakad lang namin ksi malapit lang nman sa amin. Tapos ang dami ding tao na nagllkad lalo na pagdating cementeryo ang daming tao siksikan sa gate.. tapos tuwang tuwa kami kasi hindi nman nakktakot kasi madaming tao at madami ding ilaw.. pagdating ng ibang kamag anak namin doon na kami kakain at maglalaro kami ng mga kapatid ko ng kandila... Bibilogin nmin ito palakihan ng pagawa ng kandila heheh at paguwi namin daladala ko yun at kung minsan ay project sa school binibigay namin sa teacher nmin.. sabi daw tinutunaw ulit gngwang kandila.. minsan naman gingawang pampadulas sa sahig namin sa school noon.

Pero ngayon simula nong nagpandemic yung mga panibagong henerasyon ngayon ay hindi n nila naranasan yung gantong mga araw.. napakaswerte natin noon na naranasan ang mga yun.. kasi may memory tayong naalala at maiikwkwento sa kanila..

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Hello guys..thank you so much for always supporting and inspiring me to write more..god bless..

Final thoughts

Sa wakas nakapagsulat din agad guys, kahit medyo natamad hindi ko lang pinalagpas na hindi makapagsulat ngayong november 1.

Kayo ano ang mga nakasanayan niyo noon na namimis niyong gawin ngyon..at ano ang paniniwala niyo sa all saints day at all souls day..share niyo nman po sa comment sa ibaba salamat..

Happy halloween sainyo..

Salamat sa pagbabasa..

Date Published

November 1,2021

@ibelieveistorya

7
$ 0.06
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.03 from @BCH_LOVER
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Comments

Nakakamis nga talaga sis....sana nga bumalik na ulit sa normal para madalaw na ulit natin yong mga mahal natin sa buhay yong tulad ng dati...yong para tayong magpipicnic sa loob ng sementeryo kasi may dala dalang pagkain.hehehe

$ 0.00
2 years ago

Nakakalungkot lang isipin, hindi nah natin magagawa Ang mga bagay2x sah panahon ngayon, nakakamiss Ang dati nah sama2x pumunta dun sah cemetery.

$ 0.00
2 years ago

Ganyan din kami sis, nov 1 ang punta namin sa sementeryo tapos ang saya nun kasi madami kami sama-sama pumunta doon.

$ 0.00
2 years ago

Oo sis hehe nkakamis din pala no hehe

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis, ngayon ang tahimik. Wala nga kaming ganap ngayon

$ 0.00
2 years ago

Alam ko super inspired ka kaya nakapagsulat ka ngayon hehehe, wala ako maishare sissy kc wala kaming Halloween

$ 0.00
2 years ago

Ok lang yan sis hehe..

$ 0.00
2 years ago

Ngayon kakaunti na Ang dumadalaw yong iba maaga pa pumunta na , dati excited din kame pumunta .

$ 0.00
2 years ago

Oo nga po eh iba na noon sa ngayon hehe

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga

$ 0.00
2 years ago

Ganun na tlaga nka gawian ng mga pinoy. Akala ko nga nung una, dalawang araw ang araw ng mga patay pro hindi pala kc all saints day pala ang nov.1 tapos nov.2 ang all souls day...

$ 0.00
2 years ago

Oo akala ko din noon kya sa school mahaba haba bakasyon hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahaha blessing na un bilang isang studynte.

$ 0.00
2 years ago