My worst experience in life

8 20

Simula pagkabata ay panginoon ang nasa gitna ng aming pamilya. Simula pagkabata makadiyos at palasimba ang pamilya ko. Simula pagkabata natuto akong mamulat sa realidad ng buhay. Mabait, masunurin, makulit na bata ako noon. Walang araw na hindi ako masaya nakikipaglaro sa mga kaibigan at pinsan sa labas ng bahay namin. Tagutaguan, tumbang preso, international,baseball,at madami pang iba. Isa din ako sa achiever sa school pinagmamalaki ng aking magulang. Ayoko man ibahagi sainyo itong mapait na karanasan ng aking buhay ay ito susubukan kong mailabas lahat. Sabi nga hanggat hindi mo naikkwento ay hindi ka mkakawala sa madilim na nakaraan mo.

8 years old ako nag simula ang lahat, matapos masalanta kami ng bagyo noon hindi kona matandaan kong anong bagyo yun. Lumipat kami sa bahay ng papa ko sa parte ng pamilya ng papa ko. Andon mga tito,tita at lolo ko nakatira. Sa una ang saya nmin kasi madami kami sa loob ng bahay. Ang mga magulang ko kasi ang negosyo nila noon ay pagtitinda ng isda sa palengke bata palang kmi noon kahit papano ay hindi ko naranasan ang hirap sa buhay kasi masipag ang mga magulang ko. Lahat ng gustohin nmin naibibigay nila masagana pa ang pagtitinda ng isda noon ng magulang ko. Sabay sila laging nagtitinda ng papa ko kya naiiwan kami sa bahay ng lolo ko. Tatlo kaming magkakapatid and dalawa kaming babae isang lalaki. Ako ang panganay, isang araw iniwan kami ng mama ko sa lolo ko. Nilalaro niya kami lagi niya kming binibigyan ng masasarap na pagkain. Yung pangalawang kapatid ko siguro 6yearsold palang ay binibilhan niya ng candy at yung bunso laruan pinapalaro niya sa labas ng bahay. Tinawag niya ako sa kwarto niya bunutan ko daw siya ng uban sa ulo kasi madami na daw siyang puting buhok. Dahil sa bata susunod ayaw niyang nkahiga siya ang gusto niya nakaupo siya at ako nkaluhod sa likodan niya. Habang binubunutan ko siya ng uban nararamdaman kong pinapasok niya ang kanyang kamay sa panty ko. Kahit bata pa ako noon alam kong mali yun naparay ako sabi ko wag po lo. Pero hindi siya nakinig patuloy niyang ginawa hanggang sa umiiyak na ako don siya tumigil. Sabi niya wag n wag daw akong magsusumbong. Sa takot ko hindi nga ako nag sumbong pero simula noon nahalata nila mama na tahimik ako hindi na masayahin at palakaibigan.

Makalipas ang isang buwan umuwi kami sa bahay namin naayos na ito. Nakahinga ako ng maluwag kasi nkalayo ako sa demonyong akala ko anghel noon. Dumating nanaman ang panibagong oagsubok sa akin. Nagsiuwian mga pinsan ko galing isla may mga malalaki ng pinsan may mga kaedad ko din. Pero mas marami talaga na pinsan ko ay lalaki. May isang pinsan akong lalaki na panay ang tingin sa akin tinatawag niya ako ganun din na edad ko 8 years old halos hindi ko pa nga nkakalimutan ung nangyari sa lolo ko nong nangyari sa pinsan ko. Yung pinsan ko mahilig magitara ang edad nya siguro basa 20plus na siya. Pinapaupo niya ako sa hita niya kunwari tuturuan ako ng gitara. Sympre bata ay natutuwa ako and mahilig din ako kc sa music na noon. Hindi ko alam sa simpleng pagupo ko sa hita ng pinsan ko eh may gingawa na pala siya. Kunwari masikip daw sinturon niya aayosin niya tapos ilalabas niyo yung kanya sa sobrang gulat ko tumakbo ako. Pero hindi pa siya nadala noon, nanood kami ng tv sa sala nong time na yun kami lang dalawa kasi nasa kusina sila mama malaki din kasi bahay noon ng lola ko nakikinood kami ng tv. Tinawag niya ako nakahiga siya sa mahabang upoan. Sabi niya hawakan ko daw yung kanyang ano at bibilhan niya daw ako ng magandang damit. Sobrang takot ko at nanginginig ako ng time na yun sabi niya sige na at bibilhan kita bukas. Dahil sa matanda siya sa akin at nakikita kong grabe yung lisik ng mata niya sa akin and ang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay ko ginawa ko nalang. Hinawakan ko yung kanya halos bumaliktad ang sikmura ko non mahawakan ko. Pero hindi ko ginagalaw kamay ko siya ang kusang nagpapagalaw nito. Buti nalang dumating isa ko pang pinsan kaya naputol yun. Halos gabi gabi ako umiiyak noon hindi alam ng magulang ko hanggang ngayon. Pero dahil sa hindi pa talaga natitigil yung pinsan ko ay naulit pa yun isang araw naglalaro kaming tagutaguan ng mga kalaro ko. Dati uso yung umaabot ng gabi naglalaro pa sa labas ng bahay mga bata. Hinila niya ako sa madilim akala ko magtatago din kami. Pero mali ako pumunta kami sa isang lugar na wala ng tao walang makakita sa amin. Sumabay ako sa lajad niya kasi halos patakbo na ang aming lakad. Ng makarating kmi sa skwelahan ng aming barangay ay doon niya sinubukan gawin hinubad niya ang kanyang short, hinubaran niya din ako at halos pinipilit niya ng ipasok yung kanya sa akin pero sobrang umiyak ako at pinigilan ko siya sabi ko isusumbong na kita kila mama. Nagalit siya lalo niyang pinilit halos akala ko ay maipapasok niya yung kanya buti nalang nakagat ko yung kamay niya at nkababa ako sakanya at nakatakbo. Tapos hinabol niya ako sinabayan sa paglalakad habang umiiyak sinusuyi niya ako na wag n wag akong magsusumbong pero buo na talga ang desisyon ko ng time na yun magsumbong sa magulang ko. Kaso pagdating sa bahay galit na galit ang papa ko halos isang oras na pala akong nawawala kaya imbis na makapag sumbong napalo pa ako ng papa ko. Binuhos ko lahat ng iyak habang pinapalo ng papa ko. Dahil napakalayas ko daw na bata ka babae kong tao ay kung saan saan ako pumupunta. Imbis na magsumbong hindi ko na nagawa. Yun na ang huling araw ng mga pinsan ko at bumalik na sila sa isla kinabukasan.

Hanggang sa ngayon kapag nakikita ko pinsan ko na yun kapag dumadalaw dito sa amin ay naalala ko yung nangyari kaso hindi ako nagsumbong ayokong magkagulo ang pamilya namin. Kaya kinimkim ko hanggang sa ako ay magdalaga.

Pakalipas ng ilang taon grade 6 ako noon bigla akong nagkasakit ng trankaso sila mama ganun pa din negosyo nila pagtitinda ng isda. Pinabantayan uli kami isang araw sa lolo ko, akala ko dahil sa matanda na siya ay hindi niya na gagawin yun. Dahil sa may lagnat ako noon ang kanyang ginalaw ay yung pangalawa kong kapatid na grade3 palang ata noon. Pero tumagal pa ng isang linngo bago namin nalaman kasi biglang nilagnat din ang kapatid ko at sinasabi niya na masakit daw ang kanyang maselang bahagi kaya si mama ay naghinala na. Pinilit niyang magsabi ng totoo ang kapatid ko hanggang sa sinabi nga niya na yung lolo namin. Sobra yung galit ng mama ko halos basagin niya lahat ng gamit namin galit na galit siya. Hanggang sa tinanong niya din ako kung ginalaw din ako umiyak nalang ako ng umiyak ng time na yun. Kwnento ko na nong 8years old pa po ako unang nangyari, nong araw na yun tumawag ang mama ko sa lola ko na may kilalang abogado at pulis. Nong araw na yun ay dala dala kami ng mama ko sa "Bulwagan ng Katarungan" para sa statement ng araw na yun ang lolo ko pala ay tatakas na buti nalang mabibilis yung mga pulis nahuli siya banda nakasakay na ng bus. Papuntang manila nahuli agad siya nakulong ang lolo ko. Kahit na nakulong siya andon prin ang sakit sa aming magkapatid. Dahil sa kahihiyan ang papa ko ay nilayasan kami iniwan kaming magiina, dahil hindi niya matangap na ang sarili niyang ama ang gagawa nong sa anak niya at hindi niya kayang harapin mga kapatid ng mama ko. Sa murang edad ko natuto akong magtinda ng mga tinda ng mama ko sa school kahit piso piso ay tinutulungan ko siya😭😭 makatulong lang ako habang akoy nag aaral. May time noon na gusto ko ng tumigil mag trabhao nalang pero ayaw ng mama ko. Tinaguyod niya kaming magkakapatid. Makalipas ang isang taon hindi rin nakatiis ang papa ko umuwi din siya. Pero nong bata ako ang alam ko noon nagtrabho lang sa malayo si papa hindi nman ksi sinabi ng mama ko na iniwan kami ng papa ko. Kaya nong bumalik ang papa ko sobrang namis din namin siya.

Makapipas ang ilang taon inurong ng mama ko yung kaso sa lolo ko nangako sila na pagaaralin kami hangang college yung pamilya ng papa ko. Dahil sa pagmamahal ng mama ko sa papa ko pumayag siya alang alang sa samahan ng pamilya. Dahil non time na yun masama ang tingin sa amin na magkapatid sa side ng papa ko. Gawa gawa lang daw ng kapatid ko at ako tung kwento na yun para daw magkapera. Sobrang nalungkot mama ko halos nagkkasakit siya ng time n yun. Bumgsak negosyo nila nagkanda utang utang. Hnggang sa binenta bahay namin at lupa.. Namasukan akong katulong ng akoy makatapos sa high school. Kahit malaki na ako dala dala ko parin yung alaalang yun. Halos may madikit lang sa akin na lalaki ay sobra ang malisya ko kahit hawak lang ay naiilang at ayokong makipag close sa mga lalaki noon.

Hanggang sa lumaki ako dala dala ko ang alaalang yun hanggang ngayon. Naalala ko nong high school ako binansagan ako ng mga kaklase kung miss taray dahil hindi ako naimik at tinatarayan ko talaga mga lalaking nalapit sa akin. Kahit papa ko mga tito at pinsang lalaki ay nabibigyan ko ng malisya kapag lumalapit sa akin. Sa edad kung yun alam ko na ang sex dahil sa nangyari sa akin. Hanggang sa nagkaroon ako ng nobyo at naging asawa ko. Kapag may nangyayari sa amin ay hindi ko nasasatisfied dahil iba hinahanap ng katawan ko at naalala ko mga nangyayari sa akin. Halos hindi ako kumikilos kaya alam kong hindi rin siya nasisiyahan kung pwd ko lang ikwento lahat sa kanya para malaman niya. Pero kahit ikwento ko hindi rin niya ako maiintndhan. Isang tao lang ang napagkwentohan ko nito yung best friend ko dahil sa kanya naopen ko yun medyo naginhawaan ako.

Sa mga magulang jan may kapatid na babae,may anak na babae sainyo ay sana bantayan niyong maigi dahil hindi natin alam kong ano ang mangyayari wag masyadong itiwala sa iba ang inyong mga anak kahit pa kamag anak niyo ito. Gaya ng nagyari sa akin at ng kapatid ko buong buhay namin dadalhin ito at sobrang nakaktakot lalo na kung ikaw ay bata lang. Sana may napulotan kayong aral sa aking kwento. Maraming salamat po.

Date Published: September 16,2021

For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you

3
$ 0.05
$ 0.05 from @dLifeWanderer

Comments

Bilang isang Social worker, marami na akong naririnig na mga ganitong kwento, pero meron parin ung inis at galit sa mga taong nakakagawa ng ganyan..,

Masmaganda po mam kung sabihin mo po sa asawa mo ung nangyari, hindi man nya gaanong maiintindihan, pero madadamayan ka nya at mauunawaan nya ang pinanggagalingan mo po..., mahirap man, pero kailangan... Balik lang po kung paano kayo pinalaki (kilala ang Panginoon), sana hindi natin nakakalimutan ang Panginoon, para magaanan po pakiramdam nyo at sya din makakatulong sa inyo, mag let go sa past.., Fighting po mam..

(Suggestion lang po, pero naiintindihan ko naman po na hindi madaling isulat ito, pero pacheck nlang po sana ibang spellings, para tamang words ang nababasa 😁✌.. salamat po)

$ 0.01
2 years ago

Hahahha sorry about that mam sa wrong spelling sobrang hirap n po kasi basahin pa ulit kya dko na nadedit po.. pero thanks sa pag remind. Yes mam siguro kapag may time na mkapag usap kami po and one time kasi pinasakalyihan kona siya about don parang wala man lang reaksyon sa kanya, kaya hindi kona inulit po. Salamat sa advice po thank you din sa pagbasa at napansin niyo yung wrong spelling ko hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Pasensya na po.., hehehe.., tsaka tagalog, mahirap din naman.., kaya ok lang po un..,

Ano mam, pwde ka po mag-ask ng advice sa social worker po jan sa inyo.., may mga inooffer po na marriage counseling, para ma-assist po kayo.., 😊

$ 0.00
2 years ago

Hehhee ok lang po mam tinagalog ko na lang po para mas maisulat ko ng maayos hehe... Hindi ako mahirapan.

Siguro po mam kaso ayoko ng ganun siguro sis heheh siguro tama na na ako lang may alam kapag nagkataon mauungkat ulit...

$ 0.00
2 years ago

Your decision po mam, kung ano po mas prefer nyo.., paki-alamera lang din talaga ako 🤣😅

$ 0.00
2 years ago

Hahahhaa ok lang po sis.. ganda nga ng suggestion niyo matigas lng tlga ulo ko hahahha...

$ 0.00
2 years ago

Habang binabasa ko po ang kwento mo sis.Galit yong nararamdaman ko doon sa taong gumawa sayo.Hindi man po kita kilala ng personal.Feeling ko kasi pareho kayo ng kwento ng isa din na malapit sa akin.Kung paano siya pinagsamantalahan ng walang kalaban-laban dahil sa murang edad pa lamang...Ang mga katulad nila kung hindi man sila naparusahan ng batas.Tiyak ko po na may parusa sila sa itaas.Ang kailangan mo lang po sigurong gawin para makalimutan ang mga nangyari sa buhay mo at mawala ang mga hinanakit mo ay kailangan mong magpatawad..Hindi dahil para sa kanila kundi para makalaya ka na sa masalimuot mong naging karanasan.Godbless u po.

$ 0.00
2 years ago

Tama po kayo jan bahala na ang diyos sa kanila kahit ganun pa man ang nagyari sa akin pinagpasalamat ko parin na hindi ako napariwara at hindi ako naghigante or nagkimkim ng sama ng loob sa magulang at don sa taong gumawa sa akin noon. Kung tutuusin pwd kung siraan sila ngayon kaso inisip at mas pinili ko ang tahimik na buhay. May ganun sigurong tao na gagawa ng masama sa kapwa lalo na sa mga batang walang muwang. Darating din ang karma sa kanila..diyos na po ang bhala.. maraming salamat po saiyong comment. Godbless you too.

$ 0.01
2 years ago