Sa mga panahon na sakuna tulad ng bagyo, sunog,lindol at iba pa na gawa ng kalikasan ay hindi masasabi kong ano ang una mong isasalba, kung gamit ba or yung mga mahal mo sa buhay...
Isang pangyayari sa aking buhay ang hindi ko malilimutan na sobrang nagpanginig ng buo kong katawan. Isang pangyayari na hindi mo alam kung makaliligtas ka pa ba kayo ng mga anak mo. Dito nasubok ang aking pananampalataya sa diyos ang aking katatagan bilang isang ina.
Dec 14,2018
Ginising ako ng isang kalabog sa buong kabahayan at sigawan ng may sunog! Sunog! Malapit na sa atin. Ang lugar kasi namin noon sa Mandaluyong ay nasa squatters area at alam naman nati kapag squatters ay tabi-tabi ang mga bahay halos eskinita nalang ang pagitan ng daanan yung makadaan nalang ang dalawang tao.
Siguro mga 7am am palang noon mga time na sobrang antok pako halos hindi pa pumapasok sa isipan ko yung nangyayari sa labas. Maswerte nalang talaga na day-off ng asawa ko noon at gising na siya dali-dali niya akong ginising at ang mga bata na tulog na tulog pa.. sabi niya may sunog at sobrang lapit lang sa amin apat na bahay nalang ay sa amin na. Buong katawan ko ay nanginginig nong malaman ko, wala na kming time magusap kong ano sinasabi niya sa akin ginagawa ko nalang. Sabi niya yung mga importante na gamit like,mga papeles,pera,gamit ng mga bata at uniform niya ang isalba namin. Mabibili naman daw ulit ang ibang gamit na yan. Dala-dala na ng asawa ko palabas yung panganay namin at ibang gamit. Tapos sabi ko diyos ko saan ko nman ilalagay mga gamit e wala kaming malaking bag or sako bag na para ilagay mga gamit namin. Naisip ko yung kumot nalang litong lito ako pero lahat nman ng.importante ay nkuha ko. Ilang damit ko at underware lang nakuha ko at mga gamit ng mga bata.
Yung kambal ay tulog pa nasa 4years old panganay,2years old ang kambal. Hinagis ko pababa yung kumot na may mga gamit at sinunod kung buhatin ang kambal. Halos nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Biglang naisip ko sila mama sa bicol kung alam lang nila ang nangyayari ngayon sa akin. Pero kilangan kong magpakatatag ,at makalabas sa bahay na yun. Amoy na amoy ko na ang usok at yung amoy ng cable wire na nasusunog, nawalan na din ng kuryente. Nong papalabas na kami sabi ko ang tagal nman bumalik ng asawa ko tagal niya kami balikan pano gagawin ko dko mabitbit mga gamit dahil karga ko kambal. Yung mga kapatid niya ay may kanya kanya ding nilalabas na gamit. May isang lalaki na pilit kinukuha yung isa kung anak sa sobrang kalitohan ko binigay ko kaysa sa sabay sabay kaming mamatay don. Papalabas na kami may biglang flywood na humarang sa daraanan namin. Buti nakabalik asawa ko at natulungan kaming makalabas. Paglabas ko grabe na tao sa labas hinnap ko kaagad mga anak ko. Nakapaa lang ako non pero hindi ko ininda. Mga anak ko ay walang muwang sa nangyayari. Nakita ko din nman agad yung mga bata at niyakap ko kaagad sila.
Nong time na yun tinatanaw namin sa malayo ang nagyayaring sunog sa lugar namin. At doon na ako nagtanong kung saan nagmula ang sunog. At hindi ako makapaniwala na nagsimula ang sunog sa bahay ng lola ko. Halo halong emosyon naramdaman ko, gusto kong tumakbo para puntahan ang bahay ng lola ko. Kasi ang alam ko yung lolo ko umuwing bicol kaya si lola at ang pinsan ko lang ang nasa bahay. Hindi ko alam kong ligtas sila. Tapos pinakiusapan ko aswa ko kung pwding bantayan niya mga bata at titingnan ko sila lola. Kaso pinagbawalan nila ako kasi biglang mau sumabog yun siguro yung tangke ng mga bahay. Umiyak nalang ako kasi wala nman akong alam kong ligtas nga sila.
Wala na akong ngawa ng time na yun kundi panoorin ang sunog. Sobrang laki na at akala namin aabutin bahay namin. Buti nalang at may anghel talaga at may awa ang diyos kasi yung katabing bahay namin ay sementado bahay at may firewall kaya hindi nakadaan ang sunog at madami nading bombero ang nakapaligid kaya naagapan ito. Sabi ko hindi kami pinabayaan kasi may mga bata kapag nasunog bahay ng asawa ko ay san kami pupulutin sa evacuation center mas mahirap doon. At yung mga gamit na naipu dar namin mawawala,pero pumasok na sa isip ko na kong masunog bahay nila ay uuwi kami sa bicol uramismo..
Thank you so much my dearest sponsors for your generosity. God bless you always..please check their work also they're all awesome.
Thank you for reading....
Final thoughts
Sa mga ganitong sitwasyon, siguro masasabi ko wag pairalin ang taranta at takot. Maging kalmado ka lang siguro oo alam mong may sunog pero dapat wag kang mataranta talaga kasi kapag natalo ka nito ay wala na hindi na gagana ang isip mo. Salamat talaga at laging may diyos lagi niya akong nililigtas hindi niya kami pinabayaan.
At sa awa ng diyos ay ligtas kaming lahat, walang kaso ang gamit ang importante ang buhay ng iyong mga mahal sa buhay. Yun ang pinakaimportante na maisave mawala na ang lahat wag lang sila..
All of my photos are screenshot and own by me.
Date Published:
October 24,2021
Advantage din talaga sis kapag may firewall ang bahay.. Kaya dapat kasama palagi sa plano ang firewall