Good day guys!!
I hope you all doing well, did you ever tried to have a loan from a Lending company? If yes what is your purpose to loan?
Dahil sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na natin malaman kung papaano kikita ng pera. Sa hirap ng panahon kabi-kabilaan ang mga utang natin sa tao o sa mga lending company. Dahil sa hirap ng buhay isa ako sa umutang sa isang lending company dito sa amin, may work ako pero hindi parin sapat para sa tatlo kong anak ang aking kinikita. Umutang ako ng 5,000php para ipangdagdag sa gastusin sa bahay. Nang time na yun kasi ay sobrang gipit ako. Weekly ang bayaran sa 5k na yan 300 a week ang aking hinuhulugan meron na din naman na savings at insurance na kasama, maganda din naman ang mga benefits nila.
Lalo na sa life insurance maganda ang kanilang mga nakasaad sa kontrata at pinaliwanag sa amin lahat. Nagloan ako nong April 2021, matatapos siya ngayong September dahil 6months na kilangan mo ng mag renew ulit. Ayoko na sna umutang ulit dahil nahiraoan din ako sa paghulog kaya sabi ko itigil kona ang kaso sayang ng insurance kaya ang ginawa ng mama ko ay hati nalang daw kami. Bali pinadagdagan namin ng 1k ang niloan ko ngayon ay 6k pero dahil lending company nga hindi maiiwasan may kaltas dahil may porsyento sila lagi dahil doon sila kumikita.
Kanina nag halfday ako sa work dahil nag chat yung branch manager na ok na daw yung atm namin pwd na kami magwithdraw. Dali dali akong naligo dalawa kami ng hipag ko ang nagloan kya sabay kami pumunta doon. Pag dating namin sa opisina ay madami ng tao siguro mga 9:30am na kami nakarating tapos may pa seminar pa bago nila irelease yung mga atm. Around 10:30am na kmi nag ok yung atm namin may laman na daw. Umalis agad kami at pumunta sa malapit na banko. Sarado yung ibang banko na merong banchnet kaya no choice don kami nag wothdraw sa chinabank na hindi ko masyado familiar pero no choice kasi may pasok pako. Pagdating don tamang tama walang tao ako muna ang unang nagbalance. Nagtataka ako kasi 4856 ang laman ng atm ko sabi 6k ang nirelease sa akin na daoat 5600k plus something ang nasa atm. Dahil sa mahaba pila n sa labas winithdraw ko yung 4500.00 Ang problema naman yung balance ko nasa 200.15pesos nalang na dapat nasa 300 plus pa...
Sumunod na magwithdraw yung hipag ko sa kanya naman ay tama yung laman nag withdraw siya agad ang nkapagtataka naman ay kung bakit may balance pa siya na 800plus so don na kami nagtaka. Balik kami agad sa opisina napakainit pa naman at malayo ang opisina namin tirik na tirik araw lakad kami pabalik. Pagdating doon sinabi nmin na ganun nga ang nagyari. Dali naman nila tiningnan yung record, hanggang sa nalaman namin na yung account number ng hipag ko ay dapat account number ko so nagkapalit kami. Grabe diba na sakripisyo ng paguutang na yan. Tapos hindi man lang sila humingi ng dispensa sa nangyari kasi kasalanan nila siguro yung nag ecode ng mga atm nagkapalit.
Mabuti nalang at sa hipag ko nakapalitan ko dahil kung sa ibang tao wala na yun magbabayad ako na hindi ko nman nakuha.
Lesson learned: Kapag uutang mas mabuti pang sa tao nalang kasi kung ganyan may mga kaltas at pa atm sila ay nagkakaproblema din pala. Sayang talaga kung hindi ko nakuha yung pera kasi babayaran ko yun ng 6months. Kung pwede magsave ng money ay gawin natin para hindi na tayo mangutang. Magtipid at magtiis kung ano nalang ang anjan para hindi mamroblema sa utang.
My final thoughts: Thank you so much for my new sponsor so generous naman po nkakataba po ng puso makita sa notification ang ganun. Sobrang saya ko po. Maraming salamat sainyo..
Ito ang aking mababait na sponsor check niyo profile po nila at madami kayong matutunan
For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you.!
Date Published: September 22,2021
That's true.. hirap NG may binabayaran.. been there, but in my case di ko Naman pinakinabangan.. that time, tlgang sinuguro ko na hinde na ako magkakautang.. thank God at debt free ako for 4 years. I always God to provide what I need.. at tlgang binibigay nya ..