Hindi malilimutang karanasan

15 27
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Kumusta po kayo, dear readers and co-writers ko po dito? Sana nasa maayos kayong lahat. Ako ay ok din kaso kahapon hindi ko na talaga kinaya gumawa pa ng article dahil sobrang pagod din binisita kasi ako ng bestfriend ko kahapon. At kapag bumibisita yun ay kilangan nakahanda na ang lahat para pag dating niya eh magkwentohan nalang kami. Gabi palang iniisip kona yung mga pagkain na lulutuin ko para sa aming bonding. Tapos kinabukasan super aga talaga ako nagigising para mamalengke, buti nalang hindi naman maselan sa pagkain ko yung bestfriend ko, kahit ano naman kinakain niya hehhe..Anways nawawala na tayo sa topic.

Meron po ba kayong mga karanasan noon kabataan niyo na hanggang ngayon ay dala dala niyo at hindi ninyo malilimutan?

Ako kasi hanggat naalala ko or may tendency na nagpaalala sa sitwasyon na yun ay talagang automatic ko siyang naalala, mahirap man ikwento ito dahil ni minsan ay wala pa akong napagkwentohan nito noon kahit malapit kong kaibigan ay hindi ko din nakwento kahit sa magulang ko.

18 years old na ako noon ang trabho ko ay nasa manila pabalik balik ako sa bicol kapag magbabakasyon ako 1week to 2weeks lang ang aking bakasyon. Nong pabalik na akong maynila noon ay wala akong kasama na bumyahe, dati kasi yung kasama ko dati sa bahay na katulong ay nakakasama ko din kapag nauwi ako kaso nong time na yun ay hindi kami sabay ako lang yung nagbakasyon. Nong time na yun ay kaya ko na din bumyahe magisa kasi malaki na ako at iisa lang nman ang babaan terminal ng bus sa alabang or cubao. Kaya malakas loob ko noon at bumabyahe ako aalis ako dito ay yung pang last trip mga 5pm para pag dating sa manila ay umaga na hindi na nakakatakot umuwi sa pinagttrabahohan ko.. siguro 12hours ang byahe mula dito sa bicol papuntang manila.

Yun po pagaling dito sa bicol ang bus ay hindi pa puno, umupo ako sa dalawahan kasi ayoko ng may katabi nilagay ko yung bag ko banda sa may bintana para bwelo ako. Maganda na sana ang byahe ko panay headset lang ako noon kinig music ang cp ko kasi noon ay yung 1100 unit pa ata yun basta yung maliit hehe nakeypad. Tapos mga bandang 8:30pm ay huminto yung bus kala ko ay kakain sabi nong konductor ay pipick up lang daw na pasahero nasa terminal pala kami ng Naga. Sabi ko ok tuloy ako sa pagidlip at kinig ng music. Wala naman kasi akong ibang katx non kundi sila mama hindi ko na sila naupdate kasi pag sa byahe ay ayokong nagttex kasi nahihilo ako mahiluhin ako sa byahe lalo na kung ang bus ay mabagal umandar at pahinto hinto gusto ko sa bintana pwesto ko.

Nagstart na may sumakay na mga pasahero, bigalng may tumapik sa akin isang lalaki siguro mga nasa 30's na edad niya.

"Miss pwede tumabi sayo? Wala na kasing bakanteng upuan." Sabi nong lalaki.

Tumingin din ako sa paligid at puno na nga so no choice ako ay ilagay ko sa taas gamit ko at sumoksok doon sa may bandang bintana. Medyo nagkaroon ako ng ilang or takot dahil lalaki ang katabi ko. Pero tiningnan ko naman itsura niya mukha naman na mabait at ok naman itsura niya sa isip ko wala naman atang masamang gagawin ito. Umandar na ang bus, ilang talaga ako sakanya kasi yung balikat niya braso niya ay dumidikit din sa braso ko. Para akong nagkakaron na malisya na iwan. Tapos ginawa ko niyakap ko yung body bag ko at sumiksik nalang sa bintana yung parang akala mo ay antok na antok ganun ginawa ko. Pag andar ng bus sabay patay ng ilaw sabi ko makakatulog na siguro ako dahil patay na ang ilaw..

Siguro mga 30minutes na akong nakaidlip bigla akong nagising kasi parang may nakatitig sa akin at ayon nga may katabi pala ako kaya umayos ako ng upo kasi kapag natulog ako wala na akong paki sa sarili ko feeling nasa bahay. Tapos umayos ako ng upo maya maya nararamdaman ko yung kamay ng lalaki na sinisiksik niya sa may bandang bewang ko. Napatingin ako bigla sa kanya, biglang sabi niya "shhhh miss wag ka maingay, kundi itutusok ko ito sayong dala ko..." Sabi ng lalaki na kita ko sa mata niya na desidido talaga siyang gawin.

Hinayaan ko siya sa ginagawa niya biglang dumikit siya lalo sa akin at rinig na rinig ko yung hininga niya banda sa aking tenga nagstart na gumalaw kamay banda sa may aking dibdib na pinipigilan ko. Dahil ayokong mahawakan niya yun, sobra na yung takot ko dahil naisip ko mauulit nanaman ba yung nangyari sa akin noong bata ako.. yung mga taong nambastos sa akin. Siguro sobrang mahina ako para gawin nila ito sa.akin.. gusttong gusto ko ng sumigaw kaso hindi ko magawa dahil baka tutuhanan ng lalaki yung banta niya. Icepek siguro yung dala niya kasi hindi naman kutsilyo basta matulis din.

Tapos nong mahawakan niya yung dibdib ko lalo siyang naulol halos pabulong na lang siya kong magsalita. Tapos binuksan niya yung zipper ng kanyang pantalon tinakpan niya ito ng kanyang bag. Pinakita niya saakin at gusto niyang ipahawak pero hindi ko hinawakan sobrang nandidiri ako at nasusuka sa mga oras na yun. Kung pwde lang sana na bumaba na kaso ang layo ko pa at sabi ko bakit ang tagal tumigil ng bus para kumain.. nagdadasal na lang ako noon sabi ko "diyos ko tulungan mo po ako, iligtas mo po ako sa lalaking ito."

Dahil sa hindi niya ako napilit hawakan yung kanya ay siya nalang gumawa. Grabe yung ungol niya ang sakit sa tenga ko para siyang baliw , sobrang manyak ng ginagawa niya. Nong hinahawakan niya yung dibdib ko halos wala nakong maramdaman kundi takot, dahil sa bata pa ako noon hindi ko maisip kong paano lumaban pinaubaya ko nalang ang mangyayari. Pero may diyos nga talaga, dahil non tatangkain niyang buksan yung pantalon ko at hawakan yung akin ay biglang bukas ng ilaw at stop over na at kitang kita ko sa mata nong lalaki sobrang init na nararamdaman niya biglang inayos niya sarili niya at biglang tayo din ako at baba.

Punta agad ako sa cr at don ako umiyak ng umiyak parang ayoko ng bumalik ng bus, nong mahimasmahan ako at nakalimutan ko ng kumain naisip ko anong oras na bka bigla akong maiwanan ay sumagi sa isip ko na isumbong siya sa driver ng bus. Or kahit sinong pwding pagsumbongan. Kinausap ko ung driver nanginginig ako halos d ako makapagsalita ng time na yun sabi ko "Meron po akong katabi na na na... Hindi ko po masabi yung exact na ginawa niya sa akin.. kayansabi ng driver...

"Neng upo kana kasi aandar na ang bus para makarating agad tayo sa pupuntahan natin." Sabi ng driver oarang nainis sa akin kasi ang tagal ko mag salita.

Wala akong choice kundi bumalik sa upuan pero, wala pa yung lalaki tumingin ako sa may bandang likuran. Baka may space pa. Salamat sa diyos at may space banda sa likuran yung mahabang upuan doon sa likuran kuha ko gamit ko at dalidaling umupo doon. Andon yung driver ng bus sabi ko pwd po ba ako dito kuya kasi hindi po ako mapalagay doon sa upuan ko dito nalang po ako. Sabi naman ok sige maluwag pa naman ito. Kya sumiksik ako banda sa pinakadulo tapos nong nakita kong umakyat na yung lalaki ay kitang kita kong hinahanap niya ko. Ginawa ko tumago talaga ako sa ilalim. Nagbilang na yung driver ng pasahero kulang ng isa at biglang sabi ko andito po ako. Tapos buti hindi na nagtanong yung driver kung bakit ako andon. Nakita ko yung lalaki yung mukha niya na parang nagtatanong bakit don ako umupo.

Buti nalang at may space pa kaya buong magdamag buong byahe hindi ako nakatulog. Sobrang sakit ng katawan ko kasi bandang dulo ang pwesto ko. Pagdating kong terminal tenext ko kaagad sila mama na nasa manila na ako dahil alam kong magaalala sila. Tapos pinauna kong bumama yung lalaki tinatagoan ko siya dahil baka sundan niya ako at malaman san ako nakatira ay baka balik balikan ako.. Buti nman at hindi niya na ginawa yun natakot na din siguro dahil alam niyang may mga pulis na sa paligid .

Pagdating ko sa bahay, sobrang lantang gulay ako. Pero nakita ko yung mga gawain ko nkatambak grabe nman kako yung kasama ko sa bahay parang hindi nman nag linis at naglaba ng ilang araw inaantay pa ata ako.. Akala siguro nila eh sarap buhay ako sa byahe kaya pagdating ko paktapos magalmusal ay pinagpalengke agad ako ng tita ko kahit hilong hilo pako. Tapos ayon nagluto agad wala akong tulog talaga kaya sobrang hilo ako ng time na yun. Bandang tangahali na ako naka bawi ng tulog. Kinabukasan nilagnat ako, gawa siguro sa byahe at sa takot na din sa nangyari sa akin.. pero hindi ako nagsumbong at salita dahil kapag nalaman nila mma nangyari baka hindi na ako papuntahin ng manila at pagtrabahohin. Gusto ko tumulong sa kanila kaya kinalimutan ko ang nangyari.

Final thoughts:

Huwag tayo basta basta magtitiwala isang tao porket ok ang kasuotan nito or may itsura ito. Naging at ease din kasi ako dahil nagbase ako sa itsura na maayos naman siya ok nman wala naman sigurong gagawing masama. Mali pala ako dapat mas naging attentive ako para naunahan ko yung mangyayari. Lesson learned nadin siguro yun sa akin. Kaya simula noon hindi na ako bumabyahe ng magisa. Kung magbbyahe man ako magisa daytrip na ako ayoko na ng pangabi sobrang delikado lalo na magisa at babae ka.

Kinwento ko ito sainyo na nanginginig ang mga kamay hehhe hindi ko parin talaga makalimutan. Pero meron pa akong isang ibabahagi sainyo na karanasan ko noon nagaaral ako sa college sa manila. Next article kona siguro sobrang haba na kasi ito..

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you.

Thank you always sa mga mababait kung sponsors. God bless you always..

Thank you for reading....

Date published: October 23,2021

@ibelieveistorya

7
$ 0.22
$ 0.10 from @Labofmylife
$ 0.05 from @GarrethGrey07
$ 0.03 from @Zcharina22
+ 2
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Comments

Naku sis ako nakaranas naman pero ndi naman umabot sa ganyan, sinisiksik ako ng vendor buti tumigil ung bus at baba na sila, kaya after nung lagi na din akong may dalang matulis na bagay s bag ko

$ 0.00
2 years ago

Ganun b sis buti dka nasisita kapag papasok ka sa mall db chicheck sa bag hehe.. nakakatakot nga tlga pangyayaring yun

$ 0.00
2 years ago

Nakatago sis,minsan nasa bulsa ng bag

$ 0.00
2 years ago

Graveh naman yung taong yun, ang bastos naman niya. Hindi siya nahiya sa ginawa niya knowing na public place yan? Baka nga "high" yung tao na yun.

$ 0.00
2 years ago

Feeling ko nga sis nka drugs yun kya niya nagawa un

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis kasi ang lakas naman ng loob niyang gumawa ng katarantaduhan sa public place pa. Hindi na normal ang gumagawa nun.

$ 0.00
2 years ago

Grabe yang taong yan napakabastos tapos matapang siya ginawa niya in public..Buti po nakauwi po kayo ng ligtas.

$ 0.00
2 years ago

Opo dahil hindi ko nman hinayaan na bumalik pa sa upuan na yun at buti nga lugtas ako nakauwi

$ 0.00
2 years ago

Parang ako naman yong Nan lumo sa ginawa sayo ng manyakis na akyon Ang sarap sapakin noon grabe.na teuma ka nayan

$ 0.00
2 years ago

Oo nga sis eh mga panahon na yun tatanga tanga pa kasi ako.. sinamantala naman ng manyakis na yun

$ 0.00
2 years ago

Ok lng yon charge in experience

$ 0.00
2 years ago

Hayyy grabeh nmn sis, sa awa ng DIYOS sa bawat byahe ko hndi pa ako nakakaranas ng ganyan at syempre ayokong maranasan yan. Mabuti nlang at nailayo mo sarili mo sa taong un.. katakot

$ 0.00
2 years ago

Buti nman sis kung ganun kasi mahirap tlga nkakatakot ilang buwan ko ding kinimkim yun at na truma ako sa nangyari

$ 0.00
2 years ago

Hays..habang binabasa ko sis halo-halong emosyon yong naramdaman ko....Minsan talaga may mga bagay na nangyayari sa buhay pero may mga dahilan kung bakit nangyayari yon..Mabuti nalang at nakauwi ka ng ligtas...Masakit man isipin na nabastos ka nong lalaki siguro may karma naman sa mga ganyan...Ang gawin mo nalang siguro ay mag move on sa mga nangyari...

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sis un na nga ang kilangan kong gawin mag move on at kalimutan ung nangyari.. yung mga ganong tao talagang karma ang nararapat sa kanila..

$ 0.00
2 years ago