For the first time

11 29
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Ito na yata ang pinaka firstime na ayaw ko sanang gawin pero kilangan. Meron kasing medical mission sa amin at libre lahat, so kinausap ako ng mama ko kung gusto magpabunot ng ngipin kasi merong libreng bunot daw.

Kahit ayoko ay sabi ko nalang sige kasi libre nman eh at talagang napperswisyo na din ako kapag sumasakit ang ngipin ko hindi ka patutulogin sa gabi. Kahit nagdadalawang isip ay nilakasan ko nalang ang loob ko para matapos na din isang sakitan na lang heheh.

October 27,2021 1pm ang aking schedule kanina umalis ako ng tanghali para magpabunot ng ngipin sa una ay talagang malakas pa ang loob ko. Tapos sabi ko wala nman yan hindi ako matatakot sa pagpabunot baka kagat lang ng langgam.

Pagdating ko doon ang dami ng tao lahat sila naka pila na at nagaantay tawagin ang kanilang pangalan. Nagpalista agad ako at pang 11 ako sa bubunotan. Nag pabp din buti at normal naman ang aking bp 100/80 pero kinakabahan nako non.

Tapos narinig ko na 1:30 pa daw magstar yung pagtawag kasi kakain pa daw mga doctor. Medyo naantok ako na sumasakit ang aking ulo na hindi ko maintndhan sarili ko siguro ganto talaga kapag firstime sobrang kabado.

Nong unti unti ng papalapit ako nasa apat nalang ata ay ako na ang bubunotin lalo akong kinabahan ginawa ko nilibang ko sarili ko sa pag chachat. Ka chat ko nong time nayun ang mahal ko para maibsan ang aking kaba. Pinapalakas niya din ang loob ko para hindi ako matakot.

Tinawag na ang pangalan ko at tatlong ulit pa bago ako tumayo para pumasok. Pag pasok ko sa loob kitang kita ko yung mga gamit na gagamitin at meron din dalawang pasyente na binubunotan kitang kita ko kaya mas lalo akong kinakabahan. Nka aircon pa pati kaya mas nkadagdag sa kaba ko. Pagkaupo ko pina nganga agad ako. At gulat ako kasi may injection agad bilis naman nka ready na anestesya tapos deeretso turok sa akin parang kagat nga lang ng langgam pero sa.pangalawa at tatlong anestesya ay naramdaman ko yung sakit. Pagkatapos ay natikman ko yung anestesya sobrang pait,tumayo ako at dumura sa lababo,nagmomog din ako. Habang hindi pa ako binubunotan nagdadasal ako na sana hindi msakit. Unti-unti ko na din nraramdaman na nangangapal ang labi at loob ng bibig ko. Umeepekto na ang anestesya, tapos ayan na yung doctor may hawak ng parang flies hehe. Sobrang kabado ako at rinig na rinig ko yung pagncrack ng ngipin ko. Sobrang nahirapan yung doctor kasi malaki pa at matibay pa yung ngipin tapos sobrang makapit pa kaya nkailang ulit niya na hinila at kinalikot ngipin ko. Matatakot ka kasi pano kung dumulas kamay ng doctor at matamaan dila mo hahaha pero buti magaling din nman yung doctor at maya maya nagsasalita na siya nireresitahan niya na ako at binigayn din ng gamot. Pero hindi ko naintndhan kong ung sinasabi niya mas naiisip ko yung ngipin ko hahaha.

Hindi ko pa ramdam pakatapos pero nong pauwi na ako sa bahay ay ramdam kona yung sakit at madugo din siya kayan deretso inom nako ng gamot ko.

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Thank you so much guys for always supporting ...me. Let's visit their work they're all awesome too.

Thank you for reading guys...

Final thoughts

Kapag ganitong firstime mo pa lang ay masasabi ko wag kang matakot at kabahan kasi kapag naunahan ng kaba ay talagang mahirap ng gawin. Tska para din nman sa akin ito kaya ginawa ko na din para isang sakitan nalang.

Sino din may karanasan sainyo magpabunot ng ngipin at firstime niyo ano experience niyo po.?

Date Published

October 27,2021

@ibelieveistorya

6
$ 0.13
$ 0.05 from @Buhayexperience
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.03 from @Sweetiepie
+ 1
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Comments

isa sa kinatatakutan ko. never ko pa nasubukang magpabunot at kung maaari, ayaw kong masubukan,.hehe

$ 0.01
2 years ago

Hehehe kaya ingatan natin mga ngipin para hindi ito bunutin hehe sakin isa lang naman talagang nabiak na siya tapos libre din ung bunot kya go nako hehehe

$ 0.00
2 years ago

Siguro ganyan din ang mararamdaman ko kapag nagpabunod ako ng ngipin..Kaya kapag pumupunta ako ng dentista...Sasabihin ko baka pwede pa doc pastahin hahahaha..o kaya linisan mo lang po.hahahah

$ 0.00
2 years ago

Ako nga ninerbyos pa, hahahh nmumutla ako pagkatapos ng bunot at para akong nakakakita ng mga bituin,kya lageh kong kasama nanay ko.hahahhahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahah ganun b sis bituin talaga hahaha..

$ 0.00
2 years ago

Oo sis, totoo yan. Kahit ung doctor natakot kc namutla ako..😂😂 sabi ko nay bakit parang may mga bituin akong nakikita?😂😂sabi ng doctor, nku miss upo ka muna delikado pag buwan na makita mo..😂😂😂

$ 0.00
2 years ago

Ako sissy halos lahat ng ngipin ko inalis ko hahaha, nakakatakot sa una nanginginig ako. Bawal pumasok sa loob maliban sa mgpapabunot pero umiyak ako haha dalagang umiiyak kaya ung nanay ko nakapasok to support me hehehe

$ 0.00
2 years ago

Hindi nga sis buong ngipin mo wala na? Grabe yun sa akin nga isa palang para nakong mamatay haha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha hindi maman lahat as in hehehehe, dati nauso ang pustiso samin nong hs ako pinabunot ko apat sa front, super takot ko non kaso pinilit ko nlng hehe may konting sira kc sa front eh ayoko ipasta kaya pinabunot ko nlng,pangit kung dlwa lang kaya ginawang apat na haha

$ 0.00
2 years ago

Mabuti ng ipabunot ang ipin kung itoy sumasakit.. Hindi ko po kaya ang sakit niyan hehe

$ 0.00
2 years ago

Sa una lang sis sa turok ng anestesya ka msasaktan pag nagtalab na tas bubunotin wala naman na sakit kaso nakakaba parin tlaga

$ 0.00
2 years ago