Nakakapanibago talaga ang ganitong style ng pagpapaaral sa mga anak. Dati kapag ganitong malapit na ang pasukan ang mga magulang ay nagkakandarapa na sa pagtatrabaho at paghahanap ng pera para sa pambili ng uniporme,bag,mga papel notebooks, at iba pang gamit sa skwelahan. At ang mga bata nman ay excited na silang pumasok kapag nakita na nilang may maganda silang bags, sapatos at uniform ready na sa pagpasok sa swkelahan.
Ngayon naman ay dahil sa pandemyang ating kinahaharap ngayon kaya ang bagong sistema ng pagaaral ng mga bata ay online class or modular. Dito kasi sa probinsya namin hindi pa kami pinapayagan mag face to face classes dahil sa nagiingat din ang lokal na pamahalaan na baka mahawa ang mga bata sa virus. Bago naman namin inenroll ang aming mga anak ay meron silang form na pinapa fillupan and meron din choices kung online or modular ang gusto mo para saiyong anak. Ako dahil wala akong sapat na pambayad para sa online class at wala ding internet sa bahay laging load lang din sa cellphone ay modules pinili ko para sa anak ko.
Ito ang paaralan ng aking anak kumuha ako ng module kanina. May 1hour na orientation meeting oara sa mga parents pinaliwanag kong ano ang dapat gawin,kung paano tuturuan ang aming mga anak. May araw din ang pagbalik at pagsauli ng modules every monday. Ang ganda at ang lawak ng school na iyan kung may normal class ang ganda tingnan ng mga bata na naka suot ng uniporme at nag flagceremony. Ang ganda din ng panahon napakaaliwas ng kalangitan at kung naglaba ka ay matutuyo agad ang iyong sinampay.
Ito ang module ng aking anak dahil sa grade 1 na soya ngayon 5 subject na ang kanyang pagaaralan. Filipino,English, Mathematics,Mother tongue,Edukasyon sa wastong paguugali. Magstart kami mamayang hapon siguro pagkatapos ng aking mga gawain. Sana hindi ako mahirapan saknya sa pagtuturo medyo mahirap kasi siyang turuan dahil gutso lagi maglaro lalo na ngayon nasanay sa bakasyon. Pinaliwanag ng teacher niya na dapat ang bata mismo ang sasagot meron daw kasi na mga magulang na sila ang sumasagot matapos lang ang module kaya yung mga bata walang natutunan dahil hindi nman ang mga bata ang gumawa.
Nong magsabi ang teacher ng anak ko kong sino gustong maging officer lahat ng mga magulang ay yumoko hahahaha ayan talaga ang ayaw ko ang maging officer sa room dahil naranasan ko na yan noon nong day care ang anak ko sobrang nkakapagod. Lalo na kapag may pa feeding program para sa mga bata ay talagang kilangan ajan ka lagi hindi naman sa inaayawan tlaga kaya lang madami kasi akong gingawa na kung baga mahirap ng isingit pa yung pagiging officer. Kahit pa sabihin na module lng naman. Buti nalang at hindi ako napili dahil hindi ako tumitingin sa ibang parents.
Bilang isang ina mahirap magturo sa isang bata lalo na wala ka naman experience sa pagtuturo kaya npakahirap talaga sa aming mga magulang lalo na sa akin tatlo ang anak ko. Ang gawain ko sa bahay halos hindi matapos tapos. Yung module ng anak ko ay kilangan matapos bago mag monday kung noon na kinder siya ay madali lang pano ngayon na grade 1 na limang subjects pa. Ang hirap po pagsabayin pag aalaga sa mga bata at pagtuturo plus yung mga gawain at mabubuang ka pa sa mga sunod sunod na bayarin magdadatingan ang mga bills mo. Kaya yung ibang teacher mauunawaan nila kung minsan hindi makapasa agad ng modules ng mga bata dahil may iba ding ginagawa ang mga parents lalo na kung wala pang makain ang pamilya uunahin muna yun..
Authors note:
Kung kayo po ay may anak na nagmomodule
Or online class habaan lamang ang inyong
Pasensya sa mga bata dahil matatapos din
Itong pandemya.
Salamat po ng marami sa inyong muling
Pagbabasa ng aking article sana ay nagustohan
Ninyo po.
Don't forget to subscribe,like and comment
Down below your reactions.
All of the picture above was taken and own by me.
My noisecash account:
https://noise.cash/u/ibelieve
Bye guys.. god bless you more..
Mga pamangkin ko kakastart lang kahapon.... ang ikli ng patience ng mga bata kaya madaling mabored sa sinasabi ng mga teacher