Beach day

6 28
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

How are you my dear readers, its a wonderful morning to everyone.

Wala sa plano naman ang magdagat ngayon dahil late na kaming nagigising sa umaga. Pero yung kapatid kong lalaki ay kinulit ako na ibilad lang namin ang mga bata saglit sa dagat.

Mabilisan na gising at almus ang ginawa namin dahil 8:00am na tirik na ang sikat ng araw, super excited din na bumangon at nagalmusal sila at tuwang tuwa sila nong malaman na pupunta kaming dagat ngayon.

Maswerte kami dahil ang probinsya namin ay napapalibutan ng karagatan kaya kahit saang barangay kami dumayo para maligo ay may dagat na mapupuntahan. Isa din sa dinarayo itong madalas namin na puntahan na dagat. At pwding pwde siyang lakarin kung hindi ka tinatamad dahil ang lapit lang talaga sa amin. Pero sympre may mga bata kaming dala at tanghali na din kaya nagmotor kami ngayon.

Ang ganda ng panahon ,payapa ang dagat ang sarap pakingan ang mga hampas ng alon. Nakakarelax talaga, hindi naman ako naligo dahil panay picture lang ako. Purpose ko talaga ay pang read cash ito hehehe. Kasi ilang days din akong hindi nakapagsulat. Pero ang sarap din sanang lumangoy.

Tuwang tuwa ang mga bata habang naglalaro ng buhangin. Hindi naman pa sila marunong lumangoy kaya sabi ko jan lang sila sa malapit habang binabantayn ko sila. Meron ding mag anak , magkakaibigan at couple na naligo matao sa dagat kanina kaya naghanap kami ng malilim na pwesto at hindi gaanong mabato.

Habang pinagmamasdan ko mga anak ko ay naalala ko ang aking kabataan na sobrang aliw din ako sa dagat. Yun din ang family bonding namin noon every sunday yun kaya memorable sa akin ang dagat. Hindi nman ako marunong lumangoy takot nga ako sa malalim pero mahikig lang talaga kami noon mag dagat parang family day na din namin. May dala dala kming pagkain at uuwi kami bandang hapon na.

At sobrang itim ko noon hahaha dahil nakababad talaga sa araw. Wala akong pakialam kong negra na ako noon basta ang alam ko ang sarap mag swimming sa dagat hehe. Pero ngayon kahit nagdadagat kami nasa kubo or cottage nalang ako taga bantay ng mga gamit hehe.

Pero kung kasama ko naman si lab ko ay talagang mapapaligo ako at sisisid kami ng sabay sa ilalim ng dagat hehe.. at may naalala ako kapag kasama ko siya na kaming dalawa lang. Kami lang nakakaalam non wag na niyong itanong kung ano un hehehe..9:00am ay umuwi na din kami kasi tirik na tirik na ang araw at yun nga expexted kona na may iiyak kasi bitin sila sa pagliligo.

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

I want to flex to you guys my generous sponsors who are always supporting and inspired me everyday. Just click them and read their works too they are all amazing.

November 23,2021
@ibelieveistorya

4
$ 0.08
$ 0.05 from @Lorah
$ 0.03 from @BCH_LOVER
Avatar for ibelieveistorya
2 years ago

Comments

What a wonderful sunny day. Seeing the happy faces of the kids makes me forget everything. They are such a blessing. I hope you enjoyed it a lot there.

$ 0.00
2 years ago

Nakakamiss magpunta sa dagat sis. Naku tagal na nung huli kong punta ng dagat, last 2018 pa yun...Naalala ko dati nung maliit pa kami lagi din kami pumupunta sa dagat kasama yung lola at kapatid ko. Pagkatapos magsimba, naliligo kami. Sarap liguan yung dagat kasi makikinis yung bato tapos puti yung mga buhangin

$ 0.00
2 years ago

Same kayo nong cousin ko na laking bulaca sis sabik sila sa dagat hehehe..kami kasi napapalibutan ng dagat kaya anytime pwd kami hehe

$ 0.00
2 years ago

Gusto ko din mapasyal yung mga anak ko sa dagat, maybe soon makapunta kami sa dagat

$ 0.00
2 years ago

Ay nakakamis naman mag beach talaga.. at mukhang tuwang tuwa mga anak mo po.. ganda ng bonding niyo po ngayon.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga po sis thank you..

$ 0.00
2 years ago