Lahat ba tayo ay nakaranas ng pang-aapi? Sa eskwelahan, sa tahanan, sa kalsada, kung saan-saang lugar pa. Anong epekto nito saiyo kapag inaapi ka at ano ba ang ginagawa mo kapag ikaw ay inaapi? May mga aral ka bang natutunan? Hindi man ako magaling gumawa ng isang kuwento pero ngayon maglalakas loob akong ikuwento ang karanasan ko noong ako ay nag aaral pa simula noong pitong taong gulang pa lamang ako hanggang matapos akong mag aral at hanggang sa magkaroon ako ng trabaho.
Isa akong tahimik lamang na bata nung unang pasok ko sa paaralan. Walang kaibigan, laging nag-iisa at madalas kinakabahan ako kapag nasa klase na ako. Nahihiya ako makipag-kaibigan, nahihiya ako mag-salita, nahihiya ako mag-laro at nahihiya ako sa lahat ng kilos na ginagawa ko. May koneksyon kaya ito sa buhay ko sa loob ng aming tahanan? Bawal mag-laro, bawal mag- ingay, lahat bawal, nakaupo lamang kaming mag-kakapatid sa isang sulok at nakaharap pa sa pader. Matanong ko lang, anong tawag sa ganitong klaseng pagdi-disiplina? Pinagtatawanan ako at nakakatanggap pa ako ng mga salitang nagpapaiyak saakin sa sobrang sakit. Yung sabihan kang pangit, syempre bata pa ako kaya naiyak ako dahil sa mga binibitawan nilang salita. Yung sabihan kang walang alam. Pagtatawanan kana lang na hindi mo alam kung bakit.
Noong dalaga na ako hindi lang ka-edad ko ang nang aapi saakin, guro, naniniwaka ba kayo na may nga guro na nang-aapi din?Hinding hindi ko naranasan ang masabik pumasok sa paaralan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nasasabik pumasok dahil nangunguna pa ang guro na mang api, hindi ko nilalahat ang guro. Isa sa mga napapansin sakin ng aking guro.ay ang aking boses.“ Parang galing sa hukay” yan ang laging binabanggit ng aking guro at pinagtatawanan nila ako. Paulit ulitin akong magbasa tapos pagtatawanan lang ako dahil parang galing sa hukay ang boses ko.
Nagtatrabaho na ko,mayroon padin talagang nanglalait. pangit ang boses ko.
Isa iyo sa mga kinakatakutan ko kapag nag aaral na ang mga anak ko. Sana hindi sila matulad sa naranasan ko.
Ang aral na natutunan ko ay huwag nalang panisin.
tama, wag mo nalang pansinin dahil hindi naman sila makakatulong sayo, sa panahon ngayon dapat maging praktikal at matalino.