Hayaan silang maglaro habang bata pa

2 59
Avatar for gerl
Written by
4 years ago

Naranasan ko ang hindi maglaro nung bata pa ako. Akala ko noon tama ang mga pinagbabawal sakin katulad na lamang ng hindi pakikipaglaro sa ibang bata. Naniniwala ako ngayon na malaki ang impact nito sa paglaki ng isang bata. Unang una, magiging mahiyain ang bata. Nawawalan mg tiwala sa sarili, kahit kaya nya gawin ang isang bagay ay hindi nya magawa dahil sya ay nahihiya. Dahilan ito ng pagiging kulang sa pakikihalubilo sa ibang tao.

Isa sa mga benepisyo kung bakit kailangan natin hayaan ang mga bata na maglaro ay ang pagkatuto. Ang bata ay hindi kailangan turuan bawat kilos, sila ay unti unting matututo sa sarili nilang exploration. Sa pag-i-explore nila nakakakita sila ng mga bagay bagay na bago sa kanilang paningin, dahil diyan may mga sinusubukan silang hakbang para sa bagay na iyon. Nagkakaroon silang mga ideas at mga panibagong kaalaman.

Makikita ninyo sa mga larawan na may mga ginagawa silang pagbi-build sa laruan, building blocks. Kahit wala silang gayahan kaya nilang mag build ng isang hugis o desenyo ng tao o iba pang bagay. O diba, hayaan natin silang maglaro, dahil ang paglalaro nila ay may matutunan silang mahahalagang bagay.

Halimbawa na lamang, iyong nasa taas na larawan ay isang educational toys, marami silang makikitang iba ibang shapes, color at numbers. Mag uumpisa na silang magtanong, isa isa nilang itatanong kung anong bagay iyon. At kapag naipaliwanag mo yun sa kanila, panibagong pag susuri naman ang kanilang gagawin sa laruan nanyan. Yung mga colors, shapes at numbers ay gagamitin nila sa ibang paraan naman. Proven ko na ito, 100% sapagakat yan mismong mga nasa larawan ay mga anak ko.

Hayaan natin silang magkalat. Ang pagkakalat ay normal lang sa bata. Maaari natin silang turuan ng tungkol sa kalat. Uulitin ko, ang paglalaro ay isa rin sa paraan para sila ay matuto. Makalat, normal lamang ito, pagkatapos nilang maglaro makikita nila na sobrang kalat ng paligid, at sa bagay na yan pwede na natin silang turuan ng isang pag uugali katulad ng pagliligpit ng mga laruan pagkatapos maglaro. Isang pagkatuto ulit ang kanilang masusubukan. See, marami silang matututunan kung hahayaan natin sila pero dapat may guide.

"don't remember what you try to teach them. They remember what you are."

5
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of gerl
empty
empty
empty
Avatar for gerl
Written by
4 years ago

Comments

hahaha ganyan din dito sa bahay namin sis susme ahaha.... sa umaga ang linis linis tapos pag gising na mga bata wahahahaha parang na tornado sa loob ng bahay. at puro laruan ang natamaan ng bagyo hahaha.. sobrang dami nang basket na lalagyan niya. ,ay mga nakasako na nga na ibang laruan nila.isama mo pa yung bike sis... sa loob ng bahay nagbabike sila jusko!! hahahaha

$ 0.00
4 years ago